Dear Mother Of All Babaylans,
Kamustasa ka na? Wish ko lang, mas maganda ka pa rin sa umaga. Ala lang, andami ko dapat gusto isulat ngayong gabi kaso hindi ako makapag-focus ng utak ko eh, kaya heto, the following day ko na mapapublish ang entry ko. Wala kasi ang kagandahan mo kahapon sa opisina kaya heto, sabog sabog pa rin ako.
Anyways knows mo ba, nung isang araw nagkita kami ng tropa ko nung high school. Friend ko siya nung first year at second year kami. Tawag nga sa grupo namin Batang Batibot eh. Paano ba naman wala kaming inatupag kundi mag-asal elementary samantalang lahat ng nasa paligid namin eh nagpipilit mag-fit in sa buhay teenager. Saya nu. Bukod pa dun, lahat kami nun bansutin eh. Malay ko bang after 48 years magiging mama rin kami.
Actually, kaya ko siya kinita eh dahil may hihiramin siya sa aking mga PC Games. Alam mo naman ako, madaling makahawa kaya noong adik na adik ako sa Civilization I nung second year kami, pati siya nadala ko. Nung nahilig rin ako sa anime, pati siya nahilig rin. Kumbaga, kaya kami naging chums eh dahil lahat ng interest ko eh naging interest rin niya.
At in fairness naman mother no, boy genius tong tropa kong to! Isang reason rin siguro kung bakit Batang Batibot ang tawag samin dati eh dahil sila (hindi ako kasama) eh palaging nag-papataasan ng grade tuwing quarter. In fact, I could still very well remember na tinabla pa nga niya ako makaungos lang sa Asian History eh. (which is my forte by the way). Pinatawad ko naman siya dun sa ginawa niya pero noon ko narealize na hindi ganun ka-mature ang pagkakaibigan naming dalawa.
Di bale past is past. Basta nung high school kami langit at lupa ang pagitan namin. Sa aming magbabarkada, ako ata ang pinakakulelat kasi naman hindi ako achiever nung elementary nu. Nung naghigh school kami eh sadyang advance na sila sa academics at ako ang kelangang humabol. Kung hindi lang talaga ako nagpakadalubhasa sa mga arts and sciences kong mga subjects, wala talaga akong maipagmamalaki nung mga panahong yun.
---
Past forward.
Mahigit six years rin kami hindi nagkita nitong friend kong ito. And for that tatawagin natin siyang si Carl upang ma-preserve naman natin ang anonymity nitong friend kong to.
Sa totoo lang, kung hindi dahil sa Friendster, di ko na siya makikitang muli. Nagkaroon lang kami talaga ng direct communication sa muling pagkakataon nung napansin ko na ang mga photos na nilagay niya dun eh galing sa Sims 2. Doon ko narealize na marami pa rin pala kaming similarities nitong si Carl.
Nung nagkita kami sa 7-Eleven, Gulat ako sa kanya kasi parang wala siyang pinagbago. Kung ano yung mukha niya nung high school kami, ganun pa rin... Kung gaano siya ka nerdy noon, hindi pa rin nawala sa kanya. Yun nga lang, tumangkad siya at nagkaroon siya ng kaunting appearance ng pagtanda pero hanggang ganun lang. Parang katulad nung isa naming friend na si Art na nakita ko sa Shangrila Star Bucks last Saturday, wala ring pinagbago sa tingin ko.
Pero aaminin ko, our meet-up was kinda depressing one.
I expected someone who is an achiever. Someone who has gotten way way past from what state I am (considering that I see myself as someone who fell from grace). Umaasa akong makakameet ako ng tipo bang Carl na computer programmer, hectic ang schedule, at boy genius, gaya ng nakilala kong Carl noon.
Pero sadyang may rason ata lahat ng bagay sa buhay. Iba ata ang planong inilaan para sa kaibigan kong ito.
Matapos kong maibigay sa kanya ang mga games na pinahiram ko, hindi ko rin napigilan ang sarili kong magtanong tungkol sa buhay niya. Matagal rin kasi kaming hindi nagkita eh, at nararamdaman ko nang para bang iba ang naging takbo ng sa kanya.
Iba nga ito mader sa aking inaasahan.
Sabi niya sa akin, matapos ang two years niya sa Engineering, bigla siyang na-bore sa course niya. He stopped for a semester to prepare for transfer to Accounting in the same university. Eh kaso mo, hindi tumatanggap ng transferee ang Accounting kahit na mas superior ang course na pinanggalingan ng isang student kaya hayun, napilitan siyang mag stop ulit upang makapagtransfer sa ibang university na Accounting pa rin ang major the next school year.
Eventually, nakalipat nga siya ng school. Pero mula noon, umikot na ang buhay niya sa ibang direksyon. Sa pagdaan ng panahon at kahirapan na rin... eventually his enthusiasm wore off. He stopped, became bum... made his life revolve around computers... computer games to be exact. What's worse, his twin sister didn't continue studying when she graduated high school.
Tinamad na lang daw.
So hayun, dalawa silang bum sa pamilya. Yung bunso nilang kumukuha ng computer course, two years pa bago makagraduate.
Tinanong ko siya kung bakit ayaw niyang kumuha ng trabahong panawid buhay man lang... para naman makatulong siya sa pamilya at makaipon para sa tuition fee niya. Sabi ko, pwedeng pwede siya makipagsapalaran sa call center o saan mang BPO company tutal matalino naman siya.
Sagot ba naman sakin mader, tinatamad daw siya...
Habang sinasabi niya yun, sa loob loob ko gusto ko na lang mapailing sa panghihinayang ko sa kanya. Imagine, at 24 bum siya samantalang kayang kaya naman niyang kumuha ng hanapbuhay kung gugustuhin niya.
At 24, umiikot ang kanyang buhay nakatulala at nagpapalaki ng bayag sa bahay instead na tumulong sa kanyang mudra sa pagbabayad ng mga bills at necessities.
Siguro nga, masyado lang akong nag-aspire maging productive noong wala rin akong trabaho - in any way possible kaya ako ganito mag-isip ngayon. Sabagay, the last thing I cannot afford right now is to be a bum like him. Isa pa, the more I get to realize na sayang ang panahon...
Yeah sandali lang ang panahon...
The more I aspire to do more.
Siguro yun rin ang isa sa mga reasons bakit mahilig ako magflylalou from one job to another.
Andami ko pang gusto ma-experience at ma-experience muli.
---
Matapos ang isang oras na pakikipag-usap sa harap ng 7-eleven, nagpasiya na rin akong tapusin ang kwentuhan namin para umuwi ng bahay.
Nasawa na rin akong magtanong ng mga bagay bagay sa kanya kasi hindi rin ako handa sa mga sagot na maaring marinig ko galing sa kanya.
Sa pag-uwi, sabay kaming naglakad patungong Kalentong. May lakad pa daw siya.
Bandang huli, inamin niyang mag-aarcade daw siya sa Marketplace. Magpapahapon na daw siya dun bago umuwi ng bahay.
Sa paglalakad namin, marami ang tumatakbo sa isip ko. Hindi kaya dumating ang panahon na bumaliktad naman ang ikot ng mundo namin? Hindi kaya sa bandang huli siya naman ang magkakaroon ng ganitong pagmumuni muni tungkol naman sa akin?
Nasabi niya rin sa akin na wala siyang girlfriend ngayon... pero bakit ganun, ang pakiramdam ko eh hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend sa buong buhay niya? Kwento niya sa akin, meron siyang kababata na lalaki na ilang beses na rin siyang nakapag-overnight para magdownload ng games sa DSL ng kaibigan niya.
Napag isip isip ko, hindi kaya awkward maki-sleep over sa bahay ng kaibigang lalaki kapag matanda ka na? Hindi rin kaya awkward maglaro sa isang arcade na pinamumugaran ng mga Thunder Cats at mga tripper-in-the-making gaya ng sa Marketplace at iba pang lugar gaya nun.
At bakit for some reasons, iba ang reaction ng gaydar ko sa mga kinukwento niya... Sa kanya? Gaya ng reaction ng gaydar ko sa isa pang kaibigan namin na nagpost ng semi nude pic niya sa friendster?
Hindi kaya tama ang sabi ng tatay ko sa akin noong high school pa kami...
Na simula pa lang noong unang panahon, bago ako napasama sa tropa ng mga straight, napalibutan na ako ng mga kabataang... katulad ko ang preference ngayon?
No comments:
Post a Comment