Funny how some things in the past finds it's way to the present.
Since the events that happened last Saturday at Che'lu, this blog entry I wrote two years ago gives a possible insight at how things would have happened if not for the realizations I had from a quite painful experience in BED before.
---
While speaking to Mister B last night, I told him that I still think about the bet. I confessed that I was very flattered with the way he made me feel important that night. To top it all, I am still looking forward to see him someday, hoping he would still... remember me.
Overnight, I was put in Mister B's shoes.
As fast as those confessions came out of my head, this blog post also made a stunning presence to remind me not to be too gullible this time. This entry offers some important lessons that I must remember, now that a similar situation threatens to overwhelm me...
---
Entry Written: April 01, 2006
Concluding Part of the Entry: Dear Badinggerzie
Nagbalik ako ng BED ngayong gabi.
Nais ko sanang balikan ang lugar kung saan naganap ang aming matamis na sayawan at moment na naganap noong isang linggo upang sana ay matandaan at huwag makalimutan ang gabing nakilala ko siya.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, nagsimula na akong lumibot, umaasang naroon lang siya't lasing muli at nagsasayaw mag-isa. Alam mo ate, lahat na ata ng chinitong makita ko ay pilit kong hinahawig sa mukha niya. Kung tutuusin, marami-rami rin ang cute kanina, ngunit ang kanyang alaala ang siyang nagpipigil sa akin upang tumingin sa iba.
Ilang ikot rin ang ginawa ko, masigurado lamang na wala siya sa lugar na yun. Marahil ay nasa Hed Kandi siya, o kaya nama'y nasa Government. Maari rin namang natulog lang siya buong magdamag o kaya nama'y nasa piling ng iba.
Sa dinami-dami ng naiisip kong dahilan kanina, ang tumatak lang sa akin ay ang aming sayawan. Akala ko ay lubusan ko na itong nalimot sa loob ng isang linggong puro gym at trabaho ang inatupag ko.
Ngunit sa ikatlong ikot ko, mukha atang nagbibiro ang tadhana. Isang makisig at chinitong lalaki ang umiinom ng beer ang nakasandal sa bar ang namataan ko. Noong una'y nilapitan ko pa siya para lang masiguradong tama ang sinasabi ng mga mata ko.
Taena this is it! Talagang tinakdang magkita kaming muli!
Nandun siya ate, at gaya ng dati, cute pa rin siya gaya noong una ko siyang nasilayan.
---
Kamustahan, ngitian at konting kwentuhan. Yun ang ginawa namin. Pinakilala niya ako sa kasama niya na siyang nang-iwan sa kanya noong isang linggo kaya naman effortless ang aking pag-entrada sa kanyang mundo.
Sabi niya sa akin noon ay kaibigan niya ito - Chinese rin at mukhang effem. Okay lang kung friendship sila, tutal di ko naman bet ang kasama niya. Pero kanina, parang may isang kirot sa puso ko ang siyang nagpamulat sa akin ng katotohanang...
Mukhang ang pagkakaibigan nila ay higit pa sa sinasabi niya.
---
Noong isang linggo, panay ang lingon niya kung saan saan habang kami'y nagsasayawan. Panay rin ang text at tawag niya sa taong kasabay daw niya... ang taong nag-aya sa kanyang pumunta sa bar na yun.
Sa akin balewala yun, ganun naman diba, kapag ang friendship ay nakahanap ng partner, pasimple tayong eexit para hayaang makaporma siya sa taong kapartner niya. Pero alam mo kanina ate, habang pinagmamasdan ko sila sa malayo. Habang ngumingiti akong mag-isa at nagpapasalamat dahil nakita kong muli siya.
Naramdaman ko na may namamagitan sa kanila.
Na mukhang ako'y naging panakip butas lang noong gabing iyon - na siya rin ng ginawa ko sa kanya.
Sa totoo, sobrang lungkot ko ng gabing iyon. Magulo ang aking relasyon, at may napapag-interesan akong bagong tao na noong dumating ako sa BED ay nasa isipan ko pa. Kung may plano man ang Diyos noong mga gabing yun, baka marahil ginawa niya akong kaakit-akit sa kanyang mga mata nung kasagsagan ng kanyang kalasingan para ako ang kanyang piliin;
Na sadyang nagtama ang landas naming dalawa upang makalimot sa kanya kanya naming buhay na nasa sentro ng kalungkutan.
---
Ilang beses kong sinubukang lumapit sa kanya habang wala ang kanyang kasama. Nais ko sanang makipag-usap at makibalita gaya noong una kaming nagkita. Pero tama ang hula ko sa mga mangyayari sa aming muling pagkru-krus ng landas.
Higit na mas malamig na siya sa akin ngayon at walang pakielam.
Nakakatawa kasi para akong tangang naghahabol sa kanya. Pati nga yung kasama niya parang pinagtatawanan rin ako kasi hindi ko talaga maalis ang tingin ko sa kanya. Sa aking pagsayaw - na sa di malamang kadahilanan ay nakopya ko sa sayaw niya, iniisip ko pa rin siya.
Sa bawat pikit ng aking mga mata, dinadalangin kong pagmulat nito'y nasa harap ko na siya't sumasayaw sa aking gaya noon.
Ngunit... sa kasamaang palad, ito'y isang pantasya lamang.
---
Lumipas ang dalawang oras, nakita ko rin siyang napag-isa. Ngunit hindi gaya last time, hindi na siya masigla sumayaw ngayon. Sa halip, nandoon siya sa gilid, nagmamasid sa mga nangyayaring kaganapan sa gitna ng dance floor.
Bandang huli, narealize kong ang sayaw ko ngayong gabi ay para sa kanya - ang malungkot na sayaw ng aking pagpapaalam.
Alam mo ate, kung kailan pa umatras ang nirereklamo kong bilbil last week. Kung kailan mas handa na akong makipagsabayan sa kanya sakaling ayain niya akong muli sumayaw. Kung kailan mas malakas na ang loob kong higit na mas mataas ang market value ko ngayong gabi.
Siya naman ang nawala - at tuluyang umexit sa aking buhay.
Mukhang wala nga akong kakantahing Bakit Ngayon Ka Lang...
Putsa, sa ginaling galing kong gumiling at magsayaw ngayong gabi, kung kailan naabot ko na ang pinakapinapangarap kong flexibility na unang objective ko noong ako'y nagsimulang mag-gym.
Saka ako namulat sa katotohanang.
Ang hirap palang sumayaw mag-isa.
---
Such history... will never happen to me again.

No comments:
Post a Comment