Friday, January 13, 2006

Friday The Thirteenth

Sabi ni Pipay gawan ko daw siya ng entry. Pero wala naman akong maisip isulat. Siguro nasa karimlan pa rin ang aking muse kaya heto't ambon pa rin ang publish ng mga entry ko.
Labing limang araw na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin tiyak kung kailan kami swe-sweldo ng nanay ko galing sa aming negosyo. Tsk. Nauubos na ang resources ko buti na lang at may nag nagrereplenish dito galing sa aking trabaho. Tag-hirap daw kasi ang security agency eh, kaya heto kami't sumasalo sa kanilang financial shortage.
---
Lately busi-busihan ako sa paghahanap ng mai-dadate kay Pipay. Pano ba naman tong tropa kong to, masyadong mapili pagdating sa lalaki. Virgin pa kasi eh, kaya andaming arte. Sabi ko sa kanya, magpost siya ng pic niya sa G4M. Tutal, barakong barako naman siya. Di naman siya kapangitan, at kahit paano, makapangyarihan naman ang alindog niya... pero ayaw naman niya.
Aayain mo siya mag-clubbing sa BED o kaya sa Government isang weekend sasabihin niya, wala naman siyang time. Kung hindi naman oras ang nirereklamo, sinasabi niya marami daw bakla dun... Para namang siya hindi. Haha. Paano ko ba matutulungan ang isang taong masaya na sa maliit na mundong ginagalawan niya? Hindi ka naman pwede mag-set ng booking at baka laitin ang kinilala mo para sa kanya. Ang buhay nga naman.
Minsan dahil na rin sa wala akong maisip na paraan, (at paulit-ulit na pangungulit niya tuwing umaga sa YM) balak ko sanang subukan magchat sa #salsalan para ako na mismo ang magkalat ng number niya at siya na ang bahalang mamili kung sinong lalaki ang unang titikim sa kanya (o vice versa).
Pero kung titingnan mo sa isang anggulo, hindi mo rin lubus lubusang magawa kasi natatakot ka na baka mangyari sa kanya ang nangyari sayo. Naniniwala kasi ako na ang sex ay parang Pringles. Kapag nabuksan mo na, hindi mo na titigilan. Lalo pa sa katulad niya na mukhang maraming lakas na tinatago.
Siguro bilang isang kanyang kaibigan, gumagana lang ang pagiging protective ko sa kanya.
Kaya't heto back at one ulit kami. Siguro hindi pa napapanahon na siya ay magkaroon ng lalaki, anuman ang sabihin niyang ready na siya para sa ganun. Bah! Inabot rin ako ng walong buwan bago makatikim ng hotdog, at gaya niya ang hirap rin i-handle ng pressure, lalo na't marami sa nakikilala mo noon ay bihasa na pagdating sa M2M.
Mapalad lang siguro ako' t mas nauna kong nakilala ang mga taong matino ang pakikitungo sa akin. Kaya heto, karamihan sa kanila ay kasama ko pa. Sana maging successful ang paglalakad ko kay Pipay kay Panday. Sa tingin ko kasi, nagcocomplement ang interest nilang dalawa.
---
Ilang araw na lang at apat na taon na akong nabubuhay na ganito ang preference. Nagsimula akong tanggapin ang sarili ko na 'Bi' hanggang nauwi sa pagiging full pledged na bading. Malay ko bang after all those times, cool lang ako maging homosexual.
Minsan, nakakamiss pa rin kapag naaalala ko ang mga first times: Ang aking first kiss, first love sa kapwa mo "bisexual', Ang first time mong lumabas sa closet, first time mong makipag-eyeball sa kapwa mo PLU. Ang bilis talaga ng lahat. Parang kailan lang, bago sayo ang mga bagay bagay.
Ngayon, natatawa ka nalang sa mga taong na-ooverwhelmed sa kanilang bagong mundo ilang araw matapos silang mag-out.
Kaya minsan, kapag nakakaencounter ako ng mga taong nakakaranas ng mga first time, sinasabi ko na lang sa sarili ko...
Minsan nanggaling rin ako sa ganyan. Nakakalungkot lang dahil pagkatapos ng first time... pagkatapos ng kaba, ng pagiging uneasy, ng pagiging shonga at baliw dahil sa isang lalaki.
Sanay ka na sa lahat... Maangas ka na pagdating sa affairs ng mga bading.

No comments: