Wednesday, March 2, 2011

Altis





Medyo naparami ang gawaing trabaho nang minsang na-assign ako sa graveyard shift. Dala ng pagka-bugnot at antok dahil sa bago kong schedule, naisipan kong buksan ang aking Facebook account.

Unang  tumambad ang status at wall messages ng aking mga kaibigan. Nothing important, kanya-kanyang mga drama sa buhay.  Malugod na sana akong mag-lo log-out nang mapansin ang updates ng kabarkada ko sa college.



Nang  huli kaming magkita ay bukambibig na nito ang kanyang planong pagbili ng sasakyan.  Ford Focus ang kanyang napupusuan. Masaya ang mga katropa ko para sa kanya.  At least, kahit hindi pa ito nagkaka-girlfriend sa buong buhay ay may ipagmamalaki naman itong wheels. Kibit balikat kong tinanggap ang kanyang balita.  

Para sa akin kasi ay makakabuting ipunin muna niya ang pera. 

Dumaan ang mga buwan at totohanan nga ang kanyang ginawa. Ngayon ay may Ford Fiesta na siya at buong pagmamalaki nitong ibinalandra sa Facebook ang kanyang sasakyan.  Tahimik kong nilampasan ang kanyang mga updates subalit habang tumatagal ay tila nag-iiba ang pagtanggap ko sa tuwing nakikita ang mukha niya sa social media.

Kung titingnan  ang  profile ng kaibigan ko ay tadtad ito ng kanyang tsikot.  Abala rin ito sa mga social events kung saan nagkikita-kita ang mga Ford owners katulad niya. Wala namang masama sa kanyang ginagawa pero higit akong matutuwa kung babae nito ang kanyang ipapakita.  At least, hindi na ako maghihinala na kapanalig ko siya.

Subalit  nitong mga huling updates ay tila iba sa mga nakaraan.  Kung dati-rati ay nakakaya ko pang sikmurain ang mga litrato ng kanyang Ford Fiesta,  ngayon ay parang gusto kong mag-comment ng all-caps na "yeah we know you have a new car, so what's new?" Tiyak na lalabas akong bitter at maldita kaya gaya ng nakagawian, kibit-balikat kong nilampasan ang kanyang mga updates. Tamang adik lang ang bata at ma-o-outgrow rin nito ang kanyang kinahihiligan.



Ayokong isipin na ang nararamdaman kong derision, poot, o pagkainggit ay dala ng katotohanang sa magkakaibigan, ako ang nahuhuli sa karera. Ang dalawa ay abogado na (kabilang si tropang may Ford Fiesta) ang isa ay big-time sa LTO at ang isa naman ay may sariling bahay na sa Global City. Sumakabilang-buhay nga ang isa pero nag-iwan naman ito ng junior na ni-isa sa amin ay wala.

Comparisons make you feel inferior, at marahil, noong gabing tadtad ako ng trabaho sa opisina ay yun ang aking nadarama.  But what gives?  Pinili ko naman ang ganitong buhay  at ako mismo ang tumatalikod sa mga pagkakataon na magpapabago sana sa aking estado.

Kaya't upang makabawi man lang - maramdaman - na may pangarap rin ako sa buhay, nag-iwan ako ng isang wall-message na sa hindi inaasahan ay mainit na tatanggapin ng lahat.



in yer dreams, man.


May pera man o wala, tiyak na mauuwi lang sa gastusing-bahay ang anumang ipambibili ko ng sasakyan.




18 comments:

Dabo said...

=(

claudiopoi said...

una, tingnan mo si noynoy, nababaliw sa kakabili ng kotse -- dahil daw ito sa need to cover up certain insecurities tungkol sa buhay nya, ie, walang lovelife. ganyan daw usually ginagawa ng mga taong may nais itago sa madlang people.

pangalawa, bata ka pa. you can still will yourself to become better. alam mo, ganyan din usually ang nararamdaman ko. kaya minsan, hindi na ako umaattend ng mga reunions. pero alam ko namang masaya ako sa buhay ko ngayon, so kebs na nsa mga kaperahan nila.

pangatlo, alam mo bang may research ngayon na nagpoprove na ang facebook ay nagdudulot ng depresyon sa maraming tao? yep, kaya dehins ka nag iisa.

pasenxa at napahaba na naman ito. nacacarried away talaga ako sa mga posts mo kung minsan. haha.

be well, mugen! :)

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

Bragging about what they have accomplished or bought already in each other's race... Pareho lang 'to sa aking hindi pag-attend ng school reunions. Payabangan lang ang siguradong mangyayari. We each have our own experiences and accomplishments that are unique from each other. Yun nga lang, mas matimbang pa rin ang mga materyal and professional accomplishments in most eyes.

Canonista said...

Ambition is one key to getting what you want in life. Just do it! Dream and have goals; and with passion, ambition, and drive, it will happen... All you ever wanted and be where you always want to be.

It's normal for people to brag of what they have, it's their achievement, part of their success. :-)

Anonymous said...

nitatawanan ko na lang ang mga ganyan sa facebook. guilty din naman ako sa mga pagmamayabang kaya hindi ako nagmamalinis. hehehe

pero hindi ko nakakalimutan ang magpasalamat sa Taas kasi alam kong tinulungan nya ako para makuha ang mga bagay na nakamit ko. :)

Ms. Chuniverse said...

try mong i-announce ang relationship mo with Baabaa sa FB. I'm sure kabog ang tsikot nila.

Désolé Boy said...

asus kayang-kaya mong bumili kung gugustuhin mo...alam mo yan.
.
.
grown ups need to prioritize. and besides, hindi pa ba achievement ang narating mo na ngayon?
.
.
and ms. chuni is right! you're BaaBaa will outdo them all luxury cars. because unlike those, he's not a depreciating asset that'll go outdated the next turn of the calendar.

Nishiboy said...

*likes chuni's comment*

masaya lang talaga yun. nakuha niya plinano niya eh.

there's no singular definition of success. kaso, mukhang sa definition mo eh ang friends mo ang successful. kung nasstress ka, well, kaya mong gawan ng paraan. kamo naman eh pinili mo yan. piliin mo naman ngayong maging tulad nila, kung gusto mo.

Anonymous said...

don't stop believing. pasasaan at makakabili ka rin ng iyo.

-number_yuan

Nanay B said...

Tuwang tuwa pa naman ako sa status message mong yun! *hugs* Miss seeing you around. :-)

Anonymous said...

I can prolly relate.. and I always tell myself that my friends don’t have responsibilities at home just like I do.. and I do find happiness knowing how much I help my parents out.. but cars, nice house etc are wants that must be satisfied otherwise work and responsibilities would burn us out..

So you might want to consider the same route I took to meet those needs according to Maslow’s.. I took a loan which I used to purchase a second car – which looks very very nice for it’s price. The loan I pay for about 7k a month for three years, something I believe I could afford. I realised that it would be hard if I wait to save up the right amount, so having a loan forces me to do the “savings”… and then I bought a nice condo unit for 10k thru pag-ibig..

Small time investments but still satisfies my ego.. and boosts it up some more when people say they envy me for those things I have – even if I consider them “small” by my standards ;)

- clarence

Anonymous said...

unless you were born rich, hindi naman siguro kayabangan ang ipagmalaki na nakabili ka ng sasakyan sa sarili mong pawis.

pinaghirapan naman 'yun at pinagtrabahuhin. i'm sure many of you will understand that once you get to that point.

jc said...

NKKLK! joke lang pala yun? nung nabasa ko kanina yan sa pesbuk, gusto kitang sabunutan teh! kalurkey lang na bigla kang buysung ng carlaloo without my knowledge power. pero fafa, should you decide to buy, iinform mo akey ha? tulungan kita magpick ng collurr. bright pink ang bet ko. kabog sila ever!!!

Unknown said...

Mugen, mas nakabubuti sa mundo ang di bumili ng kotse. ;)

Anonymous said...

A car may be a necessity for young professionals but NEVER an investment.

In fact, a car is more of a liability than an asset.

Pero aminin natin, mas okay ang may lovelife kasya may tsikots.

(Kung meron ka pareho, kabog sila lahat hahaha!)

- Isang Kakilala Mo :p

Nimmy said...

nice!!! loan na! chos! :)

Ronnie said...

Stress Drilon lang aabutin pag iniisip ang mga ganyan. Pero minsan talaga hindi kayang pigilan.

Just focus on your own 'race track' at makukuha mo din gusto mo.

Hugs