ninong joms, tumawag ka raw? thanks sa greeting ha, sensya na medyo busy ako ngayon... miss you. sana makapag-dinner uli tayo like last year. mwuaaah! may gusto ako itanong sayo kaya lang nahihiya akong itanong sayo...maybe when the right time comes...miss you...luv u :)
---
Bakit...
pagkatapos ng napakahabang
panahong pananahimik nating dalawa,
ang iyong mensahe
ay biglang pumukaw
sa natutulog kong damdaming
matagal ko nang ibinaon
nang ang ating tandhana'y
sinadyang hindi
magkru-krus ng landas?
Bakit
nang nagreply ako
ng message sa iyo,
biglang naging
iba ang
tono ng pagsabi ko ng
I miss you too.
---
For background story, refer to "Ice Rose" entry
No comments:
Post a Comment