Wednesday, January 24, 2007

Puyat

Close your eyes
I’m at your side
Tomorrow’s gonna be just fine

- Callalily, Take My Hand


---

Ang buddy ay nagpaalam, babalik daw siya ng office ng alas-diyes ng gabi dahil may itetest daw silang bagong system para sa orientation ngayong araw. Ok lang naman sa akin, problema ko lang naman ang kanyang pag-uwi ng hatinggabi. Nagsimula ng alas-onse ang marathon: Kahit antok na antok na sinigurado kong tatawag ako kada oras. Ala-Una, Alas Dos, Alas Tres. Sa pagitan ng bawat idlip, tutunog ang alarm ng aking cellphone upang siya ay tawagan masigurado lang na ok lang siya. Paano'y hindi natuloy ang plano niyang umuwi ng hatinggabi. Mukhang matagal at mabusisi ang testing na ginagawa sa kanilang opisina. Sa totoo, maari ko naman siyang hayaan na lang. Ngunit kapag naiisip ko ang kanyang pag-uwi, sumasagi sa isip ko na maari ko siyang kumbinsihin na magtaxi na lang at umuwi na lang sa amin para sa kanyang kaligtasan. Sa aking panaginip, nakikita ko siyang nakasakay ng Jeep byaheng monumento, lulungo lungo at nasa bingit na ng antok. Sa aking panaginip nakikita ko ang mga masasamang elemento na maaring magtangka sa kanya: Marami ang pwedeng mangyari sa loob ng isang magdamag. Umabot ang Alas Kwatro, patuloy pa rin ang pag-alarm ng relo ko. Mag-aalas sinko na nang ipaalam niya sa akin na nasa opisina pa rin siya't antok na antok, kahit paano'y naging kampante na ako.

"Magpaumaga ka na diyan. At least maari na akong makatulog ng diretso."

Alas Nuwebe na ng sumunod kong minulat ang aking mga mata. Alas siyete na ng sila ay matapos. Minsan nga naman, ang obligasyon ng kapartner, kahit sarili mong kapakanan iyong isusuko, masigurado lang ang safety ng iyong mahal.

*yawn*

No comments: