As expected, bagsak na naman ang byuti ko sa balay. Pang third week ko na ito mamoosh. Ewan ko ba kung bakit everytime na lang tinatamad akong rumampa sa labas. Wala rin naman akong kasama. Tuloy, kaharap ko na naman ang PC at TV ko ngayong gabi. Mamaya, magsi-Sims2 na naman ako o kaya bubuksan ang TV at ilalagay sa Jack TV.
Paano ba naman, Friday na Friday walang tigil pa rin ang ulan. Sabayan mo pa ito ng isang obvious na obvious at malawakang paghahanda ng sangkabadingan sa Black Party bukas at ang outcome… walang nag-aaya gumimik ngayong Biyernes ng gabi.
Sa totoo lang, super imbyerna ang ganitong mga moments kaya! Dalawang araw na nga lang ang day-off ko, ang hirap pang sumayd-line ng rampa pag gabi. Kasi ba naman, ang sisterette ko palaging umeextra sa samahan niyang Komunista. Tuloy, naiiwan sa akin ang role ng pagiging “obedient/loving” daughter sa aking mudarakis every time na may lakad siya sa mga araw ng wala akong pasok.
Sa totoo lang, super imbyerna ang ganitong mga moments kaya! Dalawang araw na nga lang ang day-off ko, ang hirap pang sumayd-line ng rampa pag gabi. Kasi ba naman, ang sisterette ko palaging umeextra sa samahan niyang Komunista. Tuloy, naiiwan sa akin ang role ng pagiging “obedient/loving” daughter sa aking mudarakis every time na may lakad siya sa mga araw ng wala akong pasok.
Kadarating nga lang namin galing sa isa sa kanyang mga lakad eh. As usual, nagrereklamo na naman dahil daw masyado akong apurado. Dalhin ba naman ako sa department store at magwindow shopping ng ilang oras, ewan ko lang kung sinong hindi lalaki ang matuturat sa ginagawa namin.
Kasi naman mamoosh noh, kahit na ilang beses kong isalaksak sa isip ko na ako'y isang magandang bading, lahat pa rin ng habits ko barakong barako pa ren. Kahit nga pilantik ng kamay hindi ko pa magawa eh, yun pa kayang mag-enjoy sa pagshoshopping?
Ewan ko ba bakit sa pamilya namin baliktad ang roles naming magkapatid:
+ Sabi nila, walang nakakatalo sa pagiging malinis at orderly ko sa kwarto to the point na lumilitaw na ang aking Obsessive Compulsive Personality Disorder. Samantalang siya naman eh sabog sabog ang mga gamit, ang mga damit at mga tuwalyang ginamit sa araw araw niyang paliligo. Kung hindi sa mga dolls at stuff toys niyang nakasambulat rin sa kama niya, ilang beses nang napagkamalang kwarto ng lalaki ang kwarto niya.
+ Sa bahay rin namin, siya lang ang katangi-tanging nakakalakad sa loob ng bahay na naka-bra at naka panty lang lalo na kung tinatamad mag-suot ng T-shirt. Ilang beses na akong nagreklamo ng Harrassment tungkol dito pero dedma lang sila. Palibhasa kasi ako lang ang lalaki (note: gerl) sa bahay kaya niya nagagawa yun. Buti na lang, lagi nang tumatambay sa bahay yung half-brother ko kaya napipilitan na rin magbehave ang kapatid ko sa labas ng master's bedroom.
+ Lastly, siya lang ang binigyan ng right mag-yosi, makipag-rally sa daan all the time, magpaka-vain tuwing nasa bahay at nasa harap ng salamin, at magkaroon ng malaking budget pagdating sa pagpapaganda at pag-aalaga ng katawan. Ako wala lahat nun! Trabaho ko ang maglagay ng maglagay ng sweldo sa bangko at siyang gamitin para sa mga ka-chorvahan niya.
No wonder ako ang mukhang aktibista sa aming dalawa… kahit na deep deep down in my heart, dugong elitista ako.
--
Anyways, nag text na naman sa akin si Roy ngayong gabi. Dapat sana mag-iinuman kami para makapag-bonding at mag-update sa buhay-buhay ng bawat isa.
Noong isang Biyernes, ganun rin dapat ang balak namin. Kaso ang bading, nakipag eyeball sa ka-chat niya. Bandang hatinggabi nagtext sa akin ang bakla at pinagyayabang kung gaano ka-notable (no-ta-able) at ka-barako yung lalaking bumayo sa kanya.
Tanda ko nga, sinabi pa niya na dapat daw threesome yun.
So ako naman, ingget to death ulit. Ewan ko ba kung sadyang malakas lang ang charisma niya o magaling talaga siyang mag-PR. Pero sa tuwing nagkwekwento siya ng kanyang mga adventures linggo linggo, hindi ko maiwasan maalala ang sarili kong mga chorva noon.
Minsan nga, sinasabihan ko nang wag magtuloy ng kwento niya kasi masyado akong affected. Lalo na kapag naiimagine ko yung mga ginawa nila base sa kwento niya sa akin (graphic kami magkwentuhan sa mga ganitong bagay). Buti na lang talaga at housewife mode ako ngayon pagdating sa aking buddy at mababa ang self esteem ko, kung hindi baka nagkaroon ulit ako ng isang episode ng mga "misadventures" gaya noong nangyari several months ago.
Anyway about his text. Spluk niya sakin meron daw siyang binayarang masahista para bigyan siya ng service. Sabi niya, doon daw sa bahay nung masahista ang venue ng masahe. In the end, nakajackpot na siya ng sawa, nakalibre pa siya ng masahe.
Ganun kagaling ang parekoy ko! Kung hindi ko lang matagal nang kakilala yung mokong na yun, iisipin ko lang na stir ang mga kwento niya eh. Pero hindi kasi eh, malakas rin talaga ang appeal niya kaya ganung panalong panalo siya pagdating sa mga ganung bagay...
Na kahit na noong panahong single at bente uno pa ako, hindi ko ata matatapatan ang kanyang galing pagdating sa pagdagit ng booking
Wah talaga akong ma-say mamoo.
--
O sha, hanggang dito na lang ako. Salamat sa pagpayag mong sayo ako mag-vent out at kahit paano nawala ang pressure sa katawan ko.
Pasensya na kung talagang nawawala na ako sa sirkulasyon ngayon. Ganun talaga ang mga homeboy eh. Di bale, baka bukas maka-rebound ako sa Black Party. Yun nga lang, behaved rin ako kasi kaya lang naman ako pwersadong magpakita dun eh dahil si Phanks ang nag-aaya sa akin.
Siya nga pala, may friend ako, si XP na tinatawag ang sarili niyang si Gionna Cabrera ngayon, kwento niya bumagsak ng 40 lbs ang kanyang bigat. Dati rati, mas mabigat pa sa akin yun eh, ewan ko ba kung paano niya ginawang pabagsakin ang weight niya in just 4 months. Wala pang gym yun ha.
Siguro, dapat magawa ko rin yun by next year. Tinamad na rin akong mag-gym after being faithful in one month. Tuloy, nagback-fire sa akin ang mga achievements ko. Di bale, hindi naman ganun ka-urgent na mag-trim down ako ulit eh.
Saka na, kapag iniwan ako sa ere ng taong mahal ko.
Baka ikwento ko na lang sayo kung ano ang nangyari sa Black Party ha. Alam mo naman, big-time event yun sa maraming mga juding. Baka rin pala hindi ako makapag-report sa office sa linggo at sa bahay ulit magtrabaho.
Sabi ko nga sayo, kasama ko buong gabi ang aking pangga...
No comments:
Post a Comment