Sabi nila, pag bading ka daw expected sayo ang mahilig sa mga diva. Ilan ba sa mga kaibigan ko ang umaming die-hard Mariah fan sila? Sa kabilang banda naman, meron humihirit na maka-Madonna sila. Ilang contingent ba ang inatrasan ko matapos kong malaman na manonood pala ng concert ni Kyla ang mga kasama ko? Pati buddy ko hindi ko maarok ang music taste dahil masyadong malayo sa totoong hilig ko.
Nakakatuwang isipin na minsan, may kausap akong lesbian na kaklase ko noong college. Sa pag-uusap namin nasabi ko kung ano ang mga music na hilig ko. Habang binabanggit ko isa-isa ang mga favorites ko, nasabi na lang niya sa akin na "bading ka ba talaga? hindi mo dapat music yan ah!"
Wala na akong nasabi pagkatapos.
Sabagay nga naman, wala talaga akong kasundo pagdating sa music taste ko. At most, kung meron man kung hindi lesbian eh straight na lalaki. Banggitin ko sa kapwa kong bading ang Snow Patrol at Nada Surf, ewan ko lang kung may maka-relate sa akin. Sabihin kong mas magaling si Sarah Mclachlan kesa kay Regine Velasquez na ang talent ay bumirit lang, hindi malayong may magpa-salvage sa akin sa muling pagbisita ko sa BED.
---
Tanda ko pa tuloy noong may isa akong ka-trabaho na effeminate. Kapag nagrerequest siya ng kantang ipapa-download sa akin, kung hindi Smashing Pumpkins ito eh Natalie Merchant. Sa totoo, napaka-ironic para sa kanya ang makursunada ang mga music na ganun - pero tuloy pa rin siya. Minsan nagrereklamo na ang iba naming kasama sa mga pinapatugtog niya pero siya itong tuloy tuloy pa rin at walang sawang nakikinig ng sarili niyang music.
Naalala ko rin ang isang time na meron kaming inaamoy na ka-trabaho ni Jimbo. Sabi ko sa kanya sa IM na sa music taste pa lang ng isang tao may idea ka na kung ano ang orientation ng isang lalaki - o babae for that matter. At nang ang inaamoy namin ay nag Britney at Christina marathon sa loob ng 45 minutes, hayun at pagkatapos ng araw na yun napagkasunduan naming mataas talaga ang tendency niya - kung hindi man siya kloseta.
Wala lang, naisip ko lang ang mga bagay na ito nang minsang nagsosound trip ako na puro alternative. Naisip ko, bakit sa dinami-dami ng mga bading na kilala ko, bilang lang sa daliriang totoong nakakausap ko pagdating sa mainstream music ko? Putsa, wala pa nga akong naka-sound trip ni isa eh. Ganun ba talaga ka eccentric ang taste ko sa mundong ginagalawan ko?
Haay, nangangarap pa rin ako ng araw na may makakainuman ako na tugma pareho ang taste namin kahit sa sounds man lang. Don't get me wrong though, nakikinig rin naman ako sa Pop kahit paano. Yun nga lang, may staple ako na iba sa staple ng mga kapareho ko. Siguro kapag may kumanta sa akin ng Adam's Song o kaya ng Boston, ay tangina mahahalikan ko talaga. Dream ko pa rin na mag-road trip ng may (mga) kasama na puro light alternative at alternative lang ang nasa playlist namin. Mangyari man yun at malaman kong pareho pala kami ng wavelength ng utak, alam kong na-meet ko ang isa sa mga soulmates ko.
Pero hangga't hindi nangyayari yun, heto ako't patuloy na magdodownload ng alternative sa internet, malay ko ba, baka ang isa pala sa makakabasa nitong entry kong ito ay ganun rin ang sentimento.
No comments:
Post a Comment