Friday, March 18, 2011

Manboobs





Madalas siyang  tawaging  Jog-Jog ng mga kaklase ko noong high school.  Ang akala ng mga taga-ibang section ay mula iyon sa dalawa niyang pangalan na Joshua Gregorio.  It makes sense daw kasi.  Subalit sa oras na malaman ng mga nagtatanong ang tunay na dahilan, ang mga ito'y magtatakip ng bibig upang pigilin ang pagtawa.  Ang iba naman ay walang prenong mang-aasar makasakit lang ng damdamin ng iba.

"Jog-Jog, ang laki ng dyoga mo!"

Ang binata naman na nakikipagkuwentuhan sa labas ng classroom ay walang imik na magtutuloy sa pagkukuwento na parang walang narinig na insulto.

Hindi  naman katabaan si Joshua. Pero sadyang itinakda ng kanyang genes na ma-concentrate ang baby fats sa paligid ng kanyang dibdib.  Nakadagdag sa pang-aasar na mas malaki ang kanyang utong kumpara sa iba. Para sa isang nagbibinatang lalaki na nakikibagay sa mga tao, ito ang pinakamalaking sagabal para respetuhin at tanggapin siya ng mga nasa paligid.

"Jog-Jog mag bra ka nga, mas malaki pa yang dibdib mo sa akin eh!"  Sabay tawanan ang mga nakakarinig. 

Sa buong panahon na kasama namin si  Joshua ay iniwasan niya ang magtanggal ng damit sa harap ng iba - lalo na tuwing oras ng Physical Education.  Nang natapat na Swimming ang aming PE ay kamalas-malasang na exposed ang kanyang nakalaylay na utong at ito ay naging tampulan ng kanyang mga kasama.

Naroon na may mandadakma, manglalapirot na pagkasakit-sakit at minsan ay akmang mandidila na para bang sumususo sa dibdib ng dalaga.  Minsan ay makikita ko siyang badtrip na para bang ginahasa sa shower room. Pero sa oras na makabawi ay nakangiti itong maglalakad mag-isa palabas ng campus na para bang balewala sa kanya ang nangyari.

Nagsawa rin ang mga tao sa kakatawag sa kanya ng pangalang Jog-Jog.  Lalo na nang mapabilang ito sa isang barkada na tunay na nakisama sa kanya. At ang baby fats ay tuluyang  napalitan ng laman dala ng lingguhang CAT noong kami ay nasa Senior.



Wala na akong narinig kay Joshua simula nang tumuntong kami sa Kolehiyo. Balita sa aming batch na nag-aral ito sa isang unibersidad sa Sampaloc kung saan nakatapos ito at tuluyang kumawala sa radar ng aming mga kasama. Ang mga tumatawag sa kanya ng Jog-Jog ay nagsipag-alisan na rin ng bansa.  Maliban sa ilan na naniniwalang iyon ang kanyang tunay na palayaw, ang pangalang Joshua ay nakalimutan na.



suckmahboobies pareh



Minsan ay iniisip ko pa rin kung ano ang nangyari kay Joshua matapos ang kanyang pinagdaanan sa high school.  Nagkaroon kaya siya ng bagong palayaw noong kolehiyo dahil sa kanyang nakalaylay na utong at bilugang dibdib?  Natanggap kaya ng binata ang kanyang sarili at natutunang pagtawanan ang lahat?  Ang kanyang alala, pati ng aming mga kaklase ay muling nabuksan nang minsang nagawi ako sa TNL at nakita ang litrato sa itaas.

Kung nasaan man si Jog-Jog ngayon ay nakalimutan na niya sana ang lahat.  Kung siya man ay nangibang-bansa, nag-asawa at nagkaroon ng anak ay hindi sana maranasan nito ang pinagdaanan ng kanyang ama. Kung siya man ay tumandang matabang binata, naging bading at nagbabayad maka-iskor lang ng lalaki, makahanap sana siya ng paraan na tunay na makakapagpalaya sa kanya.    

Hindi ko alam kung ano ang tunay na nararamdaman ng matabang lalaki sa litrato sa likod ng kanyang nakaka-asar na ngiti, pero kung ako ang iyong tatanungin, ang hirap siguro para sa isang tao ang  tanggapin ng buo ang katotohanan na ang kaisa-isang dahilan kung bakit mas madalas na layuan ka ng iba ay dahil  hindi akma ang iyong bilugang kaanyuan sa nais i-project at pinapangarap ng lahat.




16 comments:

Désolé Boy said...

Minsan akala ng ilang mga magaganda ang katawan, yung tipong batak talaga sa gym ang katawan samahan mo pa ng gwapong pagmumukha, na mas angat sila at mas maswerte kumpara sa mga matataba o gaya nga ng nasa post mo, may man-boobs, nagkakamali sila. Mas mapalad ang matataba!
.
.
Kasi sila minamahal sila ng mga tao sa paligid nila at napapansin ng ilan hindi dahil sa katawan nila kundi dahil sa ibang aspeto na hindi nakikita ng mata na sa totoo lang ay mas mahalaga.
.
.
Yung ibang mga "macho" kaya, minsan ba tinatanong nila sa sarili nila na kung nagkataong pangit ang katawan at itsura nila, marami pa rin kayang papansin sa kanila? May mga magkakandarapa pa rin kaya sa kanila? Marami pa rin kayang magmamahal sa kanila?

Kapitan Potpot said...

Yaaaayy! Natuwa naman ako sa comment ni DB! :D

Simula nung lumobo ako, natanggap ko na sa sarili ko na maging Teddy Bear ng tropa at matawag na "Taba". Bilang paghahanda, gagawin kong motivation ang mga naging bansag at pang-aasar sa akin.

Salamat nga pala Sir Joms sa iyong words of wisdom sa entry ko kahapon at sa entry na ito, nangiti ako. Ayiii!!! Hehe! :)

charles. said...

Naalala ko tuloy ang isang quotation mula sa isang book ni Bob Ong.

"Kung gwapo o maganda ka, kawawa ka naman. Dahil maraming pwedeng magkagusto sa iyo nang hindi ikaw ang nakikita nila kundi kung ano ang itsura mo."

Steph Degamo said...

nakakatawa ang picture. wohooo!

Anonymous said...

Masarap maging kaibigan ang matatabang cute, palatawa at laging fresh/malinis.

Hindi ko masabing hindi ako mai-inlove sa mataba dahil kung magaling magluto baka pakasalan ko agad pero ime-maintain ko pa din ang katawan kong HOT para puede nya akong i-display.

Pasensya na, mayabang ako.

-Papa Karps

Seriously Funny said...

DB: Agree ako!

Lone wolf Milch said...

baka hunk na si jogjog ngayon para ipakita sa mga nanlait sa kanya na di na siya yung may boobs

pero minsan yung panunukso sa tin makes us stronger

pero sabi nila matatanggal ang boobs thru exercising if not kelangan ng surgery

Anonymous said...

guilty ako sa pagkakaroon ng man boobs. LOL

Nishiboy said...

mukha namang na-handle niya nang maayos ang pang-aasar. kami din ng mga kabarkada ko, kung mag-asaran ng bilbil, dibdib at braso eh walang pakundangan. parang naging training ground ang barkada. pag pinupuna ng mga ibang tao ang traits na yun, madami na kaming nakahandang rebuttals. =D

Nimmy said...

manboobs... my favorite! hihihi

Dabo said...

I know a blogger who enjoys his manboobs hahaha kaso nasa bundok ng north luzon sya ngayon haha

Guyrony said...

This brings back hateful memories...

Unknown said...

I hate bullies! mahirap mabully dahil sa mtaba or payat, bakla or tomboy. or kung anu ano,...hehe bitter

bien said...

Mugen
Mataba ako. Salamat sa entry na to. Ang hirap maging mataba, mas mahirap lalo pag bakla ka, the rejection, the low self esteem. But then as you grow older Kiburlah kanya-kanyang market lang yan.

Trip said...

huwag po nating kalimutan na ang mga tao na pumupunta sa gym ay hindi lamang nagpapaganda ng katawan. ang iba po ay para mapabuti at mapanatili nila ang kanilang kalusugan.

Mr. G said...

for some reasons, gusto ko din yung medyo chubby. sarap yakapin...malambot at sarap sarap pisilin!