Galing Quiapo, naisip kong sumakay ng jeep pauwi ng bahay upang makatipid sa pamasahe. Habang namimili kung ano ang sasakayan, natanaw kitang nakaupo sa harapan, malayo ang tingin at tila nag-iisip. Ngunit sa aking pagdaan, nasira ang iyong pagmumuni, sa halip ikaw ay tumingin sa akin gaya ng pasulyap na pagtingin ko sa iyo.
Hmmm... Ano to?
Sumakay ako sa likod, sapagkat ikaw ay may katabi na. Sa kabutihang palad, bakante ang espasyo sa likod mismo ng driver. Mula sa aking vantage point, madali kitang mapapagmasdan. Sa iyong kinauupuan, madali mo rin ako maaaninag, kung iyong gugustuhin.
"Ma, bayad ho," pamasaheng abot sa akin ng isang pasahero.
Sa aking pagsulyap sa iyo, ikaw ay nakatingin sa akin. Ang iyong maliit at matalas ng mga mata'y tila may nais ipahiwatig sa akin. Kaya ako'y tumingin upang ito ay basahin. Ngunit sa halip na masagap ang iyong nais sabihin, tanging ang iyong maangas at malungkot na mukha lang ang tumatak sa aking damdamin.
Text Message: Anonymous Textmate: Kamusta ka pare?
Me: Ok lang ako tol, pauwi ng bahay galing Quiapo. Hehe. (Heto nakikipagtitigan sa pasahero. trip ata ako eh. Anong gusto mong gawin ko?)
Muli kitang sinulyapan, mukhang may ka-text ka rin yata. Hindi naman siguro ikaw ang ka-textmate ko sapagkat pauwing Valenzuela itong nasa telepono ko. Kapitbahay kaya kita? May place ka kaya? Ginagamitan mo lang kaya ako ng radar ko? Trip mo ba talaga ako?
Hindi ko sigurado. Ang alam ko, natatawa ako sa larong mata nating dalawa.
Sa pagtingin ko sa malayo upang umiwas sa iyo, naalala ko si Ducat at ang hostage taking na nagaganap sa Lawton ng mga oras na iyon. Dapat siguro ay nakiusyosyo na lang ako doon sa halip na nakikipaglandian sayo. Tumingin ako sa salamin upang pagmasdan ang aking sarili. Wow, may nagkakatrip pala sa akin. Ayus to ah.
Muli ako ay sumilip sa iyo, nandun pa rin ang iyong mga mata, pilit na hinahabol ang aking pagtingin sa iyo. Hanggang ganito na lang ba tayo? Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kung si Paleground kaya ang nasa sitwasyon ko, paano kaya siya didiskarte? Paano kung si Macoy, makikipaglaro kaya siya gaya ko? Kung si Tripper kaya? Mag-aangas angas rin kaya siya? Hihintayin ba niyang ang target ang lumapit sa halip na siya ang gumawa ng paraan upang mapalapit sa kanya?
Ang labo, hindi ko teritoryo ang larong ito. Noong huling beses na nangyari ito, hinayaan ko lang pisilin ng target ang aking tarugo. Masarap eh. Pero mas maraming aksyon sa Mint. Sorry na lang, mas marami pang mas astig sa kanya. Yun ang sabi ko noon. Iniwan ko siyang nagtataka sa Quiapo kung bakit ako pumalag sa mga plano niya.
Ngunit iba itong binata sa harap ko eh. Kung hindi ko man siya ka-edad, maaring dalawa o tatlong taon ang bata niya sa akin. Halos kasing tangkad ko rin siya at matikas ang tindig sa tantya ko. Handa ba akong sumang-ayon sa nais niya? Nakatitig pa rin siya sa akin. Siguro kailangan ko nang makipagtitigan - tingnan kung sino ang mas matatag sa amin. Umaangas na siya, palagay ko alam ko na kung ano ang gusto niya.
Sang ayon ba ako dito? Hindi, walang masabi si Darkstar para sa akin. Masyado siyang lango para makilahok sa larong ito. Hindi ka kaya effem? Baka naman effem ka at naloko lang sa pag-aangas ko. May ka-text ka pa rin ah? Fuck buddy mo kaya? Kinukwento mo kaya ako? Tinatanong mo rin kaya kung ano ang next move mo?
Text Message: XP: Alam mong maganda ka when a super hot guy who broke your heart last year in galera, asked if you can go with him this year in bora! hahaha.
Me: Yeah! yan ang tunay na byuconera moment. Hehe (Bud, may lumalandi ata sakin, anong gagawin ko dito)
Sa tinagal tagal na rin nating naglalaro sa mata. Alam ko, nagpapakiramdaman na lang tayo. Sa totoo dude, wala akong balak kumagat. Tinatamad ako't katatapos ko lang magmaryang palad kanina. Siguro pinagtritripan mo lang ako't ako naman ang siraulong kumakagat sa iyo. Bahala na. Inaantok na ako. Mag-aahit pa ako ng bigote pag uwi ko sa bahay.
"Manong para ho..."
Sa unti unting pagbagal ng jeep, patuloy pa rin ang pagtingin ko sa iyo. Kung sa simula'y ito ay pasulyap sulyap lang at nambabasa lamang, ngayon ay palaban na ito't humahamon sa iyo. Pwede ka na kung tutuusin, hindi ko lang alam kung ano ang gagawin sa oras na makipag-trip ako sayo. Hindi ko rin tiyak kung pareho ang nais natin at hindi ko rin gamay kung totoong PLU ka ba, o nagkukunwari lang (at certified parlorista sa totoong buhay) Pero di bale na. Ilang saglit lang pababa ka na. Hindi naman ako desperado eh, mas gugustuhin ko pang umuwi ng bahay kesa sumunod sa iyo.
Huling titig, pamamaalam. Ikaw ay bumaba at hindi na sumulyap muli sa akin. Samantalang ako, heto, nagtatanong pa rin kung ano kaya ang nangyari sakaling kumagat ako sa iyo. May place ka ba? inaasahan mo bang ako ang lalapit sa iyo? Tingin mo kaya sobrang trip kita para sundan kita sa ilalim ng Legarda Flyover?
Hindi pa siguro ganun kalakas. Trip trip lang kung sakaling bumaba ako't humabol sa iyo.
Ngayong nakarating na ako sa bahay, at sinusulat ang nangyari sa atin, iniisip mo pa kaya ako? Nagtataka ka kaya kung bakit hindi ako sumabit sa mga plano mo ganung alam mong palaban na rin ako? Alam mo namang binabasa kita eh. Manhid ka na siguro kung hindi mo maramdaman ang bawat scan ko sa iyong pagkatao.
Pero alam mo dude, ngayong pawala na ang bisa ng pagtitig mo. Ngayong nanonood ako ng balita't nagsisi kung bakit hindi ako nakiusyosyo sa Lawton at gumawa ng blog tungkol kay Ducat. Ngayon ko narealize ang totoo.
Parekoy, galing mong maglaro. Nahornyhan ako sa iyo.

No comments:
Post a Comment