Minsan isang hapon, naglalakad ako sa tapat ng PGH matapos bisitahin si Phanks sa kanyang opisina. Palibhasa'y gutom at kagagaling lang sa pagy-gym, tantiyado ko na hindi ako aabot ng hapunan nang hindi naglalagay ng anumang sustansya sa sikmura.
Patuloy ako sa paglalakad. Sa mga oras na iyon, naglalaban na sa aking utak kung ako ba ay kakain o patuloy na magtitiis ng gutom. Hindi naman ako salat sa pera ng mga panahong iyon. Ang Wendys at Jollibee ay tanaw ko na mula sa aking kinatatayuan. Ilang hakbang rin lang mula sa akin ay ang Buena Bonita Burgers kung saan sa halagang 32 pesos eh makakabili na ako ng two-in-one cheeseburger.
"Shit nami-miss ko na ang burger nila," bulong ko sa aking sarili habang nakatulala sa mga burgers na nakasalansan sa harap ng burner.
"Maraming calories yan tungek!" bawi sa akin ng aking utak.
"Pero paano naman ako, puro hanging na lang ang nasa loob ko?" Sabay hirit sa akin ng aking sikmura.
Pagtingin ko sa aking kanan, nasa harap ko lang pala ang Gary's Restaurant. Natatandaan ko pa na kapag meron akong extrang pera ay dito ko nililibre si Phanks ng hapunan. Paborito nga namin yung Lechon Macau nila eh. Lagi nila itong sineserve sa isang bowl na may kasamang kanin, ilang piraso ng lechon kawali, carrots at radish sticks sabay lulunurin ito sa malapot na brown sauce na pagkatamis-tamis. Sa mga oras na iyon, ang temptasyon na mag heavy meal ay unti-unting nagco-corrupt sa utak ko.
"Disiplina! Disiplina sabe eh!" Protesta ng aking utak.
"Kompromiso tayo," kabig naman ng aking tiyan.
Kaya ang resulta, kumain rin ako bago umuwi ng bahay. Yun nga lang, napagkasunduan ng aking utak, tiyan at nagmama-asim na bulsa na happy meal ang trip kong meryenda ng hapong iyon.
Sa halagang trenta'y dos pesos, nabusog ako sa dalawang cheeseburger na binili ko sa Buena Bonita Burgers. Namimiss ko na kasing kumain dito lalo na't nagsara na yung kiosk nila sa may kanto namin. Ngunit hindi rin ako nakuntento dito. Matapos maglakad ng ilang metro, natiyempuhan ko si manong sa may panulukan ng Taft at (put the name of street here) na naglalako malutong at katakam-takam na fried calamares. Malalaki kasi ang hiwa ng mga pusit kaya't madali akong naenganyong tumuhog ng ilang piraso.
Sa halagang dose pesos, nakatuhog ako ng apat na piraso. Matapos itong i-dunk sa sukang puno ng naglulutangang sibuyas at sili, pakiramdam ko'y hindi ko na kailangang maghapunan sa sobrang kabusugan. Badtrip nga eh, hindi ko nakitang may sili palang nakasingit sa galamay ng pusit na kinakain ko. Napaso tuloy ang dila ko. Sa kamalasan, wala pa namang malapit na bilihan ng tubig sa lugar na iyon.
Sa bawat pagnguya ng calamares, unti-unti kong narealize na maari pala ito maging alternatibong pagkain sa mga taong nagtitipid sa pera. Nalaman ko ito nang sa paglingon ko sa aking paligid, hindi lang pala ako nag-iisa sa pagpakyaw sa calamares ni manong; naroon si Mang Jani, na mukhang iniwan lang ang mop sa tabi ng kalsada, pati na rin si Mister Salesman na buong maghapon na yata nag-iikot sa Ermita makabenta lang ng car insurance ng kanyang munting kumpanya. Imagine, sa halagang anim na piso, meron ka nang dalawang pirasong pusit. Bumili ka lang ng dalawang tasang kanin sa pinakamalapit na karinderya at tiyak solb na ang happy meal mo. Kung bitin ka pa, nasa tabi lang si manong pinyahan at ang kanyang sampung pisong kalahating pinya.
Eh nabitin ako sa burgers at calamares, tuloy nauwi ako sa pagbili sa kalahating piraso ng pinya para pantunaw ng mga toxins.
Natapos ang hapon at sa wakas ako rin ay nabusog. Sa aking pag-uwi, baon ko ang experience ng pagkain sa kanto-kanto, kung saan higit kong naramdaman na sa kabila ng ugali kong pagka-eletista,
May natitirang bahagi pa rin ng sarili ko ang konektado pa sa masa,
kung saan ako unang namulat matagal na panahon na ang nakalipas...

No comments:
Post a Comment