kala ko ako na ang hari ng senti sa opisina
yun pala meron nang challenger sa akin ngayon
at maari pa niya akong mapataob balang araw.
pangatlong araw na rin to na senti ang office music namin
dahil sa kanyang mp3 player.
tuwing madaling araw, wala siyang inatupag kundi i-text
ang mga bading sa opisina. napagkamalan nga namin siyang
kapatid noong una eh.
pero for a straight guy, okay ang pagkasenti niya
maaring ito ay dahilan ng kanyang recent break-up
pero astig pa rin kasi sa laki at kisig niya, malayo sa personality niya
ang maging ganun.
it's nice to know that there are still sensitive straight guys out
there. at least, nawala sa stereotype ko
na kapag barako ka. wala sa bokabularyo mo maging
sensitive at gentle.
hindi pala.
No comments:
Post a Comment