noun \ˈär-kə-ˌtekt\ a person who designs buildings and advises in their construction.
Wansapanataym, ang tawag nila sa akin ay Pulis aka. Sergeant-at-Arms. Ako daw kasi ang unang sumisita kapag sa inuman ay lantaran na ang landian. Sa mahabang panahon ay naging wholesome ang tagayan. Naiwasan ang kariran kahit house party ang ganap. Maliban sa ilang insidente na hindi na naulit muli, tingin ko naman ay nagampanan ko ang trabaho ng kaunti lamang ang pagkakamali.
May mga tumiwalag subalit yun ang kanilang pinili.
Taon ang lumipas. Nadagdagan ang mga ka-table. Nawala ang distinction na Encanto, at sa halip, lahat ay welcome to join the inuman. Hindi nagtagal ay may mga nagkagustuhan; may mga nagdala ng ka-date, at may mga naganap na after-party "events" na ako mismo ay piping saksi. Tinamad na akong mag-pulis simula noon sapagkat lahat naman ay naghahanap ng kabiyak. Nagbago ang dynamics ng grupo at pati ako ay kailangang makibagay.
Now shows the Architect. Trabaho daw niya mag-inspect kung malalim ang pundasyon ng mga relasyong mabubuo. Kung match ba ang dalawang nag-iibigan at kung ang prospects ba ng samahan ay pangmatagalan. While the role is largely ceremonial (kasi naman, nagkagustuhan na bago ko pa malaman), naroon ang mga background checks at pagkukumpuni ng mga rough patches sakaling may humingi man ng aking serbisyo. Madalas man sablay pero ang leg work at counselling ay hawak ko pa rin. Sino ang makakalimot sa isang intimate na inuman, na habang bumabayo ang hangin sa labas ay pilit ko pinaglalapit ang mga pusong nanlalamig na.
Ang mga eksena ay mostly behind the scenes. Sa Viber ang sumbungan, lalo pa't hindi nagkaroon ng epekto ang match-making. Required ang face to face contact paminsan-minsan, lalo na kapag may liham na kailangan ipaabot (kagaya sa kaso ni "EJ Falcon" at "Rocco Nacino") o kaya naman mahalaga ang direct intervention lalo na kapag pusong sawi ang kailangan pakalmahin.
There are risks to such venture. Hindi gaya sa pagpupulis na pagkatapos ng inuman ay tapos na. Naroon ang pagdudahan na may kinikilingan. Awayin dahil may pinapaboran. Pati minsan ang Architect ay napapalapit ng husto sa kanyang kliente dahil ang binitawan ng isa ay siya palang kursonada niya. It is all about learning the ropes, ang sabi nga at habang tumatagal; habang dumarami ang mga napapalagay ang loob dahil sa may kapiling na itong iba, I think the Architect is as effective as he could be.
There is no such thing as a harmonious group. Ang mga couples, minsan nagkakatampuhan or worse, nagbre-break. Ang mga nima-match-make, madalas wala palang real-life chemistry. But if there is such a role as needed in keeping the status quo; o kaya naman ay ma-control ang turn over ng mga taong darating at mawawala sa linggo-linggong tagayan, andun ang Architect to see to it na ang lahat ay nagsasaya.
Sapagkat ang mga hamon sa pagkakaibigan ay nasa tabi-tabi lamang.
2 comments:
An insightful, pragmatic professor once told me that architects are natural arbitrators, in that they must continually balance the dynamic between client and contractor, builder and homeowner, and most importantly, vision and reality.
*applause*
Post a Comment