Wednesday, June 14, 2006

Language Barrier

Minsan isang hapon sa tapat ng bangko kung saan pinapa-encash namin ang aming mga sweldo:

"Nak, grabe ang julaki sa bago kong apartment. Naku, magsasawa talaga ang bunganga mo sa mga pahada." Sabi ni Dexter na biglang tumabi sa akin.

"O talaga? Baka naman mga tambay yan" Hirit ko naman sa kanya na para bang walang bago sa kanyang kwento. Sabagay nga naman, sa aming tatlong PLU sa opisina eh siya lagi ang may booking. Ngayong may bago na siyang tinitirhang apartment na nakatayo sa gitna ng squatter's colony ng Mandaluyong, hindi nakakapagtaka na bebenta ang ganda niya dun.

"Uu kaya, kahapon lang eh nakatatlo kaagad ako" Bawi naman ni Dexter na mukhang proud na proud pa sa kanyang achievement.

"Edi hindi ka na dadayong Baclaran niyan? " Sagot ko naman habang hinahanap ang isa pa naming kasamang bading na si Jimbo.

"Oi ano ka, siyempre tuloy ang aking pagluhod sa sinehan." Sa loob loob ko, talagang hindi na magbabago itong si Dexter sa kanyang style. Sabagay, matanda na kasi.

"Nabona ka ba naman ng mga lalaking nauwi mo?" Tanong ko muli sa kanya na para bang hindi bilib sa kanyang kwento.

"Oo naman siyempre, may kasamang bona na yun." Ang bakla talaga, parang may nahukay na ginto ni Yamashita sa kanyang tuwa.

"Edi masaya." Pasimple kong bawi sa kanya dahil nga napapalibutan kami ng mga straight naming mga kasama sa morning shift. Palibhasa kasi sila eh, kumportable mag-tuklingan sa opisna, tuloy lagi akong napapagiwanan sa mga eksena.

Habang patuloy kami sa usapang bona, biglang sumingit sa aming diskusyones itong isang bagong salta sa aming kumpanya na kaibigan ni Senti Boy.

"Yung bona ba eh yun yung sa Bonakid?" Hirit ni lalaki na tatawagin nating alyas Boyband dahil sa kanyang kapansin pansin na get up.

"Ano daw?" Sabay lingon ko sa kanya ng buong pagtataka at pagkamangha. Ang mga straights nga naman. Buti na lang at nauso ang gay linggo. Tama nga ang sabi sa akin, basta fluent ka sa salita ng mga bading, malayo ang iyong mararating.

"Narinig ko kasi na naguusap kayo tungkol sa Bona, diba salitang bakla yan?"

"Okaaay... nako alam ba ng barkada mo na nacucurious ka sa usapan namin?"
Baling ko sa kanya habang hirit naman ng hirit itong si Dexter na bonahin daw siya ni lalaki.

---

Hindi doon nagtapos ang aming munting usapan. Eventually napilitan rin akong ikwento kay Boyband na ang bona ay gayspeak para sa anal sex. Sa kakaasar nitong si Dexter tungkol sa pagpapabona nito sa lalaking kausap namin, napunta ang usapan tungkol sa panonood ng sinehan. Sa hindi malamang kadahilanan, biglang nahirit nitong si Boyband na dati-rati ay madalaw daw siya manood ng sine mag isa sa Ali Mall.
Hmmmmm...

Sa bandang huli, napilitan na rin kaming magsipagpulasan sa aming kinauupuan. Si Boyband ay sumama na sa kanyang mga tropa at samantalang si Dexter naman ay nanood muli ng sine kung saan. Mukhang balak pa kumota noong aming swelduhan.

At ako'y naiwang naglalakad mag-isa papunta sa aking bangko. Nagmumuni habang natatawa...
Parang kailan lang, takot pa si ex na malaman kong fluent siya sa gayspeak.

Sinong mag-aakalang pagkaraan ng tatlong taon, basahin ko man from cover to cover ang blog ni Wanda at ni Badinggerzie, effortless na para sa akin ang magtranslate ng kanilang sinulat.

No comments: