Actually, eligible ako para sa N73. Kaso wala pa daw silang stock ng unit na ito kaya kesa mamuti lang ang mata ko kakaintay sa available nilang model, kinuha ko na rin ang alternative offer nila. Not bad, considering na libre lang siya. Ngunit ang downside nito ay dalawang taon muli nila akong slave - ibig sabihin, hindi ako maaring magdown-grade ng account at ang aking major expense - which is my phone bill ay hindi magbabago.
Sa totoo lang, ngayong nasa akin na ang phone, saka ko pa lang nakikita ang disadvantage ng pagkakaroon ng ganitong klaseng unit. Bukod sa mas magiging higit na maingat ako sa public areas (Hindi katulad noon na kahit sa gitna ng Quiapo ay pwede akong tumawag kahit kanino dahil alam kong ibabato lang sakin ng holdaper ang phone ko kapag nalaman niya kung gaano ito kabulok,) ngayon, malingat lang ako ng kaunti ay baka madukutan pa ako. Isa pa sa posible kong maging problema ay baka hindi makaya ng sweldo ko ang pagbabayad sa aking napakalaking monthly phone bill sakaling itapon ako sa kangkungan ng aming Sikyu Agency.
Noong kausap ko yung representative ng Globe, ang unang offer dapat nila sa akin ay rebate na P1300 every month sa aking phone bill. Kung tutuusin, advantageous sa akin ito, lalo na't matakaw ako sa voice call. Isa pa, kung icoconsider ko ang uncertainty ng finances ko, mas appropriate sa akin ang ganitong deal. Ngunit sa isang banda, kung hindi ko tatanggapin ang offer nila para sa bagong phone, knowing my kuripot side, malabong magkaroon ako ng ganito ka high-end na phone sa tanang buhay ko. In the end tinanggap ko na rin siya. For a moment noong nag-uusap kami, marahil nabulag rin ako sa material benefits ng pagkakaroon ng ganitong klaseng phone.
Anyway, since nasa akin na ang phone, ano pa ba ang magagawa ko kundi tanggapin at panindigan ang aking mga desisyon. At least, maari na akong magpaka-shala-shalahan ngayon kahit na sa totoo lang... hindi na ako naglalalabas ng bahay at mukhang basahan ang get-up ko lately.
No comments:
Post a Comment