Saturday, November 19, 2005

Ba - Boy

Tangina, for one week straight hindi ako naglamyerda pagkatapos ng shift ko.
I can't believe this, ako na isang self-confessed lakwatsero biglang natali sa bahay for one week? This is impossible! Dahil ba ito sa walang sawa at paulit ulit kong paglalaro ng Civilization 4 everyday?
O yun lang talaga ang alam kong gawin sa buhay lately lalo't pa't malaki-laki rin ang babayaran ko sa credit card dahil sa mga PC games na pinagbibili ko this past few weeks?
Actually, nung isang araw ko pa sana balak lumabas. Kahapon sana may opportunity na ako matapos matanggap ang salary ko. Kaso lagi akong nauunahan ng katamaran. Kahit nga si Phanks isang linggo ko na hindi nakikita eh. Kaimbyerna, tuloy nagpapanic na ako't baka may bagong diversion na naman ang aking pangga.
---
Kanina, nakatanggap ako ng na-wrong sent na message galing sa kanya. Laman ng nasabing message ang pagpapaalam niya sa colleague na may research daw siyang gagawin kaya malalate siya sa trabaho.
Ampota, sa totoo lang nandun siya nung mga oras na yun nag-eexam sa E-telecare. Ayaw talaga magpaawat kahit makailang beses ko na sabihing mahirap magtrabaho ng gabi dahil matindi ang adjustment sa kanya. Pero sobrang kulit na bata talaga eh. Pangarap daw niyang makapagtrabaho sa Call Center dahil yun daw ang magiging susi niya sa pag-angat ng kanyang career.
Oh well... buti na lang at hindi siya nakapasa. Secretly I'm relieved as well dahil hassle rin sa akin ang adjustment na gagawin ko kapag natuloy siya dun, knowing na ako rin ang babagsakan ng rantings niya. At least panatag na ang kalooban ko na tuloy pa rin ang routine namin.
Minsan kapag naiisip ko ang responses niya sa mga taong nagkakainterest sa kanya, feeling ko baka isang umaga eh wala na pala siya at mabalitaang pinagpalit na pala niya ako sa isang taong mas mataas ang stakes niya. Sabagay, who can forget the Cold Water incident. Kapag yun at hetong pagmamadali niyang patulan ang offer ng Etel eh pinagsama, narerealize ko na lang na talagang attention grabber ang personality ng buddy ko.
Buti na lang, matindi ang buhos ko ng attention sa kanya kundi...
... Yun nga lang, paano pag hindi pa sapat sa kanya ang attention at sakripisyo na iniuukol ko sa kanya?
Sa tuwing sumasagi sakin ang istorya ni... hindi ko maiwasang maging concerned sa dilemma kong ito.
---
Anyway bahala na. Andami ko pang dapat isipin bukod sa paranoia ko.
In a months time, Pasko na naman. Nakaready na ang Christmas shopping list ko pero hanggang sa ngayon, hindi ko pa rin feel mag-chrismas shopping. Masyado sigurong depressing ang buhay para isipin ang araw na yun.
After all, considering the realities na masyadong mahirap ang buhay nowadays, meron pa nga bang gaganahang magcelebrate ng materialistic na pasko ngayon?
Habang sinusulat ko itong entry na ito, bukas ang bintana at ang ulap ay tanaw na tanaw mula sa aking kinauupuan. Ang langit ay makulimlim banta ng bagyong nasa tabi-tabi lamang at ang hangin ay may dalang lamig na sing pait ng ala-alang ayaw mo na sanang matandaan.
Malapit na ako mag bente 24...
By January, pang-sixth month ko na sa trabaho.
Knowing my habit of moving out every sixth month. What's in store for me after December ends?
And with that, I just remembered some of my proclamations during the time when all things were not so painful and insecuring yet.
Sabi ko nuong 19 ako,
by 24 may sarili na akong kotse at pad...
Pero ngayon, isang buwan na lang
nasaan na ako?

No comments: