Monday, April 16, 2007

Bunny Interludes Sixteen

Kung hindi sana ako tumigil sa wo-workout noong December, marahil ngayon ay naabot ko na ang pinaka-aasam asam kong timbang na 160 lbs. Siguro ngayon, hindi na ako naiinggit sa mga PLU na puro torso at chest lang ang pinapakita sa kanilang G4M profile, dahil ako mismo ay meron nang ipagyayabang na sa akin. Kung sana ay hindi ako sumuko sa pagkain ng bakal, siguro firm na ang chest at biceps ko ngayon. Anytime na yayain ako lumangoy sa beach, hindi ako mahihiyang magpakita ng katawan sapagkat may ipagmamalaki na ako.
Sa kasamaang palad, anuman ang pinaghirapan ko sa loob ng sampung buwan na pag-gygym noong isang taon, lahat ng ito ay basta na lang nawala at napabayaan. Isa na akong jubesity sa depenisyon ng bestfriend kong gym buff na si XP.

Ngunit, ang nagawa ng minsan ay maaring ulitin. Ang work-out ay isang life-long affair, na kailangang i-maintain at balik-balikan kung talagang seryoso sa training ang isang estudyante. Alam kong ang laban dito ay puno ng sakripisyo at disiplina. Hindi gaya ng iba na payatin, ang effort ko dito ay doble dahil na rin sa aking tabaing pangangatawan na dapat I trim down para na rin sa aking kalusugan.

---

"The trainer explained everything to me in detail. As a person requiring keen explanation (not that I have a very low I.Q. or a short attention span), I asked and asked away. He was patient enough to answer my seemingly un-ending barrage of questions which would put to the test even the most patient individual.

The gym and the staff seems bent in training determined individuals, having sensed also their questions on how I wanted to do my program. When I asked about my ACL, I was honestly and frankly advised to undertake the necessary precautions/procedures first before embarking on any program, which I truly appreciated."

- Timmy777, Pinoyexchange

---

At dahil aware ako sa aking kailangang gawin, bumalik ako sa gym kanina na may dalang pag-asa na mararating ko ang aking sinaunang objective.

Kung tutuusin, kaya lang naman ako tumigil ay dahil pinili kong intaying magbukas ang isang sikat na gym malapit sa office ko. Sa kamalasan, ang opening date ay na-delay ng dalawang buwan kaya tuloy dalawang buwan rin akong nagpabaya sa aking sarili.

Sa tagal kong nagpahinga, back to zero ulit ako. Heto't napakagaan na nga ng training ko kanina, ngunit umuwi pa rin akong iika-ika at bugbog ang katawan. Ang mga susunod na training ay alam kong higit na mas mahirap at maaring maging resulta pa ito ng injury. Ngunit nakapagsimula na ako's wala na itong atrasan.

Sana lang, pagkaraan ng maraming buwan, maari ko nang palitan ng aking litrato ano man ang nasa drawing ni Red Guy sa itaas. Ginawa niya ito para sa akin noong December upang maging inspirasyon sa aking work-out effort.

Minsan na nga lang ako susubok sumuntok sa buwan, diretsuhin ko na hanggang Mars ang uppercut.

---

Pulsar: Pangarap ko maging buff para mataas lagi ang self confidence ni Joms at saka mas maging healthy ito, hindi gaya ngayon, konti na lang aatakihin na siya sa puso.

Mugen: Pangarap kong maging buff para pwede nang magyabang ng pic si Joms sa G4M. Tsaka pwede na siyang mag-take-it-off ng shirt habang nagwawala sa ledge ng Government.

Darkstar: Wala akong pangarap, I want results. Let's do it Joms.

No comments: