December 13, Sunday yun. Pumunta pa ako sa bahay natin sa Santa Mesa para makipiyesta. (Feast of Our Lady of Loreto) Namimiss ko na kasi mga kapatid ko saka gusto ko na rin makikain sa kanila. Hindi kasi masarap magluto yung katulong natin na si Alma. Hindi rin naman ako magaling magluto saka wala tayong pera kaya sinamantala ko na ang pagkakataon. Tapos naming dumalaw, nagpunta pa kami ng Papa mo sa Goodwill Bookstore sa Harrison Plaza para magtingin ng libro. Kaso nakaramdam na ako ng pagtagas kaya nagdecide na kaming umuwi sa bahay. (a rented apartment in Padre Faura) Kabuwanan ko na noon pero hindi pa ako nag-eexpect ng labor. Akala ko nga eh dahil lang sa paglalakad yung tagas na naramdaman ko noong hapon.
Pagkagising ko the next day, sobrang basa na yung kama. Tinawagan ko na yung Ninang mo (my favorite aunt) at sinabi niya na pumunta na ako sa ospital. Tinawagan ko na rin si Ninang Vangie mo (the Obstetrician) para iupdate siya sa mga nangyayari. Naligo pa ako noon kasi alam kong manganganak na ako. Sabi nga ng Papa mo eh ang tagal tagal ko daw maligo. Pagdating sa ospital eh nilagay kaagad ako sa waiting room. Dun daw muna ako kasi hindi pa naman nag-eexpand yung width ng Cervix ko.
Alas otso ng gabi, wala pa rin pagbabago. Hindi pa rin ako nagla-labor kahit na-drain na lahat ng tubig sa matris ko. Kinabitan na ako ng dextrose tapos naglagay na rin sila ng gamot na pampa-induce labor kaso ganun pa rin. Hatinggabi na pero hindi pa rin kita pinapanganak.
Worried na ang lahat, pati si Tita Nene mo eh nagdududa na sa galing nung doktor. Sabi nga niya eh magpa-refer na lang kami sa iba, pero sabi ko may tiwala ako kay Ninang Vangie mo. So yun. Nag-intay kami na lumabas ka. Nilagyan na tayo pareho ng antibiotic. Constant na rin yung pag-check ng heartbeat at pati na yung blood pressure ko pero ayaw mo pa rin lumabas.
Alas Kuwatro ng madaling araw nang magdecide sila na i-Cesarian ako. Delikado na kasi dahil wala ng amniotic fluid na nagproprotekta sayo. Nung na-injectionan na ako ng anesthesia, hindi ko na alam kung ano ang mga nangyari. Basta alam ko naroon yung mga kapatid ko saka papa mo sa labas ng operating room.
Kuwento sa akin ng mga kapatid ko, puro dugo ka daw nung lumabas ng delivery room. Puno ka rin ng scales sa balat dahil natuyuan ka sa loob ng tiyan ko. Yung Papa mo ayaw kang lapitan. Nanlalambot yata dahil sobrang fragile mo nung pinanganak ka. Two days bago kita nakita. The whole time iniisip ko yung storya ng isang nanay na ibon at yung kanyang sisiw. Dun sa kuwento kasi, naiwan nung nanay yung kanyang sisiw para maghanap ng makakain. Worry ko, baka hinahanap mo na ako pero hindi talaga ako makatayo dahil masakit ang Cesarian.
One week tayo nag-stay sa ospital. Araw-araw kita pinupuntahan sa Nursery para dalawin. Palagi ka ring naka-breast feed noon. Yung baby book mo eh binigay na lang sa akin ni Tita Nene pagkatapos ng isang linggo. Sila na rin yung nag-fill up kaya alam mo ngayon ang eksaktong oras at araw ng kapanganakan mo.

Mothers never forget the memory of their first childbirth.
And all she wanted me to remember is that I am loved from the very first day I appeared in her womb.
Hindi ko nasabi na habang kinukuwento ni mama ang storya ng aking kapanganakan, hinahaplos niya yung likuran ko. Siguro heto na ang pinaka-close naming bonding sa loob ng ilang buwan. Masyado kasi kaming busy sa aming mga pinagkakaabalahan.
Ang title ng libro na binili ni mama sa Goodwill Bookstore ay "The Presentation of Self in Everday Life" ni Erving Goffman. Kasama ito sa mga librong nakatakda sanang makahon matapos akong magbawas ng libro sa kuwarto kahapon.
Binalik ko ulit ito sa aking bookcase.
In the silence of Mugenspace
Thank you Bro for the extended lease in life.
Happy Birthday... Joms