Sinasabi ni mama na unexpected ang pagdadalang-tao niya sa akin. Bukod sa pagiging isang disabled person ay kasisimula pa lang niyang magturo sa kolehiyo. Ang tatay ko naman ay nakahanap ng trabaho sa isang Travel Agency. Subalit dahil sa liit ng sweldong kanyang natatanggap ay hindi ito sasapat maski pambuhay sa kanyang sarili.
Parehong leftist ang aking mga magulang. Panahon iyon ng Martial Law at usong-uso ang idea ng pakikibaka at pagpapabagsak ng gobyerno. Ito daw ay sa ngalan ng pagbabago. Dumadaloy sa dugo ng aking mga magulang ang pagiging rebelde at palaban. Hindi nakakapagtakang ang mga ugaling ito ay namana naming mag-utol.
Hindi kinakaila ng aking mga magulang na naging pabigat sila noong kanilang kabataan. Sa halip na maghanap ng trabaho at makatulong sa pamilya ay sa iba nila binaling ang panahon. Nilimot nila ang mga responsibilidad sa bahay at sa halip ay inasa ito sa kanilang mga kapatid. Ang aking nanay na panganay ay nawili sa pagra-rally at pag-iindoctrinate ng mga bagong miyembro sa kanyang grupo. Ang kanilang ikalawa ang tumayong ate para sa kanilang anim na nakababatang kapatid. Ang tatay ko naman ay hindi maasahan kahit sinusugod sa ospital ang kanyang nanay na Diabetic. Tanging ang kanyang nakababatang kapatid ang naroon upang ipagamot ang matandang may sakit.
Ang mga kapabayaang ito ay naging ugat ng isang malalim na di-pagkakaunawan sa kanilang pamilya. Marami ang nagtanim ng sama ng loob sa kanilang ginawa na hanggang sa ngayon ay hindi pa buong naibabaon sa limot.
Sabi ng mga pantas, kung ano ang ikinilos ng mga magulang sa pagkabata ay siyang ikikilos ng mga anak sa kanilang pagtanda. Hindi ko tiyak ang pinaghugutan ng kasabihang ito. Ngunit kung iisipin ang magiging takbo ng buhay namin sa buhay ni mama noong kanyang kabataan, hindi maiiwasan ikumpara ang mga similarities.
"Nagsimula lang akong tumino nung mag-asawa." Minsang nabanggit ng nanay ko sa akin.
"Nagkaroon lang ng direksyon ang buhay ko nang ipinanganak kita."
8 comments:
and what a wonderful person you are..
"kung ano ang ikinilos ng mga magulang sa pagkabata ay siyang ikikilos ng mga anak sa kanilang pagtanda. "
I totally disagree. hehe
well i have to disagree na it was a kapabayaan. because i believe those things they've done contributed to change...
Ewik and Iurico:
Woops, I'm not speaking of generalization here. Wait for the next entries.
I spoke of such observation out of metaphysical context.
And its sad because I think if fates come into the picture, I have no part to play
- not in the bigger view of things.
Dabo
Thanks repa! I needed that.
despite the lack of personal knowledge about this author, having read his writings make me love the persona behind this blog. he usually makes me smile, excited and sometimes cry in joy and sometimes with pain especially when his love for family is immortalized. he is an inspiration. his works and his commitment to take care of his mom and his love for his siblings are gems that i would boast of.
may kanya kanyang aspirations ang mga tao. maaaring sa tingin ng iba, hindi naging mabuting anak ang mga magulang mo dahil wala sila sa mga panahon na kailangan sila ng pamilya.siguro, nararamdaman lang nila na may mas nangangailangan ng tulong nila outside the family and they feel secured that the family will stand on their own.
I wish I can tell my own "leftist" story but I'd rather not.
Basta,I can only be proud of your parents and thank you for sharing, naka relate ako. :)
kung darating man ang oras ng pagdududuhan mo ang purpose mo dito sa mundo dalangin kong maalala mo ang sinabi ng mom mo. isa lang yon sa mga dahilan kung bakit naririto ka sa mundo ngayon. marami pang ibang tao na na-impluwensyahan mo sa kabutihan.
narito ang isang pagpupugay sayo, kaibigan.
masasabi ko lng - husay mo magsulat, mapa ingles o tagalog :)
Post a Comment