May isa akong friend na tatawagin natin sa pangalang Raptor. Kung pag-uusapan ang closeness namin, siya ang nangunguna sa lahat. Sa aming dalawa, siya ang mas matigas, mas mataas ang score pagdating sa booking, at talaga namang pinagkakaguluhan ng mga model-modelan at yaman-yamanan na mga bektas sa kalakhang Maynila.
Kung tutuusin, kaya niyang maging playboy. Pero in-fairness naman, sobrang bait nitong kaibigan kong ito.
Love ko na nga siya eh.
Pareho kami ng trip. Gusto namin, yung mga barako-type; yung tipo bang kahit knight in shining armor na ang drama namin, gusto namin meron kaming sidekick na badboy in disguise. Tipong kung pa-straightan lang ang laban eh absolutely 100% discreet looking ang target niya. Sa sobrang trip niya ang mga barako, na-hohook siya sa mga... kung hindi super-kloseta eh yung certified na may gufra. (girlfriend) Nitong nakaraang buwan, nasabi niya sa akin ang isang magandang balita.
"I'm dating this guy who has a girlfriend."
Noong una, biruan pa kami ni Raptor. Sabi ko, "kailangang masulot mo ang tsiks, walang makakatalo dapat sa iyo." Tawa naman siya. Ang hindi ko alam, matapos ang ilang linggong pagdadate at pagpo-popoy
"Official kabit na ako."
Shempre dahil halos kakambal na ang turing ko sa kanya, full support naman ako kahit hindi ko pa nakikita ang "boyfriend." Ganon naman ako eh, basta kaibigan, kahit saan pa nila napulot ang prospect nila, buong puso kong tinatanggap. Ang problema, mukhang hindi buo ang loob ni Raptor sa kanyang pinasok na buhay.
Makailang beses siyang kumunsulta sa mga tao kung tama bang tanggapin niyang siya'y number 2 lamang.
Ang totoo, tahimik lang ako sa kanyang sitwasyon. Sabi ko nga, masyado nang twisted ang views at morals ko upang magmalinis o kumontra sa bulong ng kanilang mga puso. Ilang beses ko na rin niraket ang pagiging kabet o magkaroon ng kabet, pero shempre, maingat ako pagdating sa affairs of the heart. Hangga't maari, iniiwasan kong ma-attach lalo pa't kumplikasyon lang ang aking papasukin. (following entry coming soon)
Kaninang hapon, tinext ako ni pareng Raptor kung ano raw ang gimik ko. Palibhasa'y ngarag na ako sa aking pagliban sa pagkain buong araw, sinabi ko na lang na pauwi na ako ng bahay galing Makati. Biniro ko nga ulit siya't sinabing "kapag nagtagal kayo ng boylet mo hanggang pasko, remind mo ako na bibigyan kita ng librong "Etiquettes For Mistresses" ni Julie Yap Daza." Nakita ko kasi siyang naka-display sa Powerbooks habang iniintay ko ang ka-meet up ko.
Hindi ko alam kung natamaan yata siya sa aking biro, o narealize lang niya ang katotohanan ng kanyang sitwasyon. Marahil dahil sa kanyang pride at pangungulila, tila hindi niya kinaya na siya'y magiging pangalawa lang. After all, sa ibang set-up hindi lang siya nagiging donya, spoiled senyorita pa siya. Hehe. Naisin ko man na ipagpatuloy niya ang relasyong sa tingin niya ay nag-iinspire sa kanya, ang dikta ng kanyang utak ay hindi ko kayang barahin.
Sa akin kasi, tinitingnan kong hamon ang kanyang relasyon sa kung alin ba ang mas malalim at mas challenging - ang relasyong babae ba o lalaki. Sa amin ng buddy ko, matunugan ko pa lang na may kinakalantari (whattaterm!) siyang babae, hinihiritan ko na kaagad ng "walang tatalo sa akin - sa diskarte, pagiging maalaga at sa pagiging koboy." So far, wala pa namang seryosong kumpitensya. Two in one yata ako.
Anyway balik kay Raptor, marahil nga, dahil narealize niya ang katotohanang hindi niya kailangang makipagkumpitensya sa atensyon,
Inisplitan niya ang kanyang bagong boyfriend.
Sayang nga lang, na-convert sana muna namin ang kanyang lalaki bago niya ito tuluyang binitawan.
---
Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba
kahit hindi tama ang ginagawa sinta
basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya.
At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka
di ko to makakaya basta bay makasama lang kita
kahit kapiling mo pa siya
- Gagong Rapper feat Kyla, Kabet

No comments:
Post a Comment