Sunday, July 22, 2007

Mga Aral Ng Pag-Ibig

Para sa isang matalik na kaibigan:

---

Sa isang relasyon normal lamang ang magkatampuhan dahil sa:

Hindi pag-tetext back ng buddy kapag nagtext ang jowa; hindi pagkakaintindihan sa gustong gawin sa date; sa pagiging late sa pagkikita; sa pagkakaroon ng textmate na pagkarami-rami; sa pagiging busy sa trabaho, school o pamilya; sa pag-atras sa isang pinagplanuhang lakad; sa hindi pagkakaintindihan sa konsepto ng buhay, politika, prinsipyo, relihiyon; sa mga isyu na pangsarili na pati ang buddy ay dinadamay; sa hindi pagyakap/paghalik sa kapartner; sa pagseselos sa isang close na kaibigan; sa hindi pagbibigay halaga sa pangangailangang emosyonal, sex o pinansyal; pagsasabi ng mga salita/bagay sa maling bagsak at tono.

Sa panahon ngayon, hindi na rin kakaiba sa isang relasyon ang:

Pagkakaroon ng third party; pagkakaroon ng mga side trip; pagkakaroon ng kabit, flirtmate, o kaya fling; pagpasok sa relasyon na may girlfriend ang jowa, o kung minsan ay boyfriend naman; sa pagpasok sa isang relasyon na maraming karibal; sa pagpasok sa relasyon na opposite ang inyong upbringing at pinanggalingan, o kaya opposite sa estadong pinansyal, o kaya opposite sa konsepto ng pagiging PLU.

At higit sa lahat, normal ang matakot sa pagpasok sa isang relasyon, kung ito'y susuungin natin sa unang pagkakataon pa lamang.

Galing din ako sa ganun. At marami rin akong pinagdaanan sa simula.

Basta, lagi kong isinasaisip na walang ideal na relasyon. Lahat ng bagay ay nakukuha sa adjustment at kompromiso. Ang relasyon ay matamis sa simula, ngunit habang ito ay tumatagal, dumarami ang maaring maging ikasira nito. Ang relasyon, gaano man katamis at kasarap ay kinakailangan ng sakripisyo at pagpapaubaya. Tayo ang humuhubog nito. Ang relasyon ay nag-eexist hindi lamang dahil sa pag-ibig, ngunit dahil ito ay may matinding pangangailangan. Mahal natin ang isang tao, hindi lang dahil sa pakiramdam natin sa ating buddy, ngunit dahil sa malalim nating pinagsamahan sa taong mahal natin.

Ang intimacy ay isang napakahalagang component ng isang relasyon, aminin man natin ito o hindi.

Sakali man na dumadaan sa isang lubak ang ating relasyon, ito'y normal lamang. Sapagkat ito rin ang nagpapatibay ng pinagsamahan ng dalawang tao. Marami ang sumusuko at nabibigo, dahil sa tingin nila, ang relasyon ay isang convenience lamang; sapagkat mayroong isang dapat makinabang at dapat laging may nagbibigay, ito man ay walang kapalit. Marami ang nagbrebreak-up sapagkat walang contentment sa dalawang magkarelasyon at higit sa lahat, dahil sa nawawala ang motibo ng bawat isa upang ipagpatuloy ang relasyon, maging tingin man nati'y, wala itong patutunguhan.

Ang totoo, ang relasyon ay ang pagsasama ng dalawang tao upang maging isa. Ito ay ongoing sharing of experiences sa pagitan ng magsing-irog. Hangga't kaya, ito ay dapat huwag isuko. Hangga't may naniniwalang isa, ang relasyon ay dapat pa rin ipaglaban.

Nasabi ko na rin sa iyo ang mga bagay na maaring magpakumplikado ng isang relasyon. Dalawa ang naging saksi at dalawa ang sumang-ayon sa akin.

Tandaan mo kaibigan, to love is to get hurt. Hindi maaring magkahiwalay ang dalawa sapagkat ang relasyon, ay laging Yin-Yang. Mawala ang isa, tiyak na ito'y magiging sanhi sa pagtabang ng relasyon niyong dalawa.

Hindi ko man siya gaanong kilala, ngunit ang pakikisama na inilaan niya sayo ay sapat na upang ako ay magtiwala sa kanyang totoong hangarin. Saksi ako doon at ito ay lubusan kong hinahangaan. Hindi man ideyal ang sa akin, ngunit sapat na ang nakita kong devotion niya sayo upang siya ay pagkatiwalaan,

Ng buo at walang pagdududa.

Naniniwala ako na ito'y mag-wowork-out, at nakikita ko rin ang puso mo sa kanya.

Goodluck parekoy.

Narito lang ako sa tuwing magkakaroon ka pa ng katanungan sa iyong papasuking buhay.

---

There is a paradise that can be found
A better life to bring us round
And all we really need to do
Is see the world like lovers do

I want to take it easy, take it slow
To catch a fire and let it go
I wanna give myself to you
So we can live like lovers do

- Heather Nova, Like Lovers Do

No comments: