Thursday, March 22, 2007

The Purple Conspiracy

Kaninang umaga, nagkaroon ng informal gathering (yosi break) ang mga ladlad (mga out na gay at lesbian) sa opisina. Ang topic: Kung bading ba yung bagong pasok na agent na laging nagsosolo sa pantry tuwing meal breaks.

Backgrounder: Hetong bagong pasok na operator eh ilang linggo nang itinip sa akin ng ka-trabaho kong effem. Palibhasa ito kasing si effem kasi ay may unusual gift na "makaamoy" ng mga hindi ma-detect ng radar ko. Siya rin ang nagbulong sa akin na merong kakaibang vibes si P-man bago pa siya umamin sa akin minsan isang hatinggabi. Simula noon, sa tuwing nagbibigay ng tip itong si effem na tatawagin na lang natin sa pangalang "Tigerlily," medyo inobserbahan ko ang kanyang mga readings, at ang bago nga niyang nadedetect ay itong si kapapasok na agent.

Personal Assessment: Ang faded pants na may patches, bading na bading. Ang friendster kung saan may blonde na highlights ang buhok niya, (kahit sobrang itim ng kulay ng balat niya) bading na bading lalo. Kumakanta sa choir, isang sign na naman ng kabadingan. Iba makatingin (dahil nang-aamoy ng kapwa PLU), ang basa ng mga mata, nakakabading rin. Findings: PLU, 80%. Kinonfirm ko pa ito gamit ang radar ng isang closet kong katrabaho. Pero shempre, hinayaan ko na yung mga effem ang magkalat ng balita. Tutal sila naman ang may-access sa lahat ng tsismis kaya bahala na silang magpyesta kung ano man ang bagong balita sa buong floor.

Habang pabalik sa elevator, biglang nasabi nitong si Tigerlily na, "naku bakla, (kausap yung isa pang dakilang effem sa office na kasama namin) matutuwa si Mami (Athena) nito kapag nalaman niyang may bagong kapanalig sa shift. Tingnan mo didikit na lang itong (si bagong agent) ke mami balang araw."

Effem 2: "Honga eh, bakit ba ang mga bading dumarami, hindi naman nanganganak? Lahat ata ng napapadikit kay Mami eh nagtratransform bigla. Note: Babaeng totoo si Mami Athena, may asawa at limang anak.

Tigerlily: "Kaya hindi ako nagtataka na itong si P-man eh bading rin eh, laging nakadikit kay Mami." (Me: "Nuninuninu, wala akong naririnig.")

Effem 2: "Naman!"

Tigerlily: "Diba ine-msn mo nga ako minsan bigla, sabi mo hawak mo yung noches* (etits) ni P-man, chika mo pa eh chubby." (Me: "ZOMG Am hearin chi'neez!!")

Effem 2: "Oi! Wala akong sinabi sayong ganyan ha!"

Tigerlily: "Tinawag mo pa akong sinungaling ha, bakla ka talaga!" (sabay baling kay lesbyana para gatungan ang issue.)

Sa buong pag-uusap nila habang paakyat ang elevator, nasa gilid lang ako, deadma at parang walang naririnig. Natahimik ako bigla, naalala ko kasi ang rule of secrecy na laging inaapply ng mga PLU (straight-acting) sa ganitong sitwasyon. Isa pa, medyo sensitive ang usapan kaya kunwari, wala akong pakielam.

Sa dalawampung lalaki sa office, anim ang hindi straight. Sa anim na yun, dalawa ang parlorista, dalawa ang nasa closet - at tinatago ko sa mga effem para maiwasan pagtsismisan, isa ang pinaghihinalaan (si bagong pasok na agent) at meron pang mga possibleng ma-convert, (lalo na kung pagbabatayan mo kung gaano sila ka-touchy pag nalalasing.) Siyempre, ako yung odd one out. Kasi, ako lang ang may contact sa mga effem at masculine sa opisina. Isipin mo na lang na parang nasa gitna ako, habang connected sa akin ang lahat ng hindi straight sa office, mapa- tomboy man o bading.

Balik kay P-man, siguro, dala na rin ng hiya, (dahil nga me nangyaring hindi kanais-nais noon sa aming dalawa.) na siyang nagbabalik sa mga ala-ala, biglang natameme ako sa kanilang usapan. Sa loob-loob ko. "Sana naging straight na lang si P-man, o kaya'y nag-out ng hindi kami parehong lasing. Siguro, mas effective ko siyang napapagtanggol sa mga usapan. Hindi tulad ng ganito, isang bahagi, guilty ako. Ang ikalawang bahagi naman ay nagkukunwaring parang walang nagbago sa amin.

Samantalang ang natatagong munting bahagi naman, na lagi ko pa ring dinedeny hanggang ngayon, na sa tuwing nakakaalala ay isa lang ang sinasabi:

"namimiss ko pa rin ang lahat ng matatamis na nangyari..."

---

I hear in my mind
All of these voices
I hear in my mind all of these words
I hear in my mind all of this music

And it breaks my heart

- Regina Spektor, Fidelity

No comments: