Kasasabi ko lang sa sarili ko - bago magtapos ang buwan ng Enero - na magsisimula ulit akong mag-diet para sa ikagaganda ng aking katawan. Sa dinadami-dami ng iniisip kasi ay napabayaan ko na ang aking sarili. Naroong ako ay lalamon ng pagkarami-rami sa tuwing tensyonado. Ang kalahating kanin ay nagiging dalawang tasa. Sa dalawang kain buong araw, ang hapunan, kasya sa dalawang dalaga.
Mabuti na lang at sa kabila ng pagiging busy ay hindi nawala ang work-out program sa aking schedule. Ito ang naging stress reliever ko matapos ang trabaho. Naroong nakabuhat ako ng 300lbs sa Deadlift ng tatlong reps at 140 lbs sa Benchpress ng limang reps. Nagkaroon rin ako ng crush na naging inspiration ko ng ilang buhatan. Nagkapalitan kami ng number isang hapon, nalaman kong tamad pala siya mag text back, at ang kalunos-lunos dun ay may girlfriend pala ang binata. Mabuti pa si El Tigre na pinahawak ako ng iphone, kahit paano ay nagbonding kami nang minsang magkasabay sa gym.
Going back to procrastination, hindi ko ma-gets kung bakit bumigat ang timbang ko ng ten pounds. Ang sabi ni head coach ay nag-gain daw ako ng muscles. Convincing rin naman ang kanyang paliwanag kasi tingin ko ay higit na naging firm ang chest ko. Subalit sa kabila noon ay puno pa rin ako ng pagdududa. Paano kasi ay biglang sumikip ang mga body fit shirts ko at lumitaw muli ang bilbil sa aking tiyan.
So much for an accomplishment.
Kaya ngayong buwan ng mga puso ay sisikapin kong maibalik ang dating ako. Sa halip na nagsu-sugar rush sa bisa ng Cobra Energy Drink, tsaang mainit ang magiging pampagising ko sa umaga. Muli kong ibabalik ang oatmeal sa aking diet, at dahil mahal rin naman ang asukal ngayon, bawas muna sa inuming matatamis gaya ng Nestea Iced Tea at Ovaltine.
Binalak kong simulan ang lahat ngayong araw subalit:
Umaga pa lang ay dalawang pakete na ng Cream-O Choco Sandwich ang aking naubos. Nagdala kasi ng pagkain si Mami Athena sa opisina. Ang bawat cookies ay nababalot ng makakapal na slices ng keso. Pagsapit ng hapon ay nakadalawang ham sandwich naman ako. Ang ham ay napapalamanan ng dalawang slices ng keso na siya ring inupakan ko kinaumagahan. Dumating ako sa bahay bago maghapunan. Nadatnan ko sa lamesa ang pancakes na breakfast ni utol noong umaga. Tatlo rito ang naubos ko sa loob ng sampung minuto. Hinain ang hapunan matapos ang isang oras. Nilagang baka ang luto ni yaya. Dahil paborito ko ang mais, dalawang malaking piraso ang binigay sa akin. Naroon rin ang mga patatas na paborito kong gawing mashed potato. Ang pira-pirasong cabbage ay naguumapaw sa bowl, pati na rin ang kasama nitong mainit na sabaw.
Mabuti na lang at nagwork out ako kanina.
Di bale, susubok ulit ako magdiet bukas. At kung mabigo man ay susubukan kong muli sa makalawa.
Ang mahalaga ay bago matapos ang buwan,
Malapit lapit na sa ganito ang katawan ko:
Photo borrowed without permission from the owner.
I don't know who the guy is.
But in the beginning of my workout program three years ago,
his naked image tattooed on my head served as my inspiration.
20 comments:
<*hugs*>
kaya yan
hope you will win the fight against procrastination. kailangan yan ng matinding will power =D
na-miss ko tuloy ang mais. higit 2 years na rin akong d nakakain nyan dahil sa braces :-<
I have to up the ante as well, if I have any hopes of achieving my objectives for this summer - to be able to wear a sando, comfortably. And out in public.
Good luck na lang sa atin tol.
ang hirap kasi. gusto ko rin ng ganung katawan by march =) shet maaga pa summer ko. pressure!
pero kaya natin to brotha!
Yikes! i so can relate.. i skipped gym for almost a week.. need to get back in shape!
Nagutom akong bigla. Hahaha. :D
Nakakatulong ba ang tsaa sa pagpapapayat?
nakaka pressure ba ang summer? pero sabi nila para maging ganun ang katawan mo dapat magiging parte siya ng lifestyle mo at hindi lang dahil may specific timeframe ka para ma achieve nito.
teka, panu ba mag pataba? lol
Bunwich:
Genetic kasi yun eh. Ako, konting kain ko lang, asahan mo tataba talaga ako! Hahaha. Ikaw yata kahit four times kumain eh payat parin.
Nakakainggit.
Manech:
Yun ang ayon sa balita. Pero between Cobra Energy Drink o softdrinks eh sa Green Tea na ako. :)
Dhon:
Asahan mo pare, panic mode na ako kapag nagskip ako ng ganyan katagal.
MkSurf8:
Mas maganda kaya katawan mo sa akin. Barakong barako. Hahahaha!
Kaya natin to brad!
Red:
I'm sure you will be able to achieve your goal before summer. I don't really have plans of going to the beach, but just the same, I want to feel comfortable walking naked (usually on my boxers) at home.
Lee:
Yeah, nung may braces ako, tagal ko rin hindi nakakain ng mais.
Anteros:
Thanks Erick.
aside from the feb 14 drama, eto na, summer na, kelangan ng magkaron ng beach bod, haha.
focus lang. kaya yan!
Maxxbro:
You serious about the 14th craze? Balita ko group valentines date daw sabi ni Ate Bianca
good luck J
Mister T
At goodluck rin sa iyo. Ikaw ang my definite na summer trips. :)
Me and diets don't actually get along. Haha! Pero oks lang, I'm not really figure conscious.
Hope you can overcome this procrastination. Good luck! :D
Ruby:
Eh kasi naman Miss Purple, baka antakaw takaw mo. Hahahaha! Sabay kasi ang work out saka diet dapat eh. Mawala ang isa, I think the effect wouldn't be very noticeable.
Saka wait, the last time I saw you (in one of MGG's party with Doc Mike) You are very slim ah!
Natawa ako sa reply mo haha! I eat a lot when I'm stressed. Eh lagi ako stressed so puro kain ako! Haha! :D
Dahil sinabi mo na slim ako, I like you na! Hehehe. :D
Ruby:
Of course you are Miss Purple! Looking forward to meet you personally when I get invited to one of MGG's gatherings next time.
we have so many mutual friends that I can see a meet up soon! haha!
malay mo, we'll see each other in Bed! haha! :D
Ruby:
That's very interesting Miss Purple! Sana lang pag nagkita tayo eh hindi yung nakikipag-PDA na Galen ang matyempuhan mo. Diyahe kasi. Hahaha.
Post a Comment