…be lost and found,
and lost again,
only to arrive at that one place
where the walls are painted with silence
Lourd De Veyra,
Solo
Dumating akong hapo at gutom sa bahay. Sampung oras ba naman ang inilagi ko sa office para matapos ang ibang workload na noon pang isang linggo hinihingi sa akin. Sorry naman, mahina ang kalaban at puwersahan ang bakasyon dahil hindi allowed mag-file ng overtime sa trabaho. Wala rin kasi akong inatupag buong umaga kung hindi tumambay sa online forum at maghanap ng magiging raket pansamantala. Isama mo na rin dun ang 30 minutes na tulog at pagiging sounding board sa isang katrabaho na mas mahalaga ang papel na ginagampanan sa akin sa trabaho.
May bago nga pala akong experiment ngayon. Dapat ay hindi tataas sa P20 pesos ang gastos ko tuwing weekdays. Tamang trip lang pero sa totoo ay sinusubukan ko kung hanggang saan ang limit ng deprivation na kakayanin ng sarili ko. Paghahanda rin ito sa mga "great sacrifices" na inaasahan sa mga darating na buwan. Ang hirap, lalo na at alam mo naman na hindi ka pa gipit sa pera. Pero just in case lang, at least handa na ako. Maipagmamalaki ko na Koboy pa rin ako!
Nasend ko ang mga huling business correspondents pasado alas kuwatro ng hapon. Ibig sabihin ay uwian na. Mainit pa rin sa lansangan pero dahil ginawa ko nang cardio ang maglakad from office to the gym, (which is around 20 minutes walk away) dugyot na ako nang dumating sa gym. Naroon ang lahat ng coaches, pati na si head coach na tuwang tuwa dahil tinago ko ang kanyang identity sa isang stalker sa online forum. Badtrip nga lang at mukhang nagtitipid rin ang gym sa overhead cost nito. Kaya naman kahit jampack sa loob ay naka-off pa rin ang aircon. Buti na lang at wala yung mga Iranian doon.
Matapos ang tatlong sets ng Benchpress, isang max rep ng Box Squats at 32 reps ng Dumbell Rows gamit ang 50 lbs na dumbell ay nakumpleto ko rin ang program. Tagaktak man ang pawis at halos walang kalaman-laman ang tiyan pero hindi pa rin ako lowbat. Puwede pang sumaydlayn ng isang SEB kung kinakailangan hehe. Pero iba ang appointment ko after workout. Isang matalik na kaibigan ang gusto makipagkuwentuhan at dahil free naman ako't siya pa ang dadayo upang makipagtagpo sa akin, nag-set ako ng isang meet-up.
Ugali ko ang maglakad habang nakikipag-kuwentuhan. Asahan mo na wala akong kapaguran diyan at madalas ay mas maganda ang mga nagiging kuwentuhan namin ng kasama ko. Second favorite method ko ito ng pakikipagbalitaan dahil beer lang talaga ang nakakapagpa-open up sa akin. Maraming ang subjects na na-cover, kasama na dun ang tila malas naming buhay pag-ibig. Nalibot rin namin ang buong San Juan na tila parang nagsasagala, pero oks lang, nakapag-vent out rin ako ng mga ilang bagay na hindi ko sinasabi sa lahat.
Pasado alas siyete nang kami ay maghiwalay. Inabot kami ng halos dalawang oras sa paglalakad and it turns out na ang last stop pala namin ay SM Centerpoint. Siyangapala, failed ang experiment. Bukod kasi sa ilang sticks ng sigarilyo na aming binili ay kumain rin ako ng biskwit bago sumugod sa gym. Nagpabili rin si utol ng Chicken Burger sa KFC na mukhang kanyang kinahihiligan. Sabi niya ay babayaran niya ito pagdating ko ng bahay pero nagpasya akong ilibre na lang ang nagdadalang tao.
Naroon sa mama na nakaupo sa sofa nang ako ay tumambad sa may pintuan. Tulog daw ang aking kapatid kaya't nilapag ko na lang ang kanyang pasalubong sa isang coffee table. Habang nagpapahanda ng Sinigang na Baboy na hapunan sa aming kasambahay ay bad news kaagad ang balitang hatid ng aking nanay. Dahil tumaas ang singil ng Meralco at ang mga kapamilya ay tila walang ganang umalis ng bahay, shoot kaagad ng limang libo ang bill ngayong buwan. Pati nga ang kapitbahay na napapabalitang nakiki-tap ng kuryente sa mga bahay-bahay ay naputulan ng linya dahil sa unpaid dues nito. Hindi naman problema kung saan kukunin ang pera, subalit kung sakaling wala kaming savings, Meralco (at pati Malate, Visa at Mastercard) lang ang makikinabang sa sweldo ko. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi na naman ako makatulog ngayon.
It's already past 1 in the morning. Gising pa rin si utol at gising pa rin siguro ang mom namin. Utol is worried dahil masakit daw ang puson niya. She asked me to pray for her child. Ako naman ang guilty ngayon. I was complaining, bitterly, earlier why do she get to have more perks. I guess my mom didn't see it coming neither do I, but deep inside.
Sa mga realms at kingdoms at city states sa puso ko na hindi pa covered ng resentments sa mga nangyari,
I still care.
Siguro ay ito ang dahilan bakit never pa akong naging negastar anuman ang pinagdadaanan namin.