Kung tutuusin ay sabit lang naman ako sa unang pagtatagpo ng mga Engkanto. Hindi ko pa close si Papa P at si Papa Tagay naman ay walang pakielam sumipot man ako o hindi. Tanging si Fox lang talaga ang nag-insist na ako ay sumama kasi kahit siya ang pinuno ng thread, hindi rin siya sanay makipagkita sa malaking grupo.
Galante ang nagtawag ng meet-up. Palibhasa ay OFW kaya kung maglabas ng pera ay parang wala ng wakas. Wantusawa ang mga bucket ng San Mig Light na dumarating sa amin. Ang pulutan, miski hindi ko man gaano natikman dahil sa hiya ay talagang umaapaw sa table. Hindi ako mahilig sa Comedy Bar, lalo pa't sa Clownz idinaos ang grand eye ball. Pero special ang gabing iyon. Guest performer si Allan K at mukhang anniversary yata ng branch kaya star-studded ang line-up ng mga comedians.
Nagpakita ako hindi lang dahil gusto ko makita ang mga tao sa thread. Actually na-cucurious ako kung mas pilyo ba si Papa P kesa kay Papa Tagay na alam kong manyak na. Seriously, yun ang mga panahong naghahanap ako ng panakip butas sa nalulusaw kong relasyon. Sa halip na manggatong ng malilibog sa G4M, naghanap ako ng mga tropang masasandalan.
At hindi ganoon kadali ang naging paglalakbay ng mga lamang lupa.
Laging usap-usapan na may isa pang member na imbitado sa GEB. Pangalan niya ay Alvin Fairview na minsang naka-eyeball ko na bago ko pa kinita ang Pinuno. Sabi ni Papa P na na-inlove daw ito kay Papa Tagay at kaya lang nagpakita ay para mag-walk out nang dumating ang aming maharot na kaibigan. Hindi ko alam ang buong kuwento. Sabi ko nga, medyo out of place ako nang unang magpakita sa mga engkanto. Bukod kasi sa kakisigan ng mga binata, pakiramdam ko rin na ako ang nahuhuli sa merkado.
"Alam mo kasing taba kita noon bago ako mag-diet." Hindi ko na matandaan ang eksakto niyang sinabi, pero nakabond ko ang host kahit paano.
"Talaga? Tingin mo papayat pa ako?" Siyempre, kakasimula ko pa lang magbuhat noon. Malay ko bang ilang taon lang at hahabol rin ako.
"Oo naman no! Tara inom ka pa." In fairness, hirap maka-alala ng nakaraan ha! Basta alam ko nag-enjoy ako noong gabing yun. Sobrang enjoy, na-blog ko pa siya para ikuwento sa isa ko pang ka-tropa na nasa abroad.
Tatlong taon ang lumipas.
Noong ika-unang taon ay wala talagang mga engkanto. Sa halip ay may Orbiter at Caretaker, at yung natitirang mga pilyo ang higit na nagkadikit-dikit dahil sila rin ang mga magbabarkada sa thread. Pero marunong talaga ang tadhana. Hindi ko alam kung sadya ang mga pangyayari, pero hindi rin nawala ang pagkakaugnay-ugnay naming lima.
Kung hindi iniwan si Papa P ng dati niyang ka-partner, hindi niya magiging kadikit si Papa Tagay na siyang umalalay sa kanya hanggang maka-recover. Kung hindi magkainuman si Papa Tagay at si Fox na magkapitbahay rin sa Novaliches, wala akong contact sa dalawang pilyo ng barkada.
At kung hindi mag bestprend si Papa P at ang host ng unang inuman na madalas tumawag sa akin ng "sis" sa blog at "adikk" naman sa blog ng iba, ang lima ay hindi mabubuong muli. No wonder, importanteng araw ang anniversary para sa grupo.
Sa dinami daming kadramahan sa buhay naming lahat, heto't magkakasama pa rin kami't patuloy na nagiging dikit sa isa't isa.
The post is not about how we started, or how a divided group became united. Kanina, habang nagsesenti sa training ay naisip ko lang. Magcecelebrate kami ng wala ang isa sa mga original five. Pero kung hindi dahil sa orig na yun, na naglakas loob makipagkita sa aming lahat kahit sobrang pa-discreet si Papa P at may nag-walk out naman kay Papa Tagay na never na namin nakita muli, walang inumang magaganap bukas.
Paano ba yan Papa Marhk, ikaw na lang ang hindi ko nablo-blog sa apat. Wala ka man sa Music21 pero ikaw ang tagay ko sa inuman.