Monday, April 19, 2010

On Being Domesticated





Ito ang ilan sa mga grocery items na nabili ko sa Savemore Supermarket matapos gamitin ang gift voucher na nakuha ko sa aking raket:


Downy Sunrise Fresh Fabric Conditioner
Ariel Ultramatic with Downy
Joy Dishwashing Liquid
Safeguard Soap
Happee Toothpaste
Del Monte Original Ketchup
Mang Tomas All-Around Sarsa
Quaker Oats Oatmeal
Maggie 3 in 1 Magic Sarap
1 kg. Brown Sugar
1 kg. Refined Sugar
Nestle Coffeemate
Regent Pandan Cake
Irish Spring Soap
Kraft Cheezewhiz
Lily's Peanut Butter
Ovaltine


Sinadya ko na hindi bumili ng de-lata o instant noodles dahil si future brother-in-law lang naman ang umuubos tuwing umaga. Never rin kami bumibili ng junkfoods. Madali lang ito nawawala. Ang Regent Pandan Cake ay special request ni mama. Palibhasa'y laging nagugutom tuwing madaling araw, ito daw ang kanyang "midnight snack." Naparami ang kuha ko ng Quaker Oats. Nag-grocery rin kasi si Mama ngayong Abril at hindi pa nagagalaw ang ni isa sa kanyang mga stocks. Tiyak na aabutin ng kalahating taon bago kami bumili ng Oatmeal. Special request ng mga kasambahay ang Downy at Ariel, subalit dahil masyado akong nahumaling kaka-toss ng mga items sa shopping cart, napilitan akong magbawas ng detergent soap at baka mag-over ako sa budget.

Tamang tama lang pala. May isa pang gift voucher na nakatabi sa akin. Baka gamitin ko rin ito sa bahay sa halip na panggastos sa sarili.

Sa anim na bag na inuwi ko, isa lang ang para talaga sa akin - ang Irish Spring Soap. Marami pa akong toiletries na nakatabi sa akin.

Happy naman si ermats. Hindi niya kailangang mag grocery sa susunod na buwan.




21 comments:

Eternal Wanderer... said...

can you be my personal grocery shopper?

lolz

red the mod said...

I always do the groceries with my mom. If only to carry the stuff we buy. But lately, since my aunt from abroad is around, I don't even get to see my mom. Even in the two days a week I'm at home. So these days, a trip to the groceries is done by the lonesome.

Ronnie said...

Ang saya mag-grocery. Haha.

JR said...

That's really sweet to always look for your mom...naku baka madevelop na ako sa yo nyan nyahaha..masarap ka rin siguro maging asawa at ina ng mga magiging anak ko WTF nyahahaha

citybuoy said...

i always thought "refined sugar" has a funny name. parang mas smart siya than the other forms of sugar. haha

and don't get me started on cultured pearls. haha i bet they read nietzsche and proust. haha

wv: squatere (ang squatter daw ng comment ko lol)

*nataniel* said...

Gusto ko rin Irish Spring yung Green! Yun lang ata kulay nun hehe! Bait mu naman sis. Hindi uso samin Grocery, hardcore palenke lang : )Nabura lahat ng number ko sa phone ko, paki text moko owkeys salamatzz

Felipe said...

ba't hindi ko nakikita yang Irish Spring kapag pumupunta ako sa grocery? hahaha.

Nimmeru@yahoo.com said...

bigyan naman kami ng biyaya dito. hihi. sweet of you to take care of your mom.

Lily's Peanut Butter!!!! YUMMMMMMMM!

Anonymous said...

Ntawa ako sa Maggie 3 in 1 Magic Sarap. Anu po yun? haha

Anonymous said...

do you remember when you told me that one of your dreams is to go grocery shopping with your future hobby?

~Carrie~ said...

napangiti naman ako. ang maton-maton ng dating mo, yet you are domesticated. hats off to you, friend.

Eternal Wanderer... said...

John Stan: future hobby?!

galen, sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko. hobby mo nga ang mga boyz!

galing na yun kay john stan a.

WAHAHAHAHA

casado said...

sarap mo pala maging syota.. teka bat walang trojan condoms sa list?? :P

Mugen said...

Wow daming comments. Salamat ha!

Soltero:

Intaying mong magkuwento ako tungkol sa buhay pag-ibig ko a lifetime ago. Hahaha! Marami ka matutunan sakin paano maging sweet.

Condom? May style ako sa pagbili nun. Kumbaga may deterrent para hindi lumabas ang pagkamanyak.

Ternie:

Hobby ko mangolekta ng vhoys. Period. Lol.

Carrie:

Sikretong malupit ko yun! Too bad masyadong naha-highlight ang pagiging naughty ko sa mundong ginagalawan natin. Lol.

Mugen said...

John Stan:

I remember. :) In time, I will write about it.

Tian Tian:

Evolution siya ng Ajinomoto. Siguro naman alam mo na yun nu?

Nimrod:

Di ko nga alam kelan ulit ako mauulanan ng grasya eh.

Yeah, mas gusto ko yung Lily's kesa yung imported brand na pinapadala sa bahay.

Mugen said...

Phillip:

Wala daw nun kasi sa probinsya ng Ala-Bang eh. Hahaha.

Jer:

Of course, san pa ba ako magmamana kung hindi sa iyo. Sige text kita mamaya. Sana okay ka lang diyan.

Ronnie:

Haha, sinabi mo pa!

Mugen said...

Neil:

We tend to name things to improve its market value. Have you heard of the 0% fat butter? Lol.

JR:

Basta ba bigyan mo ako ng jr eh magkakasundo tayo. Yep, i love my mom. You should have seen some of my more personal entries about her.

Red:

I prefer to go solo going groceries. Kapag kasama ko kasi mom ko, hindi ko alam kung uunahin ko yung shopping cart o yung wheelchair niya. Hehe.

Ternie:

Do you want me to wear French Maid costume pa?

paci said...

uy ako rin ang dakilang tiga-grocery sa amin! yehes!!!

... said...

i love doing groceries. parang shopping lang din. very therapeutic. hehehe

Mugen said...

Mel Beckham:

Naku sweetie, sinabi mo pa.

Paci:

Next time, samahan kita mag grocery! Hahaha.

Mr. Brightside said...

doing groceries (second to doing my laundry) is therapeutic for me ^_^