Friday, November 9, 2007

Blood Allegiance (Second Part)

For a guy to blurt out words of flattery to another guy - especially to a stranger was never my cup of tea. If I found someone extremely attractive, I would rather confess it (in a giggling, teenybopper-like manner) to a friend or in the blog than tell the person directly what I thought about him. In that manner, I could express my inner feelings (usually of lust) without compromising my image as a proud and indifferent PLU. It has always been my way. Therefore, when the host directly addressed his admiration towards Marvin himself, tumambling talaga ako sa ginawa niya.

What's more amazing was that the host did it in a way that his complements appeared more as a sincere admiration rather than an attention-catching trick laced with hidden motives. Astig nga eh. He never smirked or smiled lustily when he told Marvin those words and his eyes spoke like a star-struck kid meeting his idol for the first time. It was a classic statement I will never have the balls to speak on my own.

---

When the commotion had settled, we talked about how we found each other. My reincarnations reveal that I am an ancient blogger, while Davenport and Turismoboi were from G4M United. Surprisingly, Macoy and Tripper had their part as to how some bloggers were inspired to create their own blogs. You see, before these guys wrote their own online journal, the only ones existing (and read) were from Badinggerzie, McVie and Wanda Ilusyonada. We all agreed that Macoy's and Tripper's had their own distinct and masculine personality that appealed to us all.

The host paid our bill. It came as a pleasant surprise since I was geared up to splurge on food after my successful week-long enrollment in the Masters that morning. Before we left the restaurant, the host had the opportunity to have a photo-op with Marvin. His smiles alone would tell how kilig he was.

---

At dahil busog pa kaming lahat at tinatamad maglakad, nagkasundo kaming tumambay sa isang coffee shop sa ground floor ng Gateway. Sa dami ng kinain ko, unang hinanap ko ang yosi. Mabuti na lamang at smoker rin si Gripen kaya naman nang makahanap kami ng upuan sa coffee shop, stick kaagad ng yosi ang sinubo ko sa halip na bumili ng kape. Sosyal itong si Gripen. Sa halip na Marlboro ang yosi namin, West ang yinosi namin buong time na nasa kapihan kami.

Habang nagkakape, napag-usapan namin ang nabubuong mga samahan sa blogspace. Ika nga, ito'y mga little circle na independent sa bawat isa. Naroon ang tropa nina Jhed na may kapihan linggo-linggo. Naroon rin ang blog nina Misis J at ang kanyang mga ka-federasyon mula sa UST. Nakakatuwang isipin na kahit ang ilan sa amin ay tago sa aming mga kanya-kanyang trabaho, tanggap namin ang diversity ng bawat grupo. Ang ilan nga sa amin na matuturing na discreet at straight-acting ay nagagawa pa ring magbasa ng mag-gay linggo sa tulong ng mga journal ng mga effeminate. Hindi man kami masyado makaintidi ng salitang ito, ang napupulot naming aral sa kanilang mga blog ay matuturing na universal.

Halimbawa na lamang ng blog ni Wanda at Mandaya.

Parehong may parlor ang dalawa. Ang isa ay tubong Maynila samantalang ang isa naman ay blogger mula probinsya. Ang isa ay nakilala at inabangan dahil kay Marcus, samantalang ang isa naman ay hinangaan dahil sa kanyang matagumpay at makatotohanang portrayal ng mga bayot sa probinsya.

Ang kay Wanda ay sumasalamin sa henerasyon naming mga namulat kay Shaider, Batibot at sa TGIF. Ang kay Mandaya naman ay nagbibigay ng perspektibo kung ano ba ang buhay bading sa malalayong probinsya. Nakakatuwang isipin na tila ba higit na respetado sa kanilang lugar ang mga bading - hindi katulad dito na laging hitsura at kilos ang unang basehan bago ka matanggap ng karamihan.

Ano man ang pinagkaiba ng dalawa, pareho itong nagpapakita ng bahagi ng buhay-PLU na nakakarelate sa aming lahat.

---

Nagpatuloy ang kwentuhan namin kahit papalubog na ang araw. Si Kiddo ay nanatili pa ring tahimik kahit ang kanyang buddy ang siya ng sentro ng usapan. Palibhasa'y nasa "industriya" si Reigh kaya't lahat ng scoops ay nasagap namin noong hapon ding iyon. Anuman ang kanyang mga kwento ay amin-amin na lang. Mahirap nang ma-quote ng The Buzz, sakaling isulat ko dito ang mga revelations niya.

Marami sa amin ang may iba-ibang trip pag-usapan. Naroon si DK na maka-behbe, at sa tuwing sa usapang relasyon napupunta ang aming kwentuhan ay siya ang laging nagiging bangkero. Si Gripen naman ay tungol sa stock market at business prospects ang interests. Kung mayroong di malayong maging tycoon sa amin balang araw, siya na siguro iyon. Mahilig din siya sa eroplano. Kwentuhan mo siya tungkol sa fighter jets at tiyak na mauuwi sa F22-Raptor ang usapan niyo.

Si Cj ay maasahan mo tungkol sa subject na call-center. Sa dami ng call centers na pinagtrabahuhan nitong binatang ito, kaya niyang ma-discuss sa iyo ang operations ng isang call center at ang mga tsismis na kumakalat dito. Bukod kay Gripen, si Cj na siguro ang pinaka-riot kong nakasama sa lakad naming mga bloggers.

Sa dami ng nabahagi nilang apat, palubog na ang araw nang magpaalam sa amin si Reigh at Kiddo upang puntahan ang isa pang lakad. Si Davenport naman ay may kikitain na kaibigan sa Megamall at nagbabalak na rin lumayag.

---

-tobecontinued-

No comments: