Tuesday, May 10, 2011

Jollieboie






To remind ourselves that some bonds stay for life.


Quote:
Endymionn wrote on 03-27-2002 10:58 PM:




Pex Is Back!


Hula ko katatapos mo lang basahin ang pm sa iyo ni Giosport at ni Greggytorned, o baka naman ito ang inuna mo.


Sana meron ka nang text kapag nabasa mo ito. Ewan ko kung nasaan ako, umaakyat kaya sa PICC, nasa bahay nakatunganga o kung nasaang lupalop naghahanap ng sarili.


Halos 2 weeks rin palang nawala ang pex... bilang ko kasi, three weeks na rin tayong magka-tropa eh.


Hah tanda ko pa noon, huling araw ng pex sabi ko babarkadahin ko si Econmajor para maging ka-tropa natin, ilang araw mula ngayon, kung nandito lang siya sa Manila makukuha ko na rin PM niya.


Wala lang, nakakamiss lang ang lahat.


Imagine kasama kita halos isang buong linggo - kuwentuhan, pinag-uusapan yung mga cb (callboys) at mga prospects (ka-trip) nila, asaran, lahat halos ng puwedeng pag-usapan nadaplisan na natin eh. hehe


Nakakamiss mag-mall na kasama ka. Tingin ko tuloy, ayaw ko munang umapak ng Meg (Megamall) tsaka Shangri-la dahil maalala lang kita. Sa tuwing maririnig ko yung Ortigas Center ikaw kaagad ang papasok sa isip ko, "Buong linggo naming inikot ni Jollieboie yun ah!"


source


Nakakapagod, magastos, at kung minsan nakakasayang oras man pero sa lahat ng lakad natin, enjoy ako na kasama ka. Tingin ko kasi ikaw lang ang makakaintindi sa akin eh - - ikaw lang ang nakakakilala kung sino talaga ako.


Sulit ring sabihin ang lahat, malaki ang tiwala ko sa iyo eh. Lagi mo sana tandaan iyon. Badtrip, wala ka nang credit, nasanay na rin ako na halos nag-te-text tayo araw araw eh. Gigising ako sa umaga, ti-tingnan ang cell, umaasa nandun yung text mo. Hay buhay nga naman.


Shensa na kung senti ako pare ... tingin ko kasi... Nasa sistema na kita eh - - Parte ka na ng buhay ko sa loob ng tatlong linggo nating pagiging magkaibigan.


Siguro sa isang banda, takot rin akong mawala ka... pero alam ko, patungo rin tayo doon. Kahit ilang beses ko man ipanalangin na sana huwag mangyari iyon.


Closeness is fleeting, distance is inevitable as they say. Sooner or later, all of this would be just in our minds. Hanging there, maybe never to happen again.


Despite all my hopes that we would be buddies for life... I guess that is impossible. Three weeks, anong panama nun sa mga nakasama mo na ng ilang buwan, lalo na ilang taon. Hindi rin naman ganun kalalim ang pinagsamahan natin. Bago pa lang naman tayo nagkakakilala eh.


Pero bihira lang makahanap ng katulad mo tol eh. Siguro nga hindi pa kita ganun kakilala kaya ganito ang tingin ko sa iyo. Pero andami mo nang hinawa sakin e.


Tama na siguro itong senting ito, nasenti ko na rin naman lahat sa iyo haha. Basta, just in case tol, just in case we woke up one day hanging out with someone else's company. Always remember this:


Nag-enjoy ako sa lahat ng gimik natin, pinangiti mo ako sa mga text na ipinadala mo...


Parekoy,






You're the first and only one, who came closest to my heart.


Ingats ka lagi, hanggang sa susunod na pagkikita.




Lumawak na naman ang mundo mo dahil sa akin.

Welcome, Parekoy.




13 comments:

zeke said...

shet. ang hot. :p

alam mo bihira lang ang mga taong makikilala mo na ganyan.

Kapitan Potpot said...

Napangiti ako ng post na ito. Ang tunay na pagkakaibigan nga naman.

9 years! Wow! Who would have thought that in an online space, mabubuo ang isang matatag na pagkakaibigan?! :)

Yuan said...

this post of yours, kuya joms, made me miss my college barkada. :(

it feels good to have a friend who we can consider as for keeps. vv. true and genuine one/s.

^^

eskay said...

I remember those days sa PEx, though wala akong nameet maliban kay giosport, I'm just a lurker na paminsan minsan nagpo post. Back then I envy you guys (Endy, Econ ...) for bneing true to yourselves, ako late bloomer hahaha!

Chip said...

Aha!! Si Jollieboie pala yun ah!! Hahaha!!

Hay... PEx...

Joms, nami-miss mo ba ang dating PEx o hindi?

red the mod said...

Genuine friendships never leave us. They merely recede into the consciousness of our now, awaiting patient and steadfast to when we bid them return. They hold on not on words or promises, nor on memories and temporal objects, but on shared beliefs, congruent and parallel to the core, going beyond the obvious and superficial, their origin cannot be defined nor predicted, but when they are, they will always be.

Spiral Prince said...

Man-candy, definitely.

Anuba, Spiral, dapat sa Twitter lang tayo makulit kasi may image tayo sa Blogger.

-Peter


Anyway, glad to know you made strong bonds with people, kuya joms, as those are definitely hard to come by, and harder to keep strong. :)

xoxo

Mugen said...

Spiral Prince:

Oy magbehave! Papa-Ninang pa naman kita sa kanya. Lol.

Kaya naniniwala ako na we don't choose our friends, they stay for reasons beyond our understanding.

RedtheMod:

Like I told you, genuine friendships drift into the cosmos and returns, like nothing has ever changed from its journey.

Chip:

Yup. Hindi na ako bumabalik sa AP ngayon. :(

Mugen said...

Jetlander:

I remember you from Alien Nation. Ikaw kasi eh, nirerecruit ka namin nun, di ka naman interesado makipagkita.

Yuan:

We only appreciate the value of old friendship when we grow old. :) Bata ka pa, marami pa ang magbabago.

Louie:

Yup. Kaya pag pinapakilala ko siya, sinasabi ko na siya ang pinakaunang PLU na nakilala ko. Lolz.

Mugen said...

Green Breaker:

Hindi naman imposible no. Marunong ka lang dapat makisama at makaalala.

Niel said...

Nasama ko na dati partner ko sa isang PEx cook out (yun nga ba tawag dun?) at dun nya na meet si Jollieboi. I remember him (my partner) sort of telling me (not directly) to stay away from him (Jollieboi) kasi baka may magselos.

Do I miss PEx? Maybe. Siguro gusto ko lang malaman how people are doing these days. Not really to talk about silly random thoughts or ask interview questions. I hope they have moved on from those little drama we figured ourselves into back then. Siguro, I just want to hear they that are doing well... na pwede din maging happy tulad natin. :) Kaya ko siguro binabasa blog mo, I want to know if your doing well.

I tried going back to AP but all I saw were these new aliases like strangers.

Spiral Prince said...

That's true, kuya Joms. There's that x-factor(for lack of a better word) that makes friends, well, friends.

At ano tong papa-ninang na 'to?! Di ko ma-gets! Ahahaha

wanderingcommuter said...

ikaw na ang THE enlightener! hahahaha!