"Jay maari bang humingi ng malaking pabor sa iyo?" Heto ang mensahe ng aking officemate na pinadaan niya sa pamamagitan ng instant messenger (IM)
"Ano yun pare?" Mabilis kong tugon sa kanya.
"Maari bang humiram ng pera sa iyo? Walang wala na talaga ako eh. Kahit nga pamasahe para bukas kulang na ako." Paliwanag niya sa akin.
Sa loob-loob ko, tila mapapasubo yata ako nang mga sandaling iyon. Kilala ako sa opisina bilang aloof at kuripot lalo na sa mga taong hindi nakakakilala sa akin. Bilang lang sa daliri ang mga taong talagang kinakausap ko sa tuwing matataon na wala akong ginagawang trabaho. Hindi pa kasama dito ang ilang piling kasamahan, na may exclusive access sa aking "extra funds" na kadalasan rin ay limitado lang ang aking napapahiram na pera sapagkat ako rin ay may mga personal na pinagkakautangan na kailangang bayaran.
Hindi kami close nitong ka-officemate ko na nanghihiram sa akin ng pera. Ni ka-tropa nga ay hindi ko siya maituturing sapagkat sadyang iba ang circle of friends naming dalawa. Ngunit magkaiba man ang aming mundo, ramdam ko ang respeto at pagtingala niya sa akin. Sa kanyang simple at painosenteng pag-ngiti sa tuwing nagkakasalubong kami sa corridor - naroon man ang di-makakailang pangingilag niya sa akin, alam kong cool kaming dalawa.
Nang huling beses akong magparamdam ng kaunting pagmamalasakit sa kanya, ito ay noong na-confine ang kanyang misis sa ospital sanhi ng premature delivery. Sa kasamaang palad, hindi nailigtas ng mga doctor ang kanyang dapat sana'y panganay. Sa tuwing naalala ko ang mga oras na iyon na kaming tatlo lang ang nasa ospital - siya, na paikot ikot upang magasikaso sa mga papeles pati na sa death certificate ng kanyang panganay; ang kanyang nakahilatang misis na hinang-hina at hindi man lang makapagsalita; at ako na tahimik at napilitang magbantay sa kanyang tabi habang wala ang kanyang mister, ramdam ko ang biglaang pag-agaw ng kabataan sa kanya.
Sa mga oras na iyon, tila ba bigla siyang naging mama sa loob lamang ng isang magdamag.
---
"Magkano hihiramin mo dude?" Tanong ko sa kanya.
Pagkatapos noon ay nagkaroon ng mahabang katahimikan. Siguro, sa kanyang bahagi ay naghahanap pa siya ng mahihiraman na iba, kumbaga sa back-up ako ang ginawa niyang last resort. Sa akin namang interpretasyon, nag-iisip siguro siya kung ano ang limit ng aking pwedeng mapahiram.
"P300 sana eh kung pwede sayo." Sa wakas ay nakasagot rin siya sa aking tanong.
"Yun lang pala eh, bigay ko sa iyo mamaya pagkatapos ng shift. Intayin mo ako sa labas."
Apat na taon na ang nakakaraan, wala sa aking pandinig ang mga utang-utang na ganito. Palibhasa'y anak ng boss, ang isyu ng problema sa pera ay na-address na ng mga subordinate ko bago pa man ito makarating sa akin. Alam ko na ang problemang pagbubudget ay hindi maiiwasan saan mang trabaho o floor ako mapadpad. Ngunit dahil nasa rank and file ang aking posisyon sa trabaho at hindi boss o nasa administration gaya ng mga sinauna kong designation, ang kahirapan sa buhay na dinadaranas ng aking mga katrabaho ay harapang sumasalamin sa aming estado.
Sabagay, talaga namang mahirap mabuhay sa kinikita namin sa trabaho... nagtataka nga ako minsan kung paano nakakapagsuporta ng pamilya ang ilan sa aking mga colleagues, samantalang ako, ni sarili ko ay hindi ko masusuportahan sa aking sweldo...
Aabutin pa ng tatlong araw bago dumating ang unang tatanggapin naming sweldo para sa buwan ng Oktubre. Ngayon pa lang, ilan na ang narinig kong mga daing mula sa aking mga katrabaho sapagkat hindi na nila mapagkasya ang budget para sa mga susunod na araw.
Kung kukunsultahin ang mga experto (lalo na ang mga sobrang kuripot, maglalakad pauwi para lang makatipid ng pitong pisong pamasahe), kasalanan rin nila kung bakit nauubos ang kanilang pera. Sa tuwing araw ng swelduhan, sila ang nangunguna sa pagtatawag ng happy-happy pagkatapos ng shift. Kapag naman marami ang trabaho, sila rin ang madalas mong nakikita na nagstre-stream sa YouTube o kaya naman ay tumatambay sa labas ng building kasama ang kanilang mga barkada at nagyoyosi ng walang patumangga.
---
Pasimple kong binigay ang P300 sa nanghiram sa akin matapos ang shift. Kasabay nito ang mahigpit kong babala sa kanya na wala dapat makakaalam na ako'y nagpahiram ng pera. Mabuti na ang maging discreet sa ganitong mga eksena. Hindi ko yata kayang maging utangan gaya ng isa kong katrabahong maykaya na sa tuwing mayroong magkukulang eh siya ang laging tanatakbuhan.
Kung tutuusin naman, ang halagang tatlong daan ay hindi masyadong masakit sa aking bulsa, lalo pa't wala naman akong pinagkakagastusan. Ang halagang ito ay budget ko na para sa night-out sa Government (noong ako'y pala gimik pa) o kaya naman ay phone allowance sa loob ng isang linggo, kung hindi naman ay pambayad sa printing at pag-xerox ng essay sa tuwing may workshop kami sa class ni J.Neil.
Ang halagang ito ay halos katumbas na kinikita ko sa loob ng isang araw.
Kung wala ang backing ng Sikyu Agency, sa laki ng gastusin ko ay tiyak na mapapabilang ako sa mga taong mahilig mangutang sa opisina.
It might have turned out worse based on my speculations.
Kaya naman, matapos kong marealize ang katotohanang ito, higit kong napagtibay sa aking sarili na kung darating man ang panahong magkukulang ang aking budget sa aking pang araw-araw na gastusin, marahil ay kailangan kong tanggapin ang posibilidad
Na mag-double job ako upang masuportahan ang lahat ng nakasandal sa akin.
Sa tinagal-tagal ng panahong naging efficient at effective ako pagdating sa pagpapatakbo ng aking sariling finances, hindi ko yata kayang matanggap ang isang scenario kung saan ni dalawang pisong pambili ng Marlboro Lights,
Ipapangutang ko pa dahil sa sobrang kawalan ko ng pera.
---
Ever since I learned how to put up a savings account, never in my life did I envision that there would come a time I would witness with my own eyes a zero balance account. It never happened in the past and I swear to God that it will never happen so long as I live.
They say money is the root of all evil. I say money is my last insurance in enjoying a life of security and independence.

No comments:
Post a Comment