Wednesday, May 10, 2006

Souljacker

Gaya nga ng sabi ko kay Mutya (Mutmut), para akong isang nanay na hindi mapakali habang inooperahan sa kanyang harap ang kanyang nag-iisang anak. Sadyang mother figure lang yata talaga ako na kahit abutin ng sampung libo ang magastos maayos lang ang peste kong computer, gagawin ko. Pucha, hindi ko yata kaya tumagal ng isang gabi na walang PC sa harap ko no. Hindi ako makakatulog ng hindi dinadampi ang mga daliri ko sa keyboard. Balewala rin ang araw ko kapag hindi ko napanood ang mga porns ko at napakinggan kahit isa man lang sa mga MP3s ko na pinitik lang sa internet. Kung pwede nga lang, magpapakabit na ako ng socket sa leeg ko sabay ija-jack ko na lang ang sarili ko sa system para masaya eh. Imagine, nagsimula lang ang lahat ng hindi maka-connect ang PC ko sa internet. Syempre balisa na ako kaagad dahil hindi ko masisilip ang blog ko at makakapag download ng MP3 na trip ko. Tapos noong napagkasunduan namin nung technician na siyang nagreformat rin ng PC ko ilang linggo na nakakaraan na may sayad nga ang modem ko, humingi na kaagad ako ng abiso sa aking inay para isugod ang aking computer sa pinakamalapit na PC store sa bahay namin. At dahil matagal ko na ring binalak magkaroon ng extra hard disk para maging aking data storage, isinama ko na ito sa aking mga idadagdag na component. Kung tutuusin, medyo within budget naman sana ang usapan. Ngunit habang kinakabit na pabalik ang components ng aking computer, bigla naman itong nag-black out at hindi mag power-on anuman ang gawin ng mga technicians. Nagsimula ng alas kwarto at patuloy na gumulong ang oras. Hindi ko namamalayan na alas nuwebe na pala. Kung hindi ko pa pinagmatigasan na may kailangan akong gawing report para sa trabaho ngayong gabi, maaring pinaiwan pa nila ang aking computer sa kanilang tindahan. Matapos ang hindi mabilang na pagbabaklas at pagbabalik ng mga components nito; matapos ang sangkatutak na mga testing mapagana lang ang pasakit sa ulo kong computer; at matapos ang hindi mabilang na mga dasal, mag power-on lang ang aking PC, bandang huli, ito'y nagparaya rin sa pagmamaganda at tuluyang gumana rin sa galak naming dalawa ng technician, na sa mga panahong yun ay dalawang oras nang overtime sa trabaho habang nag-iintay ang kanyang maybahay na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw. Ang masakit nga lang, ang kabayaran upang ito'y mapagana ay katumbas ng isang buwan kong sweldo sa aking trabaho.

Such a price to pay for a material object that has become synonymous with my life.

No comments: