Saturday, January 8, 2011

MP3 Library





Ang blog entry ko ay tungkol sa aking  mp3 library.



my preciousssssss




Simula't sapul ay may sistema na kung paano ko i-arrange ang mga mp3s sa computer.  Sa halip na by music artists, ang mga tracks na nasa folder ay categorized according sa genre nito: Alternative Rock, Light Alternative Pop, RnB, Electronica, etc.

Ang sistema ay nakuha ko pa noong sinaunang panahon.  Nagsimula kasing magkaroon ng mp3s sa hard drive dahil sa pc game na Sims. Nadiskubre ko na bukod sa built-in music na galing sa game ay maari kang mag-import ng mp3s mula sa hard disk. Sa halip na Simlish ang mga kantang lumalabas sa stereo na binili ng Sims mo, naroon ang mga kanta ni Paula Cole at Shawn Mullins upang magbigay background music sa mga bahay na kasalukuyang nilalaro ko.



guess what genre these songs belong



Noon pa man ay kilala na akong tirador ng mga pirated audio cds sa University Mall. Ito yung mall na katabi ng DLSU.  Mula Alternative Rock hanggang Ibiza, asahan mo na meron akong cd nito. 

I was able to set my rules when getting my music fix.  It must be assorted. Bawal akong magnakaw ng entire album ng isang artist. Noong naglevel-up ako at nadiskubre si Napster at Limewire, ganun rin. One or two songs from a music artist and then off I download from another. Paniwala ko kasi na I'm not just getting their music, 

I am preserving them.



this is where mami athena's ms office training went



It took great pains to hold on to my word that I will preserve these mp3s. Noong una, I burned  tracks with blank cds to compensate pero hindi ito sapat. I burned some more until I realized that it was not working. I tried listing down the songs and the artists in an excel spreadsheet then sent a copy to my email, hoping I would never use it in the future.

Then one day, my fears came true. A careless technician who was reformatting my computer accidentally erased my entire library. Five years' worth of downloaded and pirated songs suddenly went kaput.  As in tulala talaga ako. I demanded access to one of their units for several days. Download lang ako ng download. Mabuti na lang at nasa akin pa yung mga na-burn kong cds before. Malaking tulong rin yung excel sheet na sinend ko sa email hindi man ito updated.



iTunes



Technology is evolving.  The last time I remember, Creative Zen was my mp3 player. Then comes the iPod Mini thanks to my relatives abroad. Who knows, maybe I will have a gadget upgrade this year. 

The shift from single-spreadsheet mp3 listing to multi-spreadsheet genre-based listing is still ongoing.  Matrabaho lang kaya matagal.  It's good that I'm using dial-up internet connection at home or else I would include the album of each song which I have to research pa.  Nakakatagal rin yung habit of playing the song of a track I'm working on before proceeding to input a new data.

As of last count, nasa 2,800 files ang lahat ng mp3 ko excluding those belonging to my sister and those that I haven't listed yet sa excel file.  The number is not that big for those who download entire albums from Torrent and other file-sharing websites. However, these numbers represent around twenty five hundred artists from all genres.  Having Virna Lisa's "Magkaisa," Patsy Cline's "Crazy," and Depapepe's "Summer Parade" in your library speaks a lot about one's music acquisition.

In my next entry related to my mp3 library, I will describe each genre and the most hard-to-find song from each album. I'm planning to invest on getting a Terrabite storage device and a faster internet connection so I could expand my library.

It doesn't matter if I couldn't play all the songs in one sitting. After making so much effort  to have these music artists on my hard drive, the aim is not about personal pleasure anymore, it is about helping humanity in keeping the music available for all time.


24 comments:

Eternal Wanderer... said...

omgee, may existig ipod mini pa pala sa mundo ngayon! lolz

Mugen said...

Ternie:

Of course! Vintage ang taste ko sa gadgets Lol!

Nyeta kapag ako nagkaroon ng iPhone5 kukutyain talaga kita! Hahahaha!

Hoy natapos na ang krismas e hindi pa tayo nagkikita. May ibibigay ako sayo!

Ms. Chuniverse said...

wow, organized ang papa.

I still have my very first iPod shuffle. Yung white na parang USB stick. And still working perfectly. Kahit na-washing machine ko pa. =)

Carlo said...

buti ka pa organized ang music library mo. sa akin sabog sabog di ko na malaman kung san san nakakalat na folder hehe.

Mugen said...

Carlo:

Baka makatulong sa iyo yung genre-based na pag-aayos. Hehehe. At least hindi awkward na Rihanna ka tapos biglang ummm Eraserheads yung next track mo.

Miss Chuni:

Ganun daw ang mga ANAL, sobrang organized. Lol.

Maganda ang quality ng apple kaya kahit maligo sa washing machine ang mga gadgets natin eh hindi basta basta nasisira.

Anonymous said...

buti naman at about sa mga music genre ang next entry mo, sir mugen. Medyo mahina kasi ako mag-classify at differentiate ng songs base on genre kaya ang library ko ay naka-organize base on Artist and Album (with matching cover pa ha). :)

-runway_1533

odin hood said...

walang kpop? haha


LOL at WV: undie

claudiopoi said...

ikaw na ang OC!

Sean said...

lol sa anal.

kita ko yung total exclipse of the heart sa listahan mo. meron din ako niyan kasama ng purple rain, knocking on heaver's door, atbp. sa aking playlist ng mga beerhouse songs (from a previous life)

Kapitan Potpot said...

Lupit sa pagiging OC! Samantalang yung akin eh sabog sabog ang mga folder nila. Sa media player ko nalang inaayos kung ano genre sila. Haha!

At may spreadsheet pa! Naaliw naman ako. :D

Nimmy said...

OC si kuya oh! kahanga hanga. sasabihin ko sana, "sana magawa ko yan this 2011." kaso alam kong niloloko ko lang sarili ko. hehehe

Canonista said...

Depapepe! My favorite guitar duo!
Nung nag break kami ni Angel, mabuti na langat nailagay ko lahat sa 4th Gen iPod ko, 2005 pa yun, mas matanda ang iPod ko sa iyo, Mugen!

Tapos nagkaroon ako ng vintage na Mac Mini, nagsimula ulit ang collection ko. Too bad, I can't copy the MP2s from my old iPod to the Mac Mini, hindi na nga siya halos nadedetect eh.

Ayun.

James - M.I. said...

Wow, napaka organized mo pala Mu[g]en. Categorizing 2,800 songs in your music library is moderate-hard work that needs a lot of patience. Saludo na talaga ako sa yo. :)

Mugen said...

MI:

Kapag may hard to find mp3s ka, kelangan mo talaga gumawa ng spreadsheet para madaling i-retrieve sa internet. Hehehe.

Moderate ka diyan, hardwork kaya yun! Lolz.

Canonista:

Last recourse ko ang mag-store ng music sa isang apple device. Medyo mahirap siya i-reconvert eh.

Yup, favorite mo nga yung Depapepe kaso isa lang track ko. :)

Mugen said...

Nimmy:

If you have spare time, bakit hindi mo i-try? Mas kaunti naman yata ang songs mo kesa sa akin.

Louie:

Sa Windows Media Player kasi, one music at a time lang ako magpatugtog. Ayokong may sound kapag nagtratrabaho. Eheheheh.

Sean:

Yung mga songs na nabanggit mo ay babagsak sa New Wave genre. Hehehe. Yung folder na pinakita ko eh bahagi ng New Wave Library ko. :)

Mugen said...

Claudiopoi

Ako nga! Ako nga!!

Odinhood:

Wala pa akong influences eh. Pero I'm not fan of KPop. They're for kidzzz.

Ikaw mahilig ka sa KPop?

Runway:

Pangako yan. Next time na magsulat ako ng blog tungkol sa mp3s ko, eexplain ko naman yung mga genres.

Happy Weekend!

Unknown said...

Tulad ni Runway di ako marunong mag categorize by genre. Kahit nga paggawa ng playlist ng mga kanta na bagay pagsamahin di ko magawa. Haha. Kaya ang pagka OC ko sa music library bumabagsak sa paglagay ng album art sa bawat track. Effort din siya! =)

Kiks said...

my first ever mp3 player was a creative zen that i am still using now. a good company for jogging.

meron ding inilabas ang speedo na waterproof mp3 player na matagal ko nang pinaglalawayan pero pinagiisipan ko pa kung bibilhin ko.

as for that mp3 library of yours, whoooow! i only got introduced to the most wondrous of singers and artists kapag nagpapadownload sila - rachel yamagata, regina spektor (before she became known), etc.

maganda tong post na to. andami kong natututunan. anthology ba to?

;-)

Mugen said...

Drew:

Mababaliw ako kapag nilagyan ko ng album art ang mga track sa playlist ko. May mga kanta ako noong sinaunang panahon na mismong mukha ng kumanta ay hindi ko alam. Lolz.

Kiks:

Rachel Yamagata... Worn Me Down saka 1963. Astig! Anthology, pinag-iisipan ko. Basta sa susunod na installment, idedefine ko yung mga genres sa library ko saka yung confusion minsan lalo pa't may mga kanta na puwede kong i-categorize as jazz/lounge at oldies. :)

Kiks said...

aminin mong meron kang eartha kitt sa library mo. aminin mo.

sige, aantabay ako.

my-so-called-Quest said...

this makes me want to organize my library too pero wala pa yung laptop. oh well. haha. ang category ko lang sa playlist e, for running, for emo, alternative. tapos halo halo na. hehe

nainggit tuloy ko at gusto ko ipaayos sayo files ko. nasa 3k lang naman ung kanta. haha

Mugen said...

Kiks:

Hindi ko idedeny! Yup meron akong Eartha Kitt. Isama mo pa si Bette Midler saka Julie London lolz

DocCed:

This calls for trading! Dali! Ano pinakamarami mong songs?

c - e - i - b - o - h said...

ang OC mu nga Sir Mugz ,, pero keri lang yan, para di ba, hindi ka mahirapan kung anung type ng song ang bet mu for a day na patugtugin,, hehehe.. ako din, more more folders then update na lang ng update pag may bago.. hehehe

Mugen said...

Ceiboh:

Yup ganun na nga. Nakakatulong siya lalo na sa gym, kasi nga consistent yung playlist ko. :)