Friday, February 24, 2006

Let's Do The Revolution

I knew this would come. My sources had already warned me over and over again that this has already been planned. In fact, they almost forced me into gunpoint not to go out tonight because of the dangers posed by the emerging changes that would come from the celebration of People Power I. For them, this is their moment.
For me, its just a waste of time booting out someone they cannot boot in the first place.
The takeover would happen very soon. Some says it would be very bloody, while some hoped that they can kick the bitch out peacefully. It was already in the drawing board from the very start. A lot of people have been involved with this effort already.
The question now is would they succeed, or would they fail again like they always did whenever they organize this so-called revolution.
---
" Umalis na si Gloria" sabi ng aking nanay nang bumisita ako sa kwarto niya ng bagong gising. "Haaa?" dali dali akong nagbukas ng TV nang makita ko si Ted Failon na nagbabalita sa channel 2.
Nung una, akala ko totoo ang balita. Kala ko nga ay napatalsik nila si GMA. Ngunit nung ako ay mahimasmasan na, napaisip ako... bakit ganun kabilis? Hinostage kaya siya ng mga rebelde? Inassasinate kaya siya?
Tanda ko pa anim na taon ang nakakaraan, nasa Edsa ako upang magpatalsik ng dating pangulo. Noong mga panahong yun, uso pa ang takas takas at hindi alam ng nanay ko kung saang lupalop ako nag suot.
Kapag iniisip ko iyon ngayon, parang natatawa na lang ako at nanghihinayang. Bakit ba sumali ako sa ganun... wala namang nangyari, bulok pa rin ang sistema.
Sa ngayon, iniisip ko na lang kung ano ba ang impact nito sa ating ekonomya. Puta, ilang investors na naman ang aatras dahil sa kalokohang ito? Magkano kaya ang ibabagsak ng piso laban sa dolyar? Ilan na namang mga tao, manggagagawa, negosyante ang naabala dahil sa mga katarantaduhang ito?
Ilang pamilya na naman ang masisira dahil sa mga kaputahang ito?
Dominante sa puso ang paniniwalang kahit gaano pa sinusuka si Gloria, ayaw ko siyang mawala sa pwesto. Masyadong malaki ang risk kapag nawala siya. Ang power vaccuum na iiwan niya ay sobrang laki, baka mauwi pa sa civil war ang mga pangyayaring ito kapag hindi nagkasundo ang mga organizers ng pag-aaklas.
Isa pa, nakakasawa na rin. Sa mga panahong ito, mas gugustuhin ko pa ang maghanap-buhay kesa makisali sa mga ganitong demonstrasyon.
Mas gugustuhin ko pa mag-gym ngayon kesa ipaglaban ang aking kalayaan (except na lang siguro kung makakatanggal ng taba ang pagtabo palayo sa mga pulis) - na sa totoo naman ay natatamasa ko pa.
At kailan ba nila matututunan na wag silang magplaplanong magpatalsik ng lider ng Biyernes sapagkat pagdating ng sabado, tatamarin na naman mag-rally ang mga tao.
---
Gaya nga ng sabi ng maraming tao sa text ayon kay Korina Sanchez, "what's the fucking fuss about all these things?
Wait...
GMA DECLARES A STATE OF EMERGENCY
Hulihan na itu!!
-tobecontinued-

No comments: