"Alam mo Bes, bakit ganun. Hindi naman ako effeminate pero nararamdaman ko na may feminine na bahagi sa akin ang gustong makawala?"
"Kasi ganito yun Bes. Given na matigas nga ang exterior mo, pero talagang may pusong babae ka. Live with it, yun rin ang napapansin ko sa personality mo."
Nagsisimula pa lang ako sa pag-eexplore noon nang in-open up ko sa aking kaibigan ang kapansin-pansing twist sa aking pagkatao. At gaya nga ng sabi niya, hindi made-deny na anumang pagkukubli ko sa disguise ng masculinity ay naroon at nakapailalim dito ang unti-unting lumalakas at lumilitaw na feminine side ko.
Nagkataon nga lamang na dahil sa puro koboy na mga binatilyo ang kasama ko sa loob ng anim na taon sa paaralan, masyado na akong nagpakalalaki upang magkaroon pa ng dominance ang femininity sa personality ko.
Kaya't namayagpag ako sa buhay PLU na dala-dala anuman ang legacy na iniwan sa akin ng mga straight kong kabarkada. Naroon at kahit na "paint the town pink" ang laging tema ng Malate noong mga unang buwan at taon ko roon, madalas na ang mga nakakasundo ko pa rin ay yung mga pinaka-masculine na naliligaw sa lugar na iyon.
Hindi ko kinakaila na mas nauna akong na-expose sa mga out kesa sa mga discreet noong mga panahong iyon. Sila kasi ang nag-organize ng GEB sa PEx, kaya naman sumasama lang ako sa kanila para ma-familiarize sa bago kong preference - hanggang sa naka-meet ako ng mga PLU na nakasundo ko talaga ang trip. Minsan naman, kung hindi mga straight-acting ang mga nakakasama ko, doon ako sa mga Femme Lesbian dumidikit. Kahit paano kasi, nakakarelate ako lalo na sa kanilang music trip.
Marahil sa kakadikit sa mga Femme Lesbians ay nagkaroon ng hugis at porma ang feminine personality ko. Noon pa man kasi, alam kong wala sa akin ang pagiging diva-divahan gaya ng idea ng mga ibang PLUs na kilala ko. Hindi rin uso sa akin ang makipagkomprontahan. Nababadtrip ako sa lalaking sobrang ingay na kala mo daig pa nila ang babae sa gaslaw ng kilos. Higit sa lahat, trademark ko na ang pagiging koboy at gentleman, wala pa man sa idea ko ang pagiging PLU. Never mo akong mahuhuli na nakikipag kumpetensya sa babae, bagkus ugali ko pa ring mambola at magflirt paminsan-minsan kahit alam kong deep inside, pareho lang kami ng pinapangarap...
...ang makatagpo ng isang makisig at matapang na lalaki.
Given these circumstances, ang aking feminine personality ay hindi maaring maging average chick lang. Siya yung tipong hindi aasa sa tulong ng isang lalaki, at sa halip, handa siyang makipagsabayan sa opposite sex nang hindi niya direktang nasasagasaan ang ego nito. Itong aking feminine personality ay hindi rin pala-dikit sa mga kikay na babae. Kahit naman noon pa lang, never na akong naging kumportable sa mga babaeng puro pagpapaganda at vanity lang ang kayang pag-usapan sa loob ng isang araw. Sa halip, ang aking feminine personality ay higit na makakarelate sa mga bilat na nagboborder ang ugali sa pagiging isang tibo o bisexual. Let's talk about politics, environment, art, Tori Amos, Dream Pop, at yung mga anime na sikat noong dekada 90. Yun ang tipo ng babae na siguradong trotropahin ko.
Sa mindset kong ito, hindi na nakakapagtaka na magaling akong umamoy ng lesbyana.
May isang panahon na na-adik ako sa isang PC Game na ang pangalan ay Alpha Centauri. Sa mga familiar sa Sid Meier's Civilization, ang strategy game na ito ay continuation ng kilalang empire-building game na ang pagkakaiba lamang ay sa ibang planeta ka nag-eexpand ng iyong empire. Bukod dito, sa halip na mga taong kilala sa kasaysayan ang iyong bida ay mga faction leaders ang namumuno sa iyong bansa.
Dito sa larong ito ay madalas kong piliin ang Gaia's Stepsister bilang aking faction. Bukod kasi na kilala sila bilang mga environmentalist, naaaliw rin ako sa Wiccan, Liberal at Feminist overtones ng faction na ito.
For the first time sa isang PC game, pinili at buong lugod kong tinaggap maging isang babae - si Lady Deidre Skye bilang aking main character. Sa larong ito, hindi lamang ako nagtagumpay sa pag-buo ng isang faction na nirerespeto ng ibang computer players, nagwawagi rin ako sa objective ng laro na maging unang faction na makabalik sa Earth.
Matapos ang karanasan ko sa Alpha Centauri ay hindi na ako nailang gumamit ng female character sa aking mga laro. Na-realize ko rin kasi na gender is irrelevant lalo pa't alam kong higit na mas akma sa role-playing ang character na pinili ko, maging babae man ito o lalaki.
Bunga nitong aking realization, higit kong na-preserve ang aking masculinity kahit pa makisama ako sa mga effeminate at out na bading sa paligid ko. Mas naunawaan ko rin ang differences ng dalawa at hindi ito naging hadlang sa aking hangarin na makipag-kaibigan, maging effeminate man ang aking kaibigang pakikisamahan.
Dumaan ang panahon at nagkaroon rin ng pangalan ang aking feminine persona bilang si Jen Marasigan. Nagsimula ang lahat isang umaga habang nasa pier kami ng Bataan ng mga Odders at nag-iintay ng service na magdadala sa amin sa Montemar. Napagkatuwaan ng isa naming tropa na habang nag-iintay ng sasakyan ay magtawagan muna kami ng babaeng pangalan upang pang-asar ng mga ibang pasaherong kasama naming na-istranded sa pier.
"Dahil Marvin ang pangalan mo, ikaw na ngayon si Marivic."
"Habang ikaw naman Sonny ay si Sonya Ganda."
Siyempre, aliw ang mga bading dahil first time nilang magkaroon ng girlie name. Ngunit sa kaso ko, ang pangalang Joms ay mahirap mahanapan ng girlie na equivalent.
"Jomarie?" Masyadong masculine pa rin, sa loob-loob ko.
"Joma?" As in Joma Sison? Madaya, nagpalit pa tayo ng pangalan. Reklamo ko pa rin sa aking sarili.
"Jen na lang itawag niyo sa akin." Suggestion ko sa mga bakla habang ang isa naman naming tropa ay naghahawi ng kanyang imaginary bangs habang tinatawag nilang Dennise.
Lingid sa kanilang lahat ay mayroon pa akong apelyidong naiisip para sa girlie name ko. Marasigan. Bukod kasi sa medyo astigin itong apelyido ay naalala ko rin si Buddy Marasigan ng Eraserheads sa tuwing bibigkasin ko ito.
Tamang tama sa feminine personality kong naglalaro sa aking utak.
Lumipas ang ilang linggo at marami sa amin ang nakalimot na sa kanilang babaeng pangalan. Nagsimula na kasi ang karir season kaya naman ang karamihan sa amin ay nagbalik na sa kanilang pag-aastang barako.
Subalit hindi ko madaling makakalimutan ang pangalang Jen Marasigan. Gaya kasi ni Joem Endymionne, ang pangalang dapat sana ay ibibigay ko sa aking anak na lalaki, magkamali man akong makabuntis. Si Jen ay naging bahagi ko na.
Had I known it earlier, I would have lived up to that name, knowing it describes my inner femininity
At gaya ng Reyna sa larong Chess, ang aking feminine persona ay higit na mas palaban kesa sa aking masculine personality...
...na sa tuwing ako ay napapasubok sa piling ng mga barakong higit na mas matigas sa akin - gaya sa gym - sa tuwing ako ay nagbubuhat ng mas mabigat na barbell o kaya naman ay sa tungaan ng Red Horse beer - kung saan ay bottoms-up ang labanan ay higit na mas lumilitaw.
Maniwala ka man o sa hindi, minsan, ang aking feminine character ang siyang tumutulak sa akin upang higit na mas magpaka-lalaki,
Lalo pa't lumilitaw na incapable at nagiging disappointing ang straight na lalaki para sa akin.