Friday, January 11, 2008

Makings Of A Pinoy Blog Superstar

"Congratulations! Your blog has been nominated for Pinoy Blog Superstar December 2007! Check out my latest entry for details!"

---

Limang taon na ang nakakaraan nang simulan kong isulat ang blog na ito. Ang dahilan ay si Dodong, sapagkat noong unang panahon, ang PEx ang ginagawa naming mini-blog na magkakabarkada. Si Dodong ang kauna-unahang nag blog sa aming lahat. Ang sabi niya, sa kanyang blog niya isusulat ang mga bagay na kadalasan ay off-topic sa aming pinag-uusapan sa thread.

Makaraan ang isang linggo matapos niyang i-unveil ang kanyang blog sa aming lahat, ako ay palihim na sumunod sa kanyang yapak. Ang purpose ko noon ay magkaroon ng private space - kung saan mailalahad ko ang lahat ng aking saloobin. Kasama dun ang pagdo-document ng mga activities ng Odders, kung saan ako ay nabibilang.

Dumaan ang panahon, ang mga kasama kong bloggers na akin ring ka-tropa ay unti-unti ng tinamad magsipag-blog. Sabagay, tinitingnan namin ang blogging noon bilang isang craze lamang. Malay ko bang sa tinagal-tagal ng panahon kong nagsusulat, ang Pulsar ay mag-eendure at makaka-inspire ng iba pang PLU writers na gumawa ng sarili nilang blog.

Sinabi ko noon na ang blog ko ay sasagot sa akin lamang. Hindi ako magpapa-pressure sa aking mga readers at hindi ako magsusulat para tumaas lamang ang aking hit points sa Alexa. Isusulat ko dito kung ano man ang mga personal kong kuro-kuro sa mga nangyayari sa paligid ko, pati na rin ang mga bagay na naranasan ko sa araw-araw kong buhay. Ito ay aking diary, at kahit na ito'y isang public domain, pinili kong huwag maging expose sa maraming tao para na rin sa aking security.

Sa limang taong iyon, mayroong nang limang big-time bloggers na ang nakapansin sa akin. Ito ay sina Manuel L Quezon III, Jove Francisco, Sawariko, Manila Gay Guy at Carlo Vergara - ang tinuturing kong isa sa mga mentor noong patawid pa lamang ako sa ganitong mundo. Lubos kong pinapasalamatan ang mga taong ito, sapagkat kahit paano ay nagkaroon ako ng existence sa labas ng aking tinuturing na circle.

Napansin man ako ng mga taong ito, kahit kailan ay hindi ako na-nominate sa mga patimpalak na ginaganap dito sa blogspace. Maaring ito ay dahil na rin sa aking exclusivity sa mga taong hindi naman nakakakilala sa akin.

Kagabi ay nakatanggap ako ng isang comment mula kay Empress Maruja upang ipaalam sa akin na ako'y kasali sa kanyang buwanang Pinoy Blog Superstar. Kumbaga sa Miss Universe Pageant, tiklop kamay kong tinanggap ang balita at i-blinog ito sapagkat bihira lamang mangyari na ako'y ma-recognize ng ibang tao.

---

Such honor deeply humbles me. Even if I never win the award, the mere acknowledgment from someone larger than me is enough to make all my efforts worthwhile. After all, I write because I find such habit extremely relaxing.

However, I hope that my entries would serve as a lesson and guide to others - especially to PLUs who find themselves having a hard time adjusting to a life living in the closet.

I dedicate my nomination to those who read my blog. Thank you for staying with me, even if I write crappy or recycled entries most of the time.

I also give thanks to Empress Maruja. It's been a great honor knowing you, even if in college, we never got that close.

No comments: