As usual, tanghali na naman ako bumangon kanina para pumasok sa work. Pasalamat na lang at medyo mabilis akong kumilos sa pag-hihilamos at pagtotooth-brush kung hindi magta-taxi na naman ako upang maiwasan lang ma-late sa pag time-in sa bundy clock ng opisina.
Habang nagmamadali akong naglalakad papuntang sakayan ng jeep, kapansin-pansin na higit na maraming tao ang nasa kalsada na. Dati-rati kasi'y puro mga street-sweeper lang at mga lasenggero na inabot na ng umaga sa pagtoma ang bumabati sa akin ng "Magandang Umaga," habang pupungas-pungas o kaya nama'y humihikab akong naglalakad sa kalye.
Sa bagal kong maglakad kanina (na animo'y parang nagsasagala sa may bangketa), naabutan ako ng red light sa panulukan ng Ramon Magsaysay at Old Sta Mesa. Tuloy, napilitan akong tumayo at mag-intay ng isang minuto bago maging kulay berde muli ang ilaw ng traffic light. Kaasar nga eh, kung kailan pa ako nagmamadali saka naman gumaganti sa akin ang tadhana.
Habang nag-iintay makatawid, naulinigan ng aking pandinig ang mahihinang boses ng mga bata sa likuran ko. "Paano nangyari yun? Anong araw na ba?" Ang tanong ko sa aking sarili. Yun pala, lunes na kaninang umaga. Sa bilis ng takbo ng isang linggo, nakalimutan kong ngayon pala ang first-day funk ng mga estudyante sa elementary at high-school.
At dahil first day of classes nga, excited ang mga batang pumasok sa paaralan. Sa mga bata pa lang na nakita ko, kapansin-pansin na bago ang bag, sapatos at uniform nila. Halata ring bagong ligo ang mga ito - hindi katulad ko na mukhang lukot na kumot habang papasok ng trabaho ngayong araw.
Sa kintab at kinang ng mga get-up ng bagets, tiyak na may ipagmamayabang ang mga ito sa kanilang mga kaklase sa school. Kulang na lang ng bling-bling at tiyak, sikat na sila klase buong taon. Siyempre, ang mga magulang naman - na nakipagbaratan pa sa Divisoria noong isang araw mapagkasya lamang ang gamit pang-eskwela, ay proud na proud sa kanilang mga tsikiting.
Heto ang nakakamiss sa pagiging isang pupil.
---
Tandang tanda ko pa, mahigit labing-limang taon na ang nakakaraan ay naging pupil rin ako. Sa St. Joseph's College, kung saan ang karamihan ng mga estudyante ay de-school bus, isa ako sa de-hatid ng yaya (sakay ng jeep) patungong school. Mahirap lang kasi kami, kaya afford lang ni papa na mapag-school bus ako tuwing uwian.
Palibhasa'y outcast noong nakaraang school-year, ang first day of classes ko ay laging simbolo ng bagong pag-asa para sa akin. Tingin ko kasi, mawawala na ang marka ng nakaraang taon kapag naging bago na ang mga classmates ko (wala kasi sa aming block section). Ngunit, mas harsh ang nangyayari kadalasan. Sa halip na makawala ako sa mga puna ng dati kong kaklase, ang mga naging kaklase ko ulit - galing sa aking section noong isang taon ang siyang patuloy na magkakalat ng kapintasan ko sa iba.
Sabagay, kasalanan ko rin naman. Mukha kasi akong taong grasa tuwing pumapasok ng classroom. Hindi pa ako madalas maligo o mag-toothbrush kaya naman diring-diri sa aking hindi lang ang mga teachers, pati na rin mga classmates ko noon.
Hindi man mapera ang mga magulang ko, ngunit nakakapagyabang rin ako kahit paano. Pumapasok akong bago ang sapatos, uniform at gamit pang-eskwela gaya ng notebook at libro. Nakakapagmalaki rin ako ng pencil case (uso pa noon yung may piano sa ibabaw o kaya naman eh yung mga multi-compartment na sa laki nito, pwede mo rin siyang gamiting pambato sa iyong pasaway na classmate). Siyempre nagiging bida-bidahan ako kahit paano - kahit sa first day of class man lang. Pagkatapos noon, mabilis pa sa alas-kwatro akong magiging outcast ulit. Madalas kasi'y naunahan akong ma-bully bago makahanap ng tag-team tropa. Minsan naman, nagkakaroon nga ako ng kasama ngunit sila rin ang unang sumasaksak sa akin patalikod.
Ang lupit ng buhay elementary ko no?
Kaya noon, sanay na akong mag-isa at wala talagang kasama. Madalas, laman ako ng library o kaya naman ng school garden malapit sa kumbento ng mga madre sa amin. Dahil sa kadalasang pagsosolo, nagkaroon ako ng affinity sa mga pusa at nacurious akong mag-gardening. Dito rin nabuo ang pagiging lakwatsero ko sapagkat sa halip na dumiretso sa bahay tuwing dismissal, nag-eexplore ako ng mga lugar-lugar sa paligid ng school ko.
Noong mga panahong ring yun ng pag-iisa, nagkakaroon na ako ng signs ng pagiging senti. Sa halip na makipaglaro sa mga kaklase ko, sinasadya ko ang kindergarten building kung saan ako nag-kinder at nag pre-school upang mag-reminisce. May mga panahon ngang muntikan pa akong ma-guidance kasi daw off-limits para sa aming mga tiga-elementary ang kindergarten pero tuloy pa rin ako.
Kung titingnan mo ang distansya ng buhay mula noon at ngayon, parang isang dipa lang ang pagitan - lalo na't kung titingnan mo ito mula sa mata ng isang tsikiting na aksidente mo lang nakasabay sa pagtawid sa kalsada sa iyong pagpasok sa trabaho. Aaminin ko, minsan natetempt akong bumalik sa dati kong paaralan upang mabisita ang grounds nito at mapa-alala sa aking sarili na dito ako nagka-ugat at tinubuan ng pakpak. Wala lang, siguro bahagi pa rin ng aking pagiging senti at maka-alala ng nakaraan.
Hindi ko man alam kung ano na ang nangyari sa mga nagpahirap at nagpahiya sa akin noong elementary, pero, kung hindi siguro dahil sa kanila, maaring hindi ako ganito katibay ngayon.
Kung meron man akong masasabing mga tagumpay ngayon, sa huli, sila pa rin ang aking dapat pasalamatan.

No comments:
Post a Comment