Pasaway Moments
- Kahit na inaapoy na ng lagnat o kaya nama'y kumakahol na dahil sa ubo, ni hindi man lang nakitaan ninuman na nag t-shirt o nag pang-itaas si Joms sa bahay.
- Para kay Joms, laging kasunod ng panghihina ang throat infection o kaya nama'y pigsa. Sa pagkakataong ito, mas pinili niya magpaka-overdose sa pagkatamis-tamis na kalamansi juice kahit na alam niya na iba na ang nagiging reaksyon ng kanyang humahapding lalamunan dito.
- Sa kasagsagan ng ulan at baha, pasaway nitong hinatid ang kanyang buddy sa sakayan ng jeep nitong ito'y papasok sa kanyang trabaho.
- Sa halip na magpahinga noong mga unang araw ng kanyang trangkaso, mas pinili ni Joms ang maglaro ng computer at magsurf sa internet buong araw.
- Ang pagyoyosi ay nabawasan nga, ngunit hindi natigil ng lubusan.
- Ang Biogesic at Robittusin na gamot ay iniinom naman niya sa tamang oras. Ngunit sa dami ng tableta ng Ascorbic Acid na kanyang nilunon, marahil ay malapit-lapit na siyang na-overdose dito.
- Nang sumunod na araw matapos magsimulang uminom ng antibiotics (day after the Bedridden Entry) bumalik na rin sa trabaho si Joms. Sa bahay nga lang ito nag report.
- Nang sumunod pang araw, nagpumilit ng pumasok sa opisina si Joms. Hindi pa siya nakuntento dito, matapos ang trabaho, naisipan pa nitong makinood ng Volleyball Games ng mga tropa niya sa Pinoyexchange sa halip na magpahinga at bumawi ng lakas sa bahay.
- Kahit stressful sa utak, nagpatuloy rin si Joms sa kanyang pag-aaral ng leksyon bilang paghahanda sa kanyang report sa isang subject sa graduate school ngayong linggo sa halip na magpahinga.
- "By hook or by crook babalik ako sa gym ngayon," ito ang huli niyang binitawang salita kaninang umaga bago umalis ng bahay papasok sa trabaho.
No comments:
Post a Comment