Tuesday, September 27, 2005

While In The News

Dumating ako sa bahay matapos makitulog sa bahay ng kaibigan. Pagdating na pagdating ko, tyempo ko kaagad ang bagong yaya, nanunuod sa channel 2. Eh sa bahay, siya lang ang katangi-tanging Kapuso kaya ako naman biglang nagtaka.

Yun pala, balita sa TV na tayo daw ang title holder ng Miss International this year. Hindi ko na masyadong pinakinggan ang balita dahil mas inuna ko muna ang pag-ebak kesa makinig sa balitang magpapatumbling ng mga bading at mga beauty queen wannabee.

Pagbalik ko sa harap ng TV. Gulat ako. Hirit ba naman ni Karen Davila, meron daw gusto makibati sa bagong Miss International live sa TV. Isip ko nung una baka boyfriend o kaya number one fan lang.
Ampota, gulat ako nung narinig ko ang boses ni GMA.

Shet, anubatu! Dati rati deadma galore lang ako pag pinagbibintangan nilang may pagkashowbiz ek-ek etong ating presidente. Pero kanina talaga, tawang tawa ako kasi pati ba naman yun pinatulan. At wag ka ha, LIVE ang paggawad niya ng congratulations. Mukha atang desperate na naman sa attention itong si Ate Glo.

Lalo pa akong na-amuse ng biglang pinakita ang mukha ni GMA na nagcocongratulate straight from Malacanang. Sabi ko sa sarili ko, over na talaga ito. Habang pinagmamasdan ang kanyang ngiting poodle, sa isip isip ko, hindi kaya ito si Ate Glow na nagkukunwaring si GMA? Pinagmasdan ko ulit... ayyyy hindi nga!! Ngiti pa lang, Gloryang Glorya na!

---

Anyway, mixed reaction naman si ako. A part of me says, kaplastikan at showbiz ito. On the other hand naman, medyo heartwarming na mismong pangulo ng bansa mo, makijoin sa ka-jologan na nagaganap sa ating telebisyon - 21st century style.

I bet, sobrang touched ang ating bagong Miss International. I smell a new showbiz/advertising hotcake olredi!!!

Its fun to have an uber-media savvy leader from time to time. Wala lang.

Matapos kaya nito, ilang bading bukas ang magpapalit ng kanilang girlash name? Ilan kaya ang magsasabing ang bago nilang pangalan ay Precious Lara Quigaman at hindi Gionna Cabrera. Wala lang, minsan naiisip ko, why do many gays love to imitate females? Samantalang ang sarap naman maging bading na masculine.

Which reminds me, last Saturday nuod kami ng Masahista sa UP Film Theater. Aba, pagkatapos ng movie, dalawa kaagad sa tropa ko ang nagcla-claim na sila daw si Jacklyn Jose at bet nila ulitin ang mga lines na inispluk ng babae sa movie.

Wooops, mali ata etong attack kong to ah. I forgot, ako nga pala si Jen Marasigan. Hehehe.

---

Lastly, nagtext ang utol ko. Meron daw FEU student na nasagasaan sa kanto namin. Nagkalat daw ang utak sa kalye. Ewan ko ba, mukhang sinumpa ata yung intersection na yun ng Ramon Magsaysay. Andami dami talagang naaksidente sa lugar na yun.

Which reminds me again, 48 years ago I was crossing the same street. There was a slow moving truck in front of me. Suddenly, a speeding car had overtaken the truck. Tamang tama, nandun ako sa lane kung saan ang trajectory nung kotse. God, I was just inches away from certain death that night! I was so grateful that I reacted immediately at nakatalon ako sa bangketa within a matter or nanoseconds.

Anyway, if that happens a while ago, baka nakasalubong ko pa yung estudyanteng yun habang naglalakad ako pauwi!

Baka naman nakasakay ko pa yun sa FX minsan...

Ampota, hindi kaya kapitbahay namin yun!?!?

Creepy!

No comments: