Anim na bote ng beer... San Mig Light na walang hapunan.
Apat na essay na ipro-proofread na lang ngayong hapon at maipapasa na para sa aking Non Fiction class kay Neil.
Bonding sa dalawang taong closest sa akin. Isa, ang aking nanay-nanayan.
Apat na essay na ipro-proofread na lang ngayong hapon at maipapasa na para sa aking Non Fiction class kay Neil.
Bonding sa dalawang taong closest sa akin. Isa, ang aking nanay-nanayan.
Ang isa naman ay ang aking nakakatandang kapatid sa pananampalataya.
Una kong binisita ang nanay nanayan. Tinulungan niya akong ayusin ang mga pinasa kong essay sa mga workshop noon. Marami siyang binago upang maging tugma ang aking gawa sa nais ng professor. Pinakita niya rin ang aking mga pagkakamali, sa tuwing gumagamit ako ng ingles sa pagsusulat.
Ang kwentuhan ng dalawang magkapatid matapos ang pagbisita sa nanay-nanayan ay inabot hanggang madaling araw. Marami ang kailangang pagkwentuhan, lalo pa't pareho kaming humaharap sa mundong hindi namin kinamulatan noong kami'y lumalaki pa lang.
Matapos ang huling tagay, nagpasiya naming tapusin ang gabi. Hindi ko alam kung kailan muli kami magkikita, ngunit kung meron akong isang taong pipiliin kainuman, siya ang isa sa mga taong yun. Sa tagal naming magkakilala, hindi na kaila sa amin, anuman ang buhay na aming pasukin.
Kumbaga, pinatatag na kami ng panahon.
Umuwi akong lasing sa bahay. Sa sobrang lasing tinanggal ko na lang ang pantalon, medyas at T-shirt ko, sabay dive sa kama para humabol ng tulog. Bangenge pa rin ako nang gumising kaninang umaga.
Tingin ko sulit na rin na ginabi ako ng uwi kagabi. Minsanan lang naman mangyari ito eh, lalo pa ngayo't magiging busy na ako sa mga susunod na linggo.
Konting tiis lang, sapagkat mahabang mahaba pa ang araw. Tiyak nito, aabutan pa ako ng lampas hatinggabi bago may matawag na mahimbing na tulog mamaya.
Di bale, double pay naman ngayong araw. Bahala na si Batman kung paano ako magnanakaw ng idlip sa trabaho.
No comments:
Post a Comment