Wednesday, July 31, 2013

Hilom




Isang gabi ay tinanong ako ni Joozy kung sinusundan ko ba ang Twitter account ni ex. Ang sabi ko ay hindi. Nagtaka ang aking kaibigan, na dinaan na lang sa ngiti. Alam kong mahaba at kumplikado ang paliwanagan kaya't ang sinabi ko na lang ay "I don't want him to see me hurting." 

Hindi pa man ako natatapos magsalita ay nag flashback na ang nakaraan: Sa pagmamadaling itago ang mga bagay na nararamdaman, inalis ko ang kanyang footprints sa aking mga social media accounts. Nawala siya sa Instagram. Na-block sa Twitter. Ginawa ko rin private ang account. At ni minsan ay hindi ako nagbanggit ng pangalan sa tuwing siya ay reference sa blog. Bilang simbolo na naroon pa rin ang pinagsamahan, tanging ang ugnayan lang namin sa Facebook ang aking itinira. 

You may think it was an immature strategy. A bitter one for others who accept endings smoothly. But it was my means of coping. Masakit kung sa masakit ang nangyari. Maraming katanungan ang hanggang sa ngayon ay hindi pa nasasagot. Ang mga bagay na ito ay hindi na niya kailangan malaman pa.

But there is a thing called moving on, and snail-paced as it maybe, may mga bagay na natatanggap at pinagbubuksan ng pinto muli. He was taken out of the blocked list on Twitter before last year ended. Naging public muli ang microblog ko. At sa aming muling pag-uusap. kahit awkward man ito; kasama doon ang pagbabahagi ng means of expression na siya rin naman ang unang nag-introduce sa akin.

Kagaya ng Instagram.

Looking back, I cannot remember having said something to put him in a bad light or discredit his character. There were truths to be told, yes, but history - from my perspective - has always been kind to him. Minsan nga, naiisip ko na he was far better than the last one. Yung limang taong relasyon na hanggang ngayon ay tinuturing ko pa rin na gamitan. 

If there is one thing I can only admit now - all this time that I claimed having no contact with the ex - ang totoo, hindi man kami nagfo-follow ng Twitter accounts ng bawat isa, but I used to check the tags that included him. Everyday. At gaya noong kami pa, I knew more things than what common friends would tell, or me bothering to share. Information gatekeeper lang. And I guess the reason this disclosure now happens - kasama na ang kapansin-pansing pagdalang ng pagtingin sa mga tags na kabilang ang kanyang pangalan ay dahil siguro. 

Marahil.

Hindi na masakit ang nakaraan.



"Alam mo okay siya." Sabi ni Joozy habang naglalakad kami patungo sa pad ni Garppp. Si Jake na kasama namin ay nakikinig sa tabi.

"Marami kaming similarities."

"Aba siyempre, galing kayo sa parehong school. Pareho pa kayong logical mag-isip." Inayos ko ang pagsakbit ng back pack sa likuran ko habang patuloy na naglalakad. Ang regalong papasko ng lalaking aming tinutukoy.

"I should know."

"Ex ko yun."


3 comments:

Kane said...

Hay ... dumaan na pala ang panahon. Bigla kong naalala ang mga kwento mo; nung bago pa lang, yung mga issues mo dati (aaaaaaaaaaaaaaaaaayyy)

Haha. Hay naku, nagulat ako. Hindi ko napansin. O kay bilis.

So paano, mukhang handa ka na. Next?

K

Mac Callister said...

Ang ganda ng pagkakalahad. Ang positive. I love it.

Mukhang ok ka na nga. Next guy plssssss. Charot. Haha

the geek said...

nung naghiwalay din kami ng ex ko, i unfollowed him din sa twitter. napansin ko kasi na matindi talaga ang pagbabago ng lalaking minsan ko nang minahal. :)

ang paghilom daw ay hindi pare-pareho. :)