Alas-10 ng gabi ngayong araw na ito, limang taon na ang nakakaraan. Dumating ako ng bahay na pagod at galing sa pag-iinspect ng night operations ng publishing company ng aking tatay. Wala akong kamalay-malay na sa kabilang bahagi ng mundo, may matinding trahedya pala ang nagaganap. Habang nanonood ng isang palabas sa GMA-7, lumitaw ang isang news ticker na nagbabalita tungkol sa pag-crash ng eroplano sa World Trade Center. Kaagad agad, nilipat ko ang istasyon ng TV sa CNN.
At ang aking mga mata ay namulat sa isang pangyayaring magpapabago sa takbo ng mundo matapos ang gabing iyon.
"Maraming inosenteng tao ang namatay sa dalawang* magkahiwalay na pag-atakeng ito. Marahil, marami pa ang madadamay sa mga susunod na araw. Maaring bumagsak ang mga ekonomya ng maliliit na bansa, dahil mismong ang US ay pansamantalang manghihina.
Marahil ito rin mismo ang maging mitsa ng isang madugong digmaan. Kung hindi natin pag-iisipan at damdamin lang ang ating susundin, pagkawala ng mga tao sa mundo ang maaring kahantungan nito.
Ako ay nagkokondena, nakikiramay at nagbababala mga tol.
Ito'y isang seryosong usapan."
- Sa Bisperas Ng Di Nalalayong DigmaanBBT Tabloid, September 14, 2001
* editorial written during the first few hours of the attack.
No comments:
Post a Comment