Tuesday, August 1, 2006

Contingent (Last Part)

i should go out with my brodders more often. probably soon. the new prospect for our new abode features a relatively large living room for a gathering of 3-6 persons. it won’t be like the self-destruction nights in Paragon Plaza, however, it would still be great to accept visitors again

- dodong

--

Nate, ok na rin kahit na nag-amoy kusina tayo sa foodcourt ng megamall. Sana next time sa iba naman -- sa foodcourt ng isetann, Bibiklat branch. Para talagang to the lowest level ito! wahahahaha. Wagi ang mga tilian sa sinehan, ang FX moment at siyempre ang VIP party sa elbow room. fernez, daming food na parang christamas party. kulang na lang exchange gifts at pagkanta ng "if we hold on together" a la dinky soliman. di ba denise?

- paul aka stolich

---

Pumarada ang FX sa tapat mismo ng Dencio's Metrowalk. Hindi pa nakakahinto ang sasakyan ay may nagprotesta na sa mga pasahero, kasi raw sobrang dyaheng makita kami paisa-isang bumababa at nagtatatakbo pa sa ulan. Magtataka rin ang makakakita kung paano nagkasya ang labing-apat na lalaki sa pang-sampuang byahe. Tuloy, para walang makapansin, biglaang nagbabaan ang lahat pagkahintong-pagkahinto ng sinasakyan namin.

Habang nagpapatila ng ulan at iniintay ang pagdating ni Arrjae at Papu, nabanggit samin ng buddy ni Marvin na may utang daw kaming bente pesos sa asawa niya. Kaya pala ok lang sa mamang driver kahit na inoverload namin ang sasakyan niya dahil tiba-tiba rin naman siya sa aming lahat.

Dahil matagal tagal rin kaming nag-intay ng masasakyan sa Megamall, unang ginawa ng mga tao ay pumasok sa loob ng bar para hanapin ang CR. Sa haba ng pila sa nag-iisa nilang banyo, ang iba sa amin ay nagtiis na lang ng pag-ihi sa pamamagitan ng pakikitsismis sa mga natira sa labas. Nagkataon naman na puputok na ang pantog ko kaya kahit mahaba ang pila, nakijoin na rin ako sa mga nag-iintay.

Ilang tao na ang naglabas-masok sa banyo at sa wakas isang lalaki na lang ay makakapasok na ako. Matapos pa ang ilang minuto, pumasok na rin ang lalaking nasa unahan ko. Ngunit, sa hindi ko malamang dahilan, binuksan niya muli ang pinto para tawagin ako at sumabay sa kanya. Unang akala ko, dalawa ang urinal sa loob, kaya ok na rin sa akin. Laking gulat ko na lang nang makita kong ang toilet na iihian ko ay nakatapat sa isang wall mirror. Kapag nagkataon, anuman ang gawin kong pagkukubli sa aking putotoy ay masisilipan niya ako, sakaling tumalikod siya at humarap din sa salamin.

Sa mga oras na yun, gusto ko na sanang magback-out, kaso dyahe rin naman sa kanya. Tutal, pareho naman kaming lalaki at ari ko lang namang tulog ang makikita niya sa akin kaya umihi na rin ako... Hindi ko nga lang alam kung sa aking pagtungo ay siya naman ang nakatingin sa akin.

Pagkalabas ng cr, una kong hinanap si Roy para ikwento ang nangyari. Nagkataon na si XP ata ang una kong nakasalubong kaya sa kanya ko ibinahagi ang aking karanasan. Matapos pa ang ilang sandali, lumabas na rin ang lalaki para hanapin ang kanyang kasamang babae. Sa aking tantya, ang tangkad niya ay 5'6, moreno na chubby at may brown highlights ang buhok.
Kung papakinggan ko lang ang aking malisyosong pag-iisip, sasabog ang aking radar sa mga oras na iyon.

---

Ang tradisyong inuman sa Odders ay nagsimula pa noong unang panahon - noong kami'y anim pa lang sa grupo. Madalas, bestfriend naming lahat si Macho Mug - Mula Eastwood hanggang Timog; Sa Paragon Plaza hanggang sa Makati dala namin ang beer. Kung ang iba sa amin ay ang alam lang ang bumirit sa videoke, at ang iba naman ang alam lang ay mag-ledge dancing sa club, pagdating sa inuman ng beer, nagkakasundo ang lahat.

Kumbaga, isa ito sa common ground ng barkada.

Ilang minuto pa ang nakaraan at dumating na rin sa wakas si Papu at si Arrjae. Para silang magkuya na nanggaling sa loob ng taxi. Kapansin pansin rin ang pagkakaroon ng chest ni Paps mula noong huli namin siyang makita.

Matapos ang panandaliang group hug, bumalik kami sa aming mga kinatatayuan para patuloy na mag-intay sa magtatayuan mula sa dining table doon sa smoking area.

Puno na ang Dencio's ng kami'y makarating doon. Ang ibang bars naman ay last order na kaya medyo alanganin ang aming sitwasyon. Patuloy kaming naghanap ng matatambayang bar. Ang lahat ay puno na. Isa sa mga nasa harap na sinusundan ko ay nag-suggest na mag Elbow Room na lang daw kami, Sumang-ayon naman kaagad si Papu kaya kahit malayo pa ang aming lalakarin pabalik, masigasig ang aming mga binti makarating lang sa recieving area ng bar na yun.

Pagdating sa pintuan, sinabihan kami ng bouncer na may private party daw na nagaganap sa loob. Mga tiga-Beda daw at may live band pa. Hirit naman ng nasa likod ko, ayus daw yun para may mga junjun kaming makita.

Kung papalarin pa, pwede kaming magdala sa VIP para naman may complimentary boytoy pa kami.

---

Para makapasok sa loob ng Elbow Room, mga VIP rooms na lang ang available nila. Ang isang VIP room ay nagkakahalaga ng 6 K kapag inupahan. Sobrang way beyond yun para sa budget namin nung gabing yun. Pero, alang-alang sa samahan, keri pa rin. Bahala na kung paano babayaran. Sa laki ng purchasing power namin, ilan sa kanila ang willing maglabas ng mas malaki kesa sa karamihan.

Nang binuksan na ang mga ilaw, ang dalawang TV na may videoke... at nang nagsimula na magbilyar ang mga iba sa amin, biglang bumalik ang ala-ala ng Christmas Party. Ito kasi ang isa sa mga tradisyong tumatak na sa aming lahat.

At gaya ng nasulat ko sa blog ko noong isang taon. Ang Christmas Party ang magpapa-alala kung gaano naging matagumpay ang samahan ng Odders.

Ilang saglit pa, dumating na ang pulutan - ang hipon, pusit, chicken teryaki at pati na rin ang balde-baldeng beer na kinalat na sa buong kwarto. Habang nagkakantahan sina Arrjae, Roy at Dennis... at naguupdate ng mga buhay buhay si XP, Jio at si Paul; Habang nakaupo sa isang tabi at nagpapahinga ang mga buddy ni Goonie, Marvin at Nate. At habang si Nate at Papu ay nagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa kanilang work out, ang mga simpleng eksensang ganito na kapag pagmamasdan mo sa malayo ay parang portrait ng isang pamilyang magbago man ang panahon, ang tradisyon nito ang siyang magbubuklod-buklod sa kanilang lahat, saan man sila patungo.

Sabi nga ni XP noong magkatabi kami sa upuan, "I like this sort of group were having now." Yes bud, it feels so home.

Matapos uminom ng pitong boteng San Mig Light, at makipag sayaw sa mga kabataan sa labas habang nagkakantahan ang mga kagandahan sa loob ng VIP room, nagpaalam na rin ako pag 2:30. Sumusuray man palabas ng bar, solb na solb ako. Ramdam ko kasi kung gaano ako naging at home muli sa mga taong, kinalakihan ko na.

---

Naging matagumpay ang Contingent noong Sabado. Gaya ng pangako ko kay Nathan noong huli kaming nag-usap sa text, suportado ko ang lahat na tatawaging lakad ng ang Odders. Hihigitin ko pa ang mahihigit ko, bumangka lang ang bilang ng tao. Napag-usapan rin na ang mga susunod na lakad ay gagawin ng Sabado para ma-accomodate pa ang iba. Dahil dito, matapos ko man ang semester ko sa Oktubre, sisiguraduhin ko na ang bagong day off ko sa trabaho ay tatama na ng linggo.

Kung tama ang aking assumption, ito rin ang magiging opening salvo ng mga Contingent namin hanggang December. Kumbaga, dahil matagumpay ang start-up, ang build up nito ay higit na mas promising kesa noong nakaraang taon.

Bahala na si Batman kung ano ang mangyari. Isa lang ang sigurado ko.

Sa anumang takbo ng buhay PLU meron kaming lahat, basta andjan ang tropa at may contingent, mawala na ang lahat, tropa pa rin ang kasama.

No comments: