Wednesday, October 25, 2006

Please, One Time Lang Ok?

I just need to vent this out:

"I have always thought that bloggers are delusional and vain; writing your thoughts for the world to see, or writing as if talking to the world or to no one in particular in the world (as if they would care), is just a bit peculiar to me. It just never occurred to me that I am just as queer. Wait, that sounded very true."

- from Bunshoy's blog, opening entry

---

Nung una kong nabasa ito, unang sumagi sa isip ko eh. "Bah, ang taray naman." Siyempre, tinamaan ako sa hirit niya kasi naman blogger ako, ibig sabihin pala ay delusional ako at vain kasi gusto kong ipabasa sa iba kung ano man ang nangyayari sa buhay ko. For the longest time among my friends, ako lang ang nanindigan mag-blog tungkol sa aking sarili, at wag ka, no holds barred ako magkwento. Kung hindi lang sa "social responsibility" clause na inimpose ko sa sarili ko simula noong sumikat ako sa Google, pati mga juicy tsismis na alam ko, ipopost ko dito. Fine, I got his point at hinayaan ko na yung mga sinabi niya... tutal, reading some blogs - lalo na sa G4M (which I don't link in my roster), I kinda feel what he meant above.

Nitong hapon, napaisip ako... bakit may mga taong deliberately nag-aadvertise ng mga blog nila sa ibang lugar na hindi naman blog related? Is it because hindi pa sila nakuntento ipangalandakan ang buhay nila sa iba, pati ang mga taong walang pakielam, gusto nila mabasa pati kwentong buhay at opinyon nila sa mundo, even if those people doesn't find it necessary?

I post this entry to remind myself time and again never to reveal my blog in a public domain, especially when it's unnecessary, or if my post would lead into a controversy that would sour relationships between people. Tama nang nakikipag-usap akong parang tanga sa sarili ko (o sa imaginary friends ko kung sino man sila) at hindi ko na kailangan gambalain pa ang iba. I should always remember that not all people are interested to know my story, gaano ko man gusto mag-reach out at mabasa ng maraming bloggers... Those who do so would seek my blog gaano ko man ito itago sa mga tao.

At para sa iyo Bunshoy, naniniwala na ako sa sinabi mo tsong. We write because we need to express ourselves.

Pero tama nang alam lang ito ng mga taong interesado sa buhay buhay natin.

No comments: