Saturday, January 13, 2007

Thirty Minutes

Patapos na ang shift pero hindi pa rin ako kumokota.
Paano petiks day na naman today. Wala gaanong messages
kaya wala gaanong trabaho. Grabe, ang bilis ng oras, parang
kanina lang ay 6:01 - ang oras ng time-in ko sa bundy clock.
Ngayon ay 1:23 na, thirty minutes na lang at uwian na.
So ano bang plano ko pag-uwi?
Matutulog? Kakain ng lunch/meryenda?
Magsi-Sims2? Maglalamyerda?
May lakad daw ang Odders sabi ni Roy. Pero tinatamad akong
lumabas. Masama pa ang pakiramdam ko para rumampage
kasama nila. Gusto kong magpagupit at magpaskin-head
ulit kaso nalalayuan ako sa barber shop. Gusto kong
paunlakan yung imbitasyon ni Yuan na mag-inuman sa
pad niya, kaso nagdadalawang isip ako't baka mauwi sa
kung saan ang tagayan pag may tinamaan na sa amin.
So anong plano ko pagkatapos ng shift?
Magyoyosi habang nakikitambay sa mga katrabaho?
Sasabayan si Telang Bayawak pauwi para naka-koche ako
hanggang sa may Shaw? Mamamakla kasama ng mga Diyosa
dito sa morning shift - malabo naman yun, aantukin lang ako -
baka pagkamalan pa akong straight ng mga booking nila.
Heto ang mahirap ng walang gagawin at ayaw may gawin.
Maari akong maglamyerda kung gugustuhin ko, pero wala naman
akong kasama. Gusto ko man tumambay sa may bahay ng may
bahay kaso wala namang nag-aaya. Mag-malling man ako, ngunit
pag inisip kong hindi sigurado ang pera ko galing sikyu agency
sa Lunes, madedepress lang ako.
Mabuti sigurong umuwi na lang ako ng bahay
at maglock ng kwarto upang makatulog ng naka-hubad.
Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung naghahanap ba ako
ng kalayaan o pwersado akong maging taong bahay dahil sa
sitwasyon ko. May thirty minutes pa para may
magtext sa akin at mag-aya ng lakad. Pero hangga't mabigat
ang pakiramdam ko, mabuti sigurong
itulog ko na lang ang pagkabagot kong
ito.

At least, masaya na naman si Mama
menos gastos pa ako.

No comments: