In fairness naikot ko ata ang buong Maynila buong araw. Paano ba naman, ngayon na-ischeduleyung dalawang chorva ko from new pastures elsewhere kaya hayun, umaga pa lang, instead na nag byu-beauty sleep ako eh larga kaagad ako from my balay.
First stop Ortigas. Dun sa building kung saan nagwork ako dati as a telemarketer of substandard printer inks in the US. Jusku, pressure talaga ang work na yun mga ateng. Halos pagpawisan talaga ka ng malapot bumenta lang sa mga Kanong walang alam sabihin sayo kundi "I'm not interested" or "this is a scam, fuck off asshole!!" Alam mo na, marami kasing madaling mabola sa US of A eh.
Pagdating ko dun eh 5 minutes akong late. Pekpek sila eh! Advance ang time nila sa time ko (kahit 30 minutes advanced ang orasan ko). Nung una, gulat pa ang receptionist dahil bakit daw lumitaw ang kagandahan ko dun samantalang hindi naman ako kasama sa list.
Cherva ko, "you told me to return today to take my exam... chorva chorva." Pero hindi naman ako nagtataray. Tamang pagpapaliwanag lang.
Hayun, after 20 minutes na pag-iintay at pang-iisplukan sa mga katabi kong applicant rin tungkol sa dati kong call center na tsismax ng cutie kong officemate eh pinapatayo sila for more than 8 hours every day habang nagtatake ng live calls at ispluk naman nila eh pinagbebenta raw ng daing na bangus yung mga call center agents dun sa CC (Call Center) sa baba ng floor namin,
pinag-exam rin nila ako.
Ang exam. Abstract reasoning. Ang pootah, kauma-umaga pinag-isip kaagad ako tungkol sa anong mga shapes ang naiba. Siguro after answering for a while, nahilo na rin ako. Bet ko natalagang mag-minimi-minimi minimo para makalayas lalo na't nagets ko na meron rin silang outbound account.
Ewan ko ba, after ata nung nag-apply ako sa Convergys several months ago, parang naging allergic ako sa mga call centers.
---
Eventually, natapos rin ako ng exams pero talagang windang na akong lumabas ng Orient. Kala ko nga magfa-paint ako sa kalsada dahil parang for a moment naging blanko ang paninginko. Wala pang 30 minutes ay natagpuan ko na ang sarili ko sa Kalentong. Kelangan kong magpa-print ng bagong "R" para dun sa next company na aaplayan ko sa Makati.
Mura naman ang printing kaya keri lang. Pero jusku ang pamasahe. Dun ata naubos ang budget ko for today.
Tinanong ko yung ale kung ano ang pinakamabilis na way papuntang Makati. Chorva nya, sakay daw ako papuntang Pasig tapos bumaba ako sa Crossing. Nung pagkasabi niya nun, ay nako, nagdilim talaga ang paningin ko. Gusto ko sanang sabihing kagagaling ko lang ng ortigas tapos babalik na naman ako doon para sumakay ng bus papuntang Makati at magtiis sa traffic, no way!! Pukulin na lang kita ng takong ng sapatos ko.
Pero cool lang naman ako eh. Nakangiti pa nga akong lumabas ng cafe sabay tumawid patungong JRU at sumakay ng jeep papuntang Hulo.
From Hulo, meron doong terminal ng bangka para makatawid ka from Mandaluyong to Makati crossing Pasig River. Jusku every time na tumatawid ako dun, naalala ko yung hirit sakin ng officemate kong TS (Transexual) na nung minsang sinabay daw niya yung ex-colleague namin na entremedidang model-modelan na tsinuktsak sa office matapos tarayan si Mami Athena, sumigaw ba naman sa loob ng bangka nang "Gosh, its soooo like Bangkok!" Ang pootah, sabi ko nga dapat tinulak niya sa ilog yung babaeng yun para nalaman niya ang difference ng Bangkok sa Maynila eh.
After 30 minutes of gruelling alikabok, traffic, mabantot na katabi sa jeep at sobrang taas na pamasahe. Nakarating rin ako ng ExportBank Plaza. Unang bumulaga sakin yung cutie na receptionist na kapag nakikita ako eh madalas nakangiti saken.
Ten minutes past 11, nag-eexam na naman ulit ako. Ngayon naman, write daw ako ng PR article about this certain website in the internet. It should be 600 words and must be rephrased completely. Heto na naman, windang ever na ulit ako. Jusme, nung nasa Infinite (PR company) nga ako, happy na sila sa 1 page article na sinulat ko. Eto 600 words... over my dead body! Gusto ko nga magbackout nang biglang may bumulong sakin na.
"Galingan mo ha Rica ka dito."
Kaya ako naman eh biglang nagbanat ng braso, sabay twinkle ng mga mata at ginalingan ko ang aking ginagawang article.
Wish ko lang, maging finalist ako sa karir pageant nila.
---
Hayun lang naman ang nangyari sa araw ko. The rest of my kwento is just below... dun sa kadramahan section ko.
But before I forget, ever since nagwork ako sa aking present company ngayon, hindi matatapos ang isang araw na merong textmate na magsasabi sakin na "Do you shave your pussy?"
Tangina, kagabi burat na burat ako sa bahay... nakakita ako ng gunting at... extrang Gilette mula dun sa anik anik na binili ko sa Cherry's 2 weeks ago.
Amp, kapag next time talaga na may nagtanong sakin nang "Do you shave your pussy?"
Hihiritan ko talaga nang "wanna suck may shaved birdie?"
Ewan ko lang kung hindi agad-agad, terminated ako. Wehehehe.
No comments:
Post a Comment