Heto ang mahirap ng walang kuryente... totoo ngang anuman ang pilit kong pagtanggap sa payak na pamumuhay dala ng brownout, masyado talagang nakatali ang buhay ko sa Meralco. Ang brownout ay nangangahulugang walang PC, walang TV, walang ilaw, walang electric fan at madilim ang paligid. Kung mamalasin, pati signal sa Globe, wala rin. Pawang pagtitiis at kawalan ang nadarama ko sa tuwing hihiga ako sa aking kama at pagmamasdan ang mga nagsasayawang apoy ng kandilang siyang nagbibigay ilaw sa aming tahanan. Sa magdamag na mainit, katabi ko ang aking ina sa kama. Sa kabilang kwarto naman ay naroon ang aking kapatid. Nais ko man maging kumportable kapiling ang aking nanay. Alam ng puso ko na nandun na ang pangingilag ng pagtanda.
Ang kaibahan nga naman ng kabataan sa katandaan. Kung noon, hindi ako makatulog kung wala si mama sa kama... ngayon naman, ingat ako madantay ng husto sa kanya sa takot na baka...
Ilang gabi pa ba ang kailangan kong tiisin bago maging normal ang lahat sa paligid ko? Ilang magdamag pa ba ng nakakabinging katahimikan (at nakakairitang tahol ng mga aso) ang kailangan kong itulog bago ko maranasang ihele muli ng mga tinig mula sa CNN at National Geographic Channel sa TV?
Sa pag-uwi ko ngayong gabi, marahil ay lalamunin ulit ako ng kadiliman. Ang mga tao sa lansangan ay walang sawa pa ring nakatambay sa may kanto, nag-iintay ng kislap ng bumbilya mula sa mga poste ng ilaw sa daan. Namimiss ko na ang yakap ng malamig na ihip ng hanging mula sa aking electric fan. Inaasam ko na ang normal na buhay dala ng kuryenteng hinahanap ko na sa mga oras na ito.
Sawa na ako sa black out... pagod na akong mamuhay sa kadiliman.

No comments:
Post a Comment