Thursday, May 18, 2006

Ang Pagbabalik Ni Punks

Ang sabi ko pa noon, kapag nakauwi na siya ng probinsya at wala ng contact sa akin magpapakasaya ako't magpapakasawa sa pagiging single-singlelan para naman makabawi sa tatlong taong pagiging maybahay para sa kanya. Pupunta ako ng F, Epitome at Club Bath para naman ma-experience at makita ko kung ano ba ang nasa loob ng mga lugar na yun. Binalak ko pa ngang i-upgrade ang profile ko sa G4M para naman mapakinabangan ko rin ito lalo pa't mas malakas na ang chances ko ngayon laban sa mga kagandahan.

It was an all out freedom given to me by chance, but it seems like in the end, my true nature has gotten hold of me.

Labing isang araw, pinakatago-tago ko ang puso ko. Iniwasan ko ang maka-miss, malungkot at makaalala ng husto dahil hindi ko rin naman siya makakausap lalo na't walang signal sa kanilang barrio sa Visayas. Itanago ko rin ito upang maiwasang hanapin sa iba ang mga pangangailangan nito. Hindi ko rin binalak gawin ang mga nasa isip ko sapagkat wala rin naman sense ito, lalo na't may mga violations na rin akong ginawa sa nakaraan. Dahil na rin sa bagyo, sa ulan, sa stress at sa commitment ko sa work out kaya sa loob ng mga panahong wala siya, ipinagpatuloy ko na lang ang buhay ko na parang ako lang mag-isa sa mundo...

... na parang wala akong buddy na nagbabakasyon lang sa mga sandaling iyon sa lugar na kinalakihan niya.

---

Nang nabalitaan ko ang kanyang pagbabalik, and unang naitanong ko sa isip ko ay kung kailangan ko pa ba siya? Sabagay kasi, nasanay na rin akong hindi siya nasa paligid nitong mga nakaraang buwan kaya pakiramdam ko'y parang may relasyon akong long distance.

Isa pa, sa mga bigat ng pagsubok na daraanan namin sa mga susunod na mga buwan, parang sumusuko na ang isip ko sa mga bagay na maaring mangyari. Nakakapagod rin pala...

Pero ang commitment ay commitment. Kung ang maraming responsibilidad ay tinakbuhan ko na, heto ang isa sa mga wala akong balak basta takbuhan, kahit na minsan ay tinatanong ko sa sarili ko kung sino ba ang higit na nakikinabang sa aming dalawa. Gaya ng ipinangako ko sa kanya't minsan na rin naging dahilan ng pagtulo ng aking luha, pagbalik niya dito, may pangga pa rin siyang uuwian.

And so, back to my normal life I guess. Ngayong mag-isa na siya dito sa Maynila, inaanticipate ko na ang mas magiging mabigat na role ko sa buhay niya. Gustuhin man ng ilang bahagi ng conciousness ko ipamigay siya sa iba, sa tagal ng aming pagsasama at tindi ng responsibilidad na binigay ko sa kanya, tingin ko, matagal tagal pa bago may makahigit sa akin.

And to quote XP's words during our last night-out at BED.

"You don't really need Phanks that much, Phanks needs you the most."

---

Less than 24 hours and counting... ika nga ng isang housewife, "Kelangang mag-ayos na ng tahanan at magbunyi sa kanyang pagdating.

No comments: