Tuesday, February 16, 2010

Into Nothingness





Lately tinatamad akong magsulat. Parang masyadong marami akong iniisip na wala nang oras para magnilay sa mga bagay-bagay. Marami akong ideya na gustong ibahagi. Pero kapag nagsisimula na akong mag-compose sa ingles, nauuwi sa katamaran ang aking ginagawa. Dumagdag pa sa distraction ang bagong pinagkakaabalahan ko ngayon. Gawa ng masyadong kulob na buhay ay naisipan kong mamuhay sa alternate reality.

Nag-install ako muli ng Sims 3 sa aking computer.

Sa mga hindi nakakaalam ng laro, ang Sims ay isang simulation game. Gumagawa ka ng sarili mong character at ito'y pinapagalaw mo sa isang virtual world na para bang ikaw mismo ang nabubuhay roon. May choices ka para mag-explore. Naroong magkakaroon ka ng trabaho, makakabili ng mga gamit na sa totoong buhay ay hanggang pangarap mo lang makakamit at magkakaroon ka ng pagkakataong paibigin ang iyong character sa nilalang na hindi mo matatagpuan sa labas ng computer. Gumagawa ka ng isang panibagong buhay sa Sims 3 at kadalasan, ang buhay na ito ang siyang pinapangarap mong maging iyo.

Masasabing na-hook up ako sa Sims 3 noong Sabado. Nang sumunod na araw ay nagpasya akong bumili ng expansion pack upang lalong lumawak ang karanasan ng aking character sa kanyang nagkukunwaring mundo. Kung may budget sana ay bibilhin ko ang original. Subalit dahil kailangan ang magtipid, nagtungo ako sa Quiapo upang humanap ng piniratang kopya.

Maraming hassle ang bumili ng pirated. Una ay nakaka-guilty sa mga programmers ang nakawin ang kanilang gawa. Ikalawa ay may incompatibilities ito sa operating system gaya ng Windows at pangatlo, sakaling magkaroon ng problema ang kopya, wala kang tatawagang customer service para ikaw ay matulungan. Sinimulan kong i-install ang pinirata. Simula pa lang, sinabi ng computer na incompatible daw ang Region ng Sims 3 at nung expansion pack nito. Hindi daw maaring ma-install ang expansion. Sa tulong ng Internet (at sa mga taong nakaranas ng ganitong sakit ng ulo) madali ko ring nahanapan ng solusyon ang problema.

Nang magsimula itong mag-install, isang bagong error ang nadiskubre ng computer. Kailangan daw ma-update ang base game bago gumana ang expansion. Nalaman ko na oras ang bibilangin bago makumpleto ang pag-uupdate kaya't minabuti kong ito ay ipagpaliban upang muling makabalik sa paglalaro ng Sims.

Lumipas pa ang isang araw subalit hindi ko napigilang muling subukan i-install ang expansion. Nagsimula ang pag-uupdate mataas pa ang sikat ng araw subalit magha-hatinggabi na ay hindi pa ito tapos. Ito ang badtrip sa dial-up connection. Hindi rin naman ako nabagot sapagkat nakagawa ako ng blog entry, nakatulog at nakapaglaro rin ng computer habang pinapatay ang oras.

Natapos ang updating ilang minuto bago mag ala-una. Na-install ko ang expansion pack ng walang kahirap-hirap subalit bago ito laruin, kinailangan ulit ng bagong pag-uupdate para naman sa expansion pack. Sa madaling sabi, nagamit ko ang buong araw makapag-update at install lang ng expansion ngunit sa bandang huli ay wala pa rin nangyari. Hindi pa natapos dito ang kalbaryo: Pasado alas-kwatro ng madaling araw, nakaidlip na ako kakahintay matapos ang panibagong update ngunit isang bagong problema ulit ang lumitaw. Kabi-kabilang error, paulit-ulit na pagkonsulta sa Internet. Alas nuwebe na ng umaga ngunit hindi ko pa rin napapagana ang expansion. Ayaw rin gumana ng base game hangga't hindi nakakapag-update ang aking nilalaro. Gawa ng puyat, hinagpis at kawalang-pag asa sa aking ginagawa. Dahil sa pagsuko, pagkamulat sa katotohanang andami-dami kong oras at perang sinayang,

Nagpasya akong idelete ang expansion.




5 comments:

Unknown said...

Good for you. :)

Have you tried plants vs. zombies? I don't know if you're into those types of games, but that got me hooked for quite some time. :)

engel said...

ewan ko, never talaga akong naaddict sa Sims. Meron ako nyan dati sa PS2, pero madali akong nabore.

di talaga para sakin mga god games.

bunwich said...

na-alala ko tuloy ang college days ko.. SIMS ang bunuhay sa akin sa buong "thesis days" ko...

Mugen said...

Manech:

For sure, I'd get addicted in that game. That's why I haven't played it yet. Lol.

Engel:

Maybe its not in your personality to powertrip. Haha. Have a tendency to be one. Joke!

Bunwich:

Nung college ako, Civilization naman ang bumuhay sa akin. Pero yeah, kumpleto ako ng Sims franchise. :)

domjullian said...

pinipilit ako ng mga pamangkin ko na maglaro nyan kaso sa panonood ko sa kanila, nakaka boring pala cya.