Minsan sa inuman ng mga engkantos maraming linggo na ang nakakaraan ay napag-usapan ang love life ng isa naming kasama. Tanong ni Daddy Fox kung bakit hindi pinapakilala ni bunso ang kanyang kabiyak samantalang mukhang masaya naman ito sa kanyang relasyon. Kahit si Pilyo ay tikom bibig rin. Marahil ay alam niya ang sagot ngunit dahil nalimot na niya ang kanyang simula, (at puwede ring hindi niya ito tinahak nang maging sila ni Papa Dingding) ay pinili niya na huwag munang humusga.
Hindi biro ang umibig lalo na sa kapwa lalaki. Naroon ang pride, ang pangamba ng pangangaliwa, ang pagsang-ayon at hindi pagsang-ayon sa ugali ng isa, ang demand sa attention na madalas ay ignored ng isang lalaki. Nasanay kasi na sa kanya umiikot ang mundo.
Dalawang taon ang binilang ko bago naturuan si "dear heart" na mag-stay put. Sa dami ng kailangang isuko, hindi mo alam kung saan magco-compromise. Sa oras pa lang na kadalasan ay wala ka sa sarili ay kailangan mo pa hatiin sa kabiyak, kung hindi ay hahanapin niya ito sa iba. Maraming kumplikasyon na pilit natin ginagawang simple. Ngunit sa huli, ang mga maliliit na bagay pa ang nagiging dahilan ng malalaking away.
Dalawang taon ang binilang ko bago naturuan si "dear heart" na mag-stay put. Sa dami ng kailangang isuko, hindi mo alam kung saan magco-compromise. Sa oras pa lang na kadalasan ay wala ka sa sarili ay kailangan mo pa hatiin sa kabiyak, kung hindi ay hahanapin niya ito sa iba. Maraming kumplikasyon na pilit natin ginagawang simple. Ngunit sa huli, ang mga maliliit na bagay pa ang nagiging dahilan ng malalaking away.
Kaya naman naroon ang barkada para umalalay. Sila ang nagiging tulay upang lubos na maintindihan ang iniisip ng kabiyak. Aminin man natin o hindi ngunit may mga bagay na tanging ka-tropa lang ang nakakaalam. Depende ito kung gaano tayo ka-open sa partner. Pero sa simula, totally dependent tayo sa kaibigan nila upang malaman ang kanilang state of mind.
Lalo na sa oras ng di pagkakaunawaan.
Naging ugali ko - noong unang panahon - na ipakilala sa kaibigan ang seryosong ka-date. Marahil sa iba ginagawa itong pang-inggit (lalo na kung super hot ang iyong bagong boylet) pero sa akin ay naging batayan ito kung ano ang magiging feel ng ka-tropa. Tutal, when all appears to fall apart, isa sa kanila ang inaasahang magda-damage control gaya ng ginawa ni Papa John (ni Baabaa) nang una kaming nag-away ni mahal.
Don't get me wrong, mayroon tayong mga pansariling dahilan kung bakit pinipili nating hindi ipakilala ang kabiyak sa katropa. Naroon ang pangamba ng ahasan at bonggang-bonggang intrigahan (na balita ko ay nangyayari sa ibang grupo) ang iba naman ay may motibong hahayaan ko na lang manatiling bulong sa hangin kesa maparatangan ng maling assumptions.
But if there is one thing I've learned and practiced sa buong time na ako ay umiibig. Iyon ay ang maging connected at friendly sa kaibigan ng asawa sa paniwalang your common bonds will reinforce the relationship. Within a month nang maging kami ni Baabaa, nakilala niya ang bestfriend kong si Jolliboie habang ako naman ay nag reach out sa mga kaibigan ng aking kabiyak. Hindi ko alam kung gaano ka-effective ang we-against-the-world na set-up pero dahil sa liit ng inyong mundo (at dahil sa dami niyong kabangga) I think it doesn't work most of the time.
"So bakit nga hindi pa pinapakilala ni bunso yung partner niya?" Tanong ni Dadi Fox.
"Eh kasi hindi rin sigurado si bunso kung handa ba siya sa long term relationship." Sagot ko, sa aking pagkatanda. "Besides, assured rin ba siya na hindi kaliwete at malandi itong bago niyang dyowa?"
At dahil sa pang beauty pageant kong sagot ay ginawad sa akin ng mga engkanto ang Baklameter, na mabilis ko rin sinoli nang dalawang beses akong pumalpak habang custodian ng nasabing device.
Subalit mukhang tama ang aking hinala.
Tatlong buwan matapos ang inumang naganap ay unti-unting nakarating sa akin ang balita. Anuman ang aking nalalaman ay mapapatunayan sa pagbabalik ng aming bunso.
At kanina ngang madaling araw, ito ang text message na bumungad sa aking telepono:
"Single ladies na ulit ako aka beyonce. Confirm na!"
Hindi man ako nakapagreply, ngunit dahil wala ni-isa sa amin ang nakakilala sa kanyang ex, we're most happy to get our bunso again.
At dahil sa bawat heartbreak ay may nag-iintay na kalayaan - na makahanap ng mas guwapo, mas mabait, mas madasalin, mas faithful, at mas good catch kesa sa nakaraan, ang break-up ay tinuturing naming pansamantalang setback lamang.
14 comments:
haayy... buti na lang at maraming nakatatandang kuya si bunso.
=)
tama ka ms.chuni,, napaka-swerte ni bunso,,
Gustung gusto ko yung huling talata ^^
napaisip tuloy ako kung bakit ayaw pa ipakilala ng isa ko pang kuya ung partner nya, remember nung mercatto? ambabait naman namin. haha.
- batang paslit
as much as possible, extended sana sa family ang pagpapakilala. at least sa mga kamag-anak na nakakaintindi sa'yo. :)
People who have such a support group are lucky. There were times when I sought solace with very close friends who are still kept in the dark about my lifestyle. Seeing them reach out when I could not reach back made me feel more alone.
Mugen,
Nako, na-recieve ko din ang text ni Bunso. Buti nga sya naging taken, kahit paano naging masaya sya. Eh ako, never pa nagka-jowa mula pa nung 2007 na 3 months lang ang itinagal. Hehe. Buti pa sya HOT, makakahanap agad. Paano pa kaya ako na mukang busabos lang? Haha.
Di bale, happy naman ako kahit paano. Si bunso eh tutulungan ko na lang maging happy at makahanap ng jowa kapag ready na sya. Swerte talaag siya sa grupo natin at supportive ang mga kuya :)
-Engkantong discreet na discreet :D
"Hindi biro ang umibig lalo na sa kapwa lalake."
i wouldn't know, babae po ako.
char!
seriously, your Bunso is very lucky to have you guys.
:))
in the wide ocean, you guys are his lifeline :)
Lucky that he's found some wonderful kuyas like the engkantos. :)
that's what friends are for...good for you may support group...
ang babait niyo namang mga kaibigan! dapat libre nya kayo! hihihi
Sana magkaroon din ako ng mga katropa na gaya ng mga engkantos. Ang babait pala ninyo.
- naghahanap ng mga katropa
ay di ko na risib yung text? jowk no comment lolzz
Post a Comment