I feel so restless. Nagkataon na sa sobrang hectic ng buong linggo ko, biglang tumaon na wala pala akong gagawin ngayong araw. Haay, what a good way to end a week. Tuloy, ginugol ko na ata ang buong umaga mag-isip lang kung ano ang gagawin ko ngayong araw. Ngunit, hanggang sa mga oras na ito, sets pa lang ng mga plano ang nabubuo sa utak ko.
Pero bago ko ilabas ang aking multiple choice question for the day. Heto ang mga naging dahilan kung bakit sobrang busy ng naging linggo ko:
Monday: Gym; 3:00 - 6:30. Outcome: Stressed, nakatulog ng buksan ang Teevee
Tuesday: Tulog; 4:00 - 8:30. Outcome: Bitin sa tulog, nakatulog ulit ng hatinggabi
Wednesday: Toma Session kina opismeyt; 3:30 - 9:00. Outcome: Umuwi ng lasing sa bahay. Plakda.
Thursday: Interview sa Gametel; 4:00 - 6:00, BED G4M Blackout Party; 12:00 - 3:00. Outcome: Narealize ko na mahal ko pa pala ang work ko at puro effem na tsikiting ang umaatend talaga ng G4M party.
Friday: Gym; 2:30 - 6:30, X-Men + Toma Session with the Odders; 7:30 - 1:30. Outcome: Maganda ang X-Men, totoo nga ang sabi ni Mutya na I should watch it. As with the Odders, well at least we get to bond pa rin kahit sa mga movie events na lang.
Kaya hayun, pagdating ng sabado, naubos ang events para sa social calendar ko. Nakakainis nga eh. Andami kong gusto gawin kaso nakakatamad maglabas ng pera (at lumabas ng bahay). Ah wait, may idea pala akong bago. Tiyak matutuwa na naman ang nanay ko nito. So, without further delay, here are the possible choices of things to do this afternoon...
Multiple choice ito mga pare.
a. matulog
b. magdownload ng mp3s sa internet + magsurfing hanggang hapon
c. pumunta sa quiapo, bumili ng porns at ilang DVDs (na matagal ko nang indi ginagawa)
d. mag-Sims
e. pumunta sa Divisoria para bumili ng kung anong mga anek anek na kailangan sa bahay.
f. manood ng TV at mag-couch potato hanggang mamayang gabi
g. pumunta kina James, magpaburn ng CD
So far, yan pa lang ang mga choices ko. Ano kaya ang pipiliin ko sa mga iyan? Meron kayang mga unexpected choices na lilitaw?
---
---
Kaybilis lang pala ng araw...
Galaw mo, nakabili ako ng dalawang movie DVDs, dalawang concert DVDs, dalawang Porn (na parehong gumagana) at isang Mp3 Compilation ng OPM Folk Songs. Napanood ko na rin ang Over The Hedge sa wakas at na-familiarize ko pa ang sarili ko sa music ni Freddie Aguilar, Asin at iba pang late 70's na mga pinoy artist. Ngayon gets ko na kung saan nakakuha ng inspiration ang Brownman Revival at Mano Mano sa kanilang music.
Nakakalungkot nga lang at bukas balik na ulit sa trabaho. Back to the same old routine... and seven days na puro kayod at pagpapakapagod ang gagawin. Pero anyways, sulit na rin sa ganito matatapos ang aking day off. Kahit paano, masasabi ko ring I had quality time with my family.
Kahit sa loob ng isang araw, halos dalawang oras ko lang sila nakita.
No comments:
Post a Comment