[chatter1] luking for frends here or mit ups yung may place along makti tgig pasay. ages 18 to 26 only. no chubs and effms pls. 21 m makti moreno top. got a ride here.
[chatter2]n1 frm erod,kamuning,morato or un malapit n may place? s*ck my c*ck! mack me w/ ur pic tas trade ko sakin..ave looking top guy here..will drive goin 2 ur place after..tnx
[chatter3]<--- 20 m sta.mesa/bbalic hir........ hanap ng frinds and trips......
[chatter4]<-- 20 m mla 5'9 ½ med built 148 lbs. 19-24 years old DISCREET SINGLE guy around? Mack me up now walang magawa eh…5'8 up no CHUBS or FMs pls ung COOL, to be with lng… or for a possible FONE CHAT later…
* cute_hunk has joined #salsalan
---
Sa muling pagkakataon, napilitan akong bumalik sa chatroom para hanapin ang aking sarili. Matapos ang ilang buwang pagtitimpi at pagkokontrol, hindi rin nakayanan ng aking disiplina ang balikan ang tahanang simula pa noon ay kinagisnan ko na.
Totoo ngang no man is an island.
Pero minsan, nakakalungkot isipin na kahit na anong klaseng reach out ang gawin mo sa ibang tao, alam mong lahat sila ay may vested interest sa pakikipag-usap sayo. Ang karamihan ay naghahanap ng sex, o kaya SOP (na mandatory ay may picture ka kung hindi, dedma ang ganda mo), samantalang may isa o dalawa na naghahanap ng matinong kausap (na halos hindi mo na mapansin sa sobrang dami ng sex ad na nakikita mo sa main room na tinatambayan mo).
Gusto ko sanang lumipat ng channel. Pero sa mundong ginagalawan ko, imposible atang merong lugar na puro usap lang ang ginagawa ng mga tao. Masyado kasing liberated ang mga katulad ko. Kapag sanay ka na sa kalakaran at paglalaro, andali mo ng hanapin sa tao ang gusto mo.
Pero ganun man ang sitwasyon, madalas ang hinahanap ko pa rin ay yung mga taong nakikipagusap lang at may binabahaging kwento. Minsan sa sobrang hirap nilang hanapin, kapag may nakatagpo ka, hindi ka nagdadalawang isip ipamigay kahit ang g4m profile mo.
---
[me] ako tol naghahanap ng kausap
[him]san channel ka galing?
[me]#s
[me]dami mo naman channel
[him]naghahanap talga me ng kausap eh
[me]bakit naman
[him]asl mo
---
Ngayong gabi, nakatagpo ako ng isang "straight" na lalaki na naghahanap ng kausap sa IRC. Ang kwento niya, limang taon na siyang may gf. Sa tinagal tagal nilang magkasama, tatlong beses na naging on and off ang kanilang relasyon. Ngunit, sa kabila noon, pinili pa rin nilang maging sila sa huli.
Minsan sa buhay nilang magkarelasyon, nagkaroon ng matinding pagsubok na hindi nakaya ng babae. Inamin ng lalaking kausap ko na may mga panahon na completely ignored at taken for granted niya ang kanyang gf. Sa frustration ng babae, napilitan niyang ibaling at hanapin sa iba ang atensyon na gusto niyang ibuhos sa kausap ko. Ang resulta nito ay ang pagsuko ng virginity ng babae sa ibang lalaki.. Ang lalaki naman na kausap ko, sa sobrang shock at pagiging upset sa nangyari ay hirap pa rin maka-recover sa nangyari.
Sa kwento ng lalaki, parang nakarelate ako sa issue ng babae. Sa tinatagal tagal ko na sa relasyon ko, maraming beses rin ako nakaramdam ng frustration at pagod sa mga nangyayari sa aming dalawa ng buddy ko. Bandang huli, ito ring mga pagkukulang na ito ang naging mitsa para...
Itaguyod ko ang sarili kong buhay hiwalay sa kanya.
Pero anuman ang mangyari. Kahit man nagkaroon ako ng buhay na nakatago sa kanya. Alam ko pa naman kung nasaan ang puso ko. Gaya nga sa tanong ng kausap ko na kung katangahan ba ang tanggapin muli ang kanyang gf, sabi ko sa kanya. Ang magmahal ay isang malaking katangahan. Hindi magiging buo ang pag-ibig mo sa isang tao, kung hindi ka handang magpaka-tanga sa kanya...
Anyway, napunta pa kung saan saan ang kwentuhan namin. Ngunit dahil sa naging assumption ko na sa kanya ay straight... kahit man nakita ko siyang nag-add sa #s, umikot ang usapan namin tungkol sa kanyang mga nararamdaman sa kanyang gf, hanggang sa mga kantang pinakikinggan niya.
---
[me] matanong ko lang
[him] ano un?
[me] suggest ka ng kanta na pwede ko
madownload
[him] fave ko knta ngaun blue sky
[him] anung tema ba
[me] kahit ano
[me] hehe
[me] para pag pinatugtog ko
[me] maalala ko na may kausap akong straight na binigyan ko ng advice
[me] maaring indi na tayo magkita muli eh
---
Nakakalungkot isipin na ang bawat magagandang unang pagtatagpo ay maaring iyon din ang kanyang katapusan. Sa kaso namin, gaano man naging seryoso at personal ang aming pag-sesentihan, alam kong doon din ang hangganan noon. Kumbaga, isang oras lang talaga ang moment namin sa mundong ito... hindi pa kami nagkita ng personal.
Minsan tuloy, hindi ko alam kung maganda ba talaga ang naidudulot ng teknolohiya. Totoo ngang napaglapit nito ang taong malalayo sa isa't isa. Ngunit ito rin ang naging dahilan kung bakit naging instant ang lahat para sa taong magkakausap - gaano man ito katino at seryoso.
Wala pang isang oras, natapos rin ang aming chat. Na download ko ang kantang sinuggest niya, at nakapagusap pa kami ng kaunti tungkol sa kanyang buhay. Nakuha ko rin ang Friendster niya. Ngunit, gaano man kalapit ang naabot ko maging mas makatotohanan lang ang aming pagkatao, alam kong iyon na ang huli sa aming dalawa.
Bukas makalawa, maaring maging kasal na sila ng gf niya. Maari rin namang maging susi ang aming pakikipagusap para tuluyan siyang magbago at maging kagaya ko. Pero anuman ang mangyari, masaya ako at kahit paano, naging kasilbi - silbi ang pagtambay ko sa chatroom ngayong gabi.
At dahil dito, tingin ko kuntento na ako sa aking mga naranasan at nakita sa buong araw matapos ilagay muli ang chat program sa computer ko. Tingin ko, masyado pa akong tao at hindi pa talaga napapanahon sa akin ang bumalik sa mundo ng IRC.
Matapos kong mawalay na nakaalis na pala ang kausap ko sa isang private window, bumalik akong muli sa main channel upang pagmasdan ang mga nagaganap sa room. Gaya ng dati, wala pa rin pinagbago ang lahat. Nandun pa rin ang walang katapusang sex ads na minsan sa aking buhay ay pinanggalingan ng steady supply ng hook ups ko. Sa huling pagkakataon, babasahin kong mga handles ng mga tao bago isara ang program at iuninstall ito pansamantala.
Next time na lang, sabi ko sa aking sarili.
Masyado palang malungkot maglalagi sa lugar na yun.
No comments:
Post a Comment